Chapter 2: Too friendly
Hindi ko namalayan na inabot pala ng apat na oras ang orientation.
Naging nakakaaliw kasi ang mga ganap.
Napuno ng biruan at palaro ng mga host na si Jema, na nalaman kong nasa ika-dalawang taon na dito sa school, at iyong kasama niya na babae na nagpakilalang si Ate Maki, isa namang 4th year student at head ng student council ng college.
Dagdag pa na nagkaroon ako ng makulit at madaldal na katabi sa upuan.
The speech made by the college dean, Dr. Andrada Rosal, was very inspiring. Ipinaliwanag niya sa amin ang mga mission at vision hindi lang ng college at ng school, kundi pati na din ng napili naming profession.
She repeatedly reminded us the heavy importance of this profession that we are pursuing, and made us promise that it will always be embedded not only in our mind, but most especially in our hearts.
Aniya pa ay kahit madalas na utak ang dapat sundin at gamitin sa pagdedesisyon lalo kung kami ay magiging ganap na doktor, hindi pa din daw dapat mapag-iwanan ang paggamit ng puso.
"Above all, compassion coming directly from our heart is what we always must possess."
Sumabog ang palakpakan matapos ang speech at mga paalala ni Dr. Rosal.
Sunod ay nagkaroon ng maikling performance mula sa isang organisasyon sa college at pagkatapos ay nagsalita naman ang presidente ng school.
Mainit na pagbati ng pagtanggap ang naging simula ng speech ng presidente na kalaunan ay naging tungkol sa mga maaari naming maranasan at danasin sa mga susunod na taon ng aming pag-aaral.
"All of you are brilliant students because you are here now, one step closer to achieving the goals you were just once dreaming about," He firmly said. "Do not let the inevitable hardships that you are going to face in the future make you think other wise about yourself."
"You. are. brilliant. and you should never forget that no matter what."
He said the last line with full of assurance.
His speech ended with him reminding us to always uphold the motto of our school - Excellence, Compassion and Honour.
Everyone was immediately thrilled when Jema and Ate Maki announced that lunch will be provided for us. Sinabi nila iyon nang matapos na ang lahat ng mga nagsalitang mahahalagang tao at ng mga performances na inihanda ng iba't ibang grupo at organisasyon sa college.
Binanggit din nila na habang lunch break ay maaari na naming tignan sa registration sa labas kung anong block kami, dahil iyon na din ang grupo na aming makakasama sa tour mamaya.
Kitang kita ko ang bilis na nagtayuan ang mga tao. Most of the students immediately stood up when the hosts said that we can get our lunch on the buffet table set at the far back of the auditorium. A long line immediately piled up for that.
"Grabe nagutom ako kakatawa kay Jema!" I heard one the students said as the pass by our row.
"Oo nga eh! Naku narinig ko na sa ibang upperclass na kakilala na ganyan daw talaga pag siya..." narinig kong sagot pa ng isa na hindi ko na naintindihan ng buo.
Sumandal na lang ulit ako sa upuan. Hihintayin ko na lang muna na medyo maubos ang mga nakapila bago ako tumayo at pumila na din doon.
The girl sitting beside me, Natz, who is also watching the long line that is piling up, looked at me.
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceArtista x Med Student Pinag-lapit ng pagkakataon. Pinagtagpo ng panahon, ngunit... Itinadhana kaya?