10. Harlequin

78.3K 1.9K 234
                                    

Chapter 10. 

“Babalik na bukas si Rex sa seminaryo.” Biglang sabi ni Kuya Jhudiel habang nagbbreakfast kami ng itlog at hotdog. Napatigil ako sa pagsubo ng hotdog.

Dalawang araw na ang nangyari sa bar at ngayon lang ulit namention ni Kuya Jhudiel ang tungkol kay Rex.

“Paano niyo siya nakilala.” Ang alam ko kasi, si Kuya Ralph at si Rex ang magkakilala. Common friend ba siya ng apat?

“Friend siya ni Raphael. Nung makita niyang pumasok ka sa bar, tinawagan niya si Ralph at tinawagan kami ni Ralph at doon ka namin nakita na nagwawala.” Kaya pala magkasama sila.

“Hindi mo ba siya kakausapin bago siya bumalik sa sementeryo?”  Gusto kong matawa sa sinabi niya. Obvious naman na nagpapatawa siya pero wala akogn lakas na tumawa.

“Seminaryo, hindi sementeryo. Ginawa mong patay yung tao. At bakit ko pa siya kakausapin? Maggogoodbye ako at magsasabi ng goodluck kahit labag sa loob ko?”

“Raz, lahat tayo nakakaranas ng kabiguan. Hahayaan mo bang bumalik siya doon na may guilt kasi may nasaktan siyang tao na hindi pa siya napapatawad? Sa tingin mo ba matatahimik siya sa loob gayung alam niyang masama ang loob mo sa kanya? At least kung magkakausap kayo at malaman niya na willing kang I give up siya, mawawala ang guilt and he could rest in peace.”  Malumanay na sabi ng kapatid kong nasapian ata ng kaluluwa ni Confucius. 

“Kuya! Kanina sementeryo, ngayon  Rest in Peace. Ginawa mo namang patay yung tao.”

“Ganun din naman yun. Matatahimik na siya. At para makapag move on ka na din ng maayos, liwanagin niyo ang lahat.”  Nakatulala lang ako sa kanya ng matagal tagal.  Nagpaalam na siyang mauuna kasi may pupuntahan pa siya. Tapos tumayo na siya at umalis. Nagpasalamat naman ako sa wisdom niya.

Pero nung kukuha na ako ng itlog, napansin kong ubos na ito. Wala na din ang hotdog. Inubusan ako ng ulam ni Confucius.   Nagpaluto na lang ako ulti tapos tinapos ang pagkain ko at nag ayos.

Tinext ko na din si Rex na magkita kami sa isang restaurant. Sinabi ko ang oras tapos hindi na ako naghintay ng reply niya at umalis na ako papuntang resto.

Nung pumasok na ako sa restaurant, nakita ko na siyang nakaupo sa isang table. Nasilaw pa din ako sa kagwapuhan niya pero agad kong inignore ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dumiretso na ako sa table at nung malapit na ako tumayo siya at pinaghila ako ng upuan. Hindi na ako nagreklamo kasi ganun talaga siya. Una pa lang dapat hindi ko na binigyan ng  meaning ang mga ginagawa niya. Naging sobrang assuming lang talaga ako.

We exchange pleasantries tapos nag order na kami. Inaamin ko na ang awkward. Habang kumakain kami wala masyadong nagsasalita pero hindi pa din niya maalis ang pagbibigay ng pagkain sa plate ko.  Hays…sino ba ang hindi maiinlove sa kanya?

“Babalik ka na daw bukas?” Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

“Raz, Im sor—“ Pero hindi ko na siya pinatapos. Alam ko na ang sasabihin niya.

“Wag kang magsorry. Wala ka namang kasalanan. Hindi rin ako nakipagkita sayo para sumbatan ka.  Hindi rin ako magsosorry na nainlove ako sayo. Hidni ko naman kasi mapigilan. Pero hindi rin ako magiging hadlang sa mga pangarap mo. Pero Rex, magsosorry ako sa mga sinabi ko sayo, sa pagsigaw ko sayo. I know you don’t deserve it.” Nakatingin lang siya sa akin. His face is so serious at lalo siyang naging pogi dahil sa seryoso niyang mukha. Panigurado pag naging pari na siya madami ang magsisimba.  

“Nakipagkita ako sayo to say that I will be okay at makipagbati na din. Ayaw ko namang umalis ka na hindi tayo bati. Although, sa ngayon, hindi ko pa masasabi na tanggap ko na ang friendship na inooffer mo, at least tanggap ko naman hindi ka talaga para sa akin. Hindi ko lang siguro matanggap pag sa ibang babae ka mapupunta. Aagawin talaga kita.” I smiled and he smiled. Pero may lungkot sa mga ngiti ko. Hindi naman ako plastic para sabihin na hindi ako nasasaktan sa mga sinabi ko. Siempre nasasaktan ako pero may magagawa pa ba ako?

“Thank you Raz.” Sabi pa niya. Umaliwalas na ang mukha niya at medyo lumuwag ang dibdib ko. Ganito pala talaga pag nagmahal. Sasaya ka kung saan sasaya ang mahal mo, kahit hindi pa siya mapunta sa piling mo. Per swear talaga, pag sa ibang babae aagawin ko talaga siya.

“Anong thank you? Hindi yan libre. Pag kinasal na ako, ikaw ang ang pari ha? Tapos wag mo na akong singilin. Tapos ikaw din sa binyag ng mga anak ko, pati kasal nila. Libre lahat yun, kabayaran mo yan sa napakamahal kong pag ibig.” I smiled sheepishly.

“Hindi ba ako malulugi niyan?”

“Hindi ka naman siguro gagawing negosyo ang pagpapari di ba?” Tapos nagtawanan na kami. At we talked about other things. Pagkatapos naming kumain, niyaya ko siyang bumili ng monay sa breadtalk at pagkatapos sabay kaming pumuntang parking. Magkatabi na naman ang kotse ko at ang kotse niya. Parang déjà vu.

At doon na kami maghihiwalay.

“Goodluck Raz.” Sabi niya

“Goodluck Rex.” Sabi ko din.

Pero bago pa ako umalis tumingkayad ako at mabilis siyang hinalikan sa lips. Tapos mabilis na tumalikod at sumakay sa kotse ko at agad na sinara.

Abot tenga ang ngisi ko at nakita ko siyang kakamot kamot habang nakangiting nakatingin sa kotse ko. It was just a smack pero paksyet, hindi ako makakapayag na maghiwalay kami ng hindi ko man lang natitikman ang red, kissable lips niya. 

Ang Kwento ng GreenmindedWhere stories live. Discover now