9. Mantis

69.5K 1.7K 82
                                    

Chapter 9

“Ano ba! Bitiwan mo nga ako.”  Hinila ko ang kamay ko na hawak hawak niya.

“Raziel…Here, isuot mo to.” Ibinigay niya ang jacket niya sa akin kasi nga nakabackless ako at malamig dito sa tabing dagat sa labas ng bar.

Pero instead na kunin ko ang jacket, I shoved it at him. Alam kong wala siya kasalanan pero masama talaga ang loob ko at hindi ko mapigilan na ibunton sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng panibugho.

“Utang na loob Rex. Tigilan mo na. Stop using such gentle words towards me. Stop protecting me. Just stop seeing me.” Nagiging hysterical na ako. Akalain mo yun, gusto ko na ngang makalimot kaya pumunta ako sa bar na to tapos makikita ko siya dito? Paano ako makakalimot nito?

“I’m sorry Raz.” Sabi pa din niya. I snorted.

“What are you sorry for? Dahil nainlove ako sayo? Nang iinsulto ka ba?”  Kasalanan ba niya na nag assume ako? Na nainlove ako?

“Nasasaktan kita.  That’s what I’m sorry for.” Alam kong may kadugtong ang sasabihin niya. He is sorry because dahil niya ako magawang mahalin. Hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko. Pero alam kong hindi niya yun kayang sabihin dahil pag ginawa niya yun, mas lalo akong masasaktan and gentleman that he is, ayaw niyang insultuhin ako sa pagmumukha ko.

My God! How could I hate him? Mabuti sana kung may kasalanan siya or salbahe siya para madaling magmove on. Pero paano kung wala kang makikitang masamang ugali sa kanya at kapag naalala mo siya pawang kabutihan ang maalala mo? Paano ka makakamove on?

Mahirap na ngang mahalin siya, pati ba naman pagmove on mahirap pa din?  

“Kung ayaw mong mas lalo akong masaktan  then stop acting like my friend. Stop following me. Stop acting as if you care!” Sumigaw na ako.

“But I care Raziel. Dahil kaibigan kita.“  Hindi ba niya alam na nasasaktan ako pag sinasabi niya ang salitang kaibigan? Doesn’t he have any regards of what I feel? Hindi ba niya naiintindihan ang salitang pagmamahal?

“Hindi ko kailangan ang friendship mo dahil iba ang kailangan ko sa yo.  Hindi mo ba naiintindihan Rex? Sinabi ko ng mahal kita at hindi ako kuntento sa friendship na ini offer mo. At hindi mo rin naman maibibigay ang gusto ko. Hindi mo pwedeng ibigay sa akin ang puso mo because it belonged to someone. And that someone… siya yung hindi ko pwedeng, mura murahin,  sabunutan at lalong lalo ng agawan. Wala akong laban.  Kaya pwede ba? Kung ayaw mong mapikot at hindi matuloy yang pangarap mong maging pari, layu layuan mo ako Rex.” Tumalikod na ako at iniwan siya.

Nawala na ang kalasingan ko.

Naglakad ako papuntang kotse at binuksan ang pinto. Pero nagulat ako nung pagbukas ko, nakaupo si Kuya Jhudiel sa driver’s seat.

“Sa passenger seat ka. Ako ang magdadrive.” Kung paano siya nakapasok sa kotse ko ng walang susi wala na akogn panahong isipin. Masakit ang ulo ko. Masakit ang puso ko. At maskait pa din ang pwet ko na pinalo ng kapatid ko.

Tahimik siyang nagdrive pauwi sa amin at nagtaka pa ako nung makarating kami nung hindi niya ako pinagalitan. Instead, sinabi lang niyang matulog na daw ako. 

Ang Kwento ng GreenmindedWhere stories live. Discover now