Chapter 1: Long day
"Sasha, bumangon ka na!"
Mula sa mahimbing na pagtulog, napa-balikwas agad ako sa sobrang gulat sa lakas ng sigaw na narinig.
"Sasha, bumangon ka na! Sasha, bumangon ka na!" paulit-ulit pa muli nitong sigaw na lalong lumalakas.
Mabilis kong hinanap ang aking cellphone sa paligid ng higaan, wala na agad ang antok dahil sa mga sigaw na sigurado akong tunog ng alarm ko dahil ako lang naman mag-isa ang nandito sa apartment.
"Sasha buma--" mas malakas pa sanang sigaw ng alarm pero mabilis ko nang pinatay iyon.
Nahiga ulit ako at itinakip ang mga kamay na mukha, hawak pa ang cellphone. Inangat ko ulit iyon at tiningnan ang oras.
"Ugh! Bwisit ka talaga, Kuyaaaa!!"
Malakas kong isinigaw ang mga reklamo, umaasang umbot iyon sa kapatid ko na nasa kabilang ibayo ng siyudad. Sigurado akong siya ang pasimuno sa alarm na ito dahil boses niya ang narinig kong sumisigaw doon!
Alas-singko pa lang ng umaga.
Mas lalo akong naasar dahil alam kong alam naman nila na alas-otso pa ang orientation sa school na pupuntahan ko mamaya. Argh!
Huminga ako ng malalim at ibinaba ang aking cellphone sa gilid. Nagtabon ako ng unan sa mukha sa kagustuhang mahanap muli ang antok na alam kong walang wala na.
"Arghh, I hate him!" mariin kong sambit habang nakatabon pa ang unan sa mukha.
Ilang minuto pa akong nakahiga. Nang nakumpirma kong hindi na nga ako ulit makakabalik sa pagtulog, napag-isipan ko na lang bumangon na at magluto ng breakfast.
"Nakakainis naman! Ang ganda ganda pa naman ng panaginip ko... nagsasayaw daw kami ni Steve Rogers! Ugh, panira talagaaaa!"
Inis na inis ko pa ding reklamo, kinakausap ang sarili habang binubuksan ang coffee maker at naglalagay ng kape doon.
Matapos doon ay nagsimula na akong tumingin-tingin sa mga cabinet sa kusina at sa aking refrigerator para sa pwedeng iluto.
"What a way to start my day, right?!" Patuloy ko pa ring reklamo sa sarili.
Lumipad ang isip ko sa kung paano ba ako pwedeng makaganti sa napakabait kong kapatid. Iyon lang ang laman ng isip ko habang nilalabas ang isang pancake mix mula sa cabinet at ang iba pang mga gagamitin para mailuto ang napiling pagkain.
Naisip ko na tawagan siya ng tawagan para magising kaya lang ay bigo ako. Tingin ko ay inaasahan niya na ito at nauna na niya i-set sa "do not disturb" ang kaniyang cellphone.
Naalala ko nang iwan nila ako kahapon dito nang naka-settle na ang lahat ng mga kailangan ko. Kaya pala ang bait-bait niya sa akin noong paalis na sila!
Today is Monday and it is actually my first day in Med School.
Kahapon nga ay inihinatid na nila ako dito sa apartment na pansamantalang magiging tirahan ko habang nag-aaral. Malapit lang ito sa school na papasukan ko, ang biyahe ay hindi hihigit sa 15 minutes lalo na at may sarili naman akong sasakyan.
Napag-desisyunan nila Mama na kumuha na lamang ako ng mauupahang apartment o condo unit malapit sa school dahil tingin nila ay hindi ko na kakayanin na mag-uwian pa sa bahay namin, hindi kagaya noong college na hamak lapit lang ang school sa bahay.

BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceArtista x Med Student Pinag-lapit ng pagkakataon. Pinagtagpo ng panahon, ngunit... Itinadhana kaya?