Chapter 8

60 3 1
                                    

Chapter 8: Bwisitor

Nagising ako sa isang panaginip na parang nahuhulog daw ako.

Hindi at ayaw ko pa sana i-dilat ang mga mata ko dahil ramdam na ramdam ko ang pananakit ng katawan, kasabay pa ng pagod na punong puno pa din ang sistema ko, ngunit napilitan na akong gawin iyon. 

Kakauwi lang namin kaninang madaling araw mula sa pagbabakasyon kela Ate at siguro ay nasa tatlong oras pa lang akong natutulog nang nagising ako ngayon. Sinubukan kong idilat ang isang mata at kinapa ang cellphone sa gilid ng unan. Binuksan ko iyon at tinignan kung anong oras na, pagtingin ko doon ay nakitang alas-kwatro na pala ng hapon. 

Shit, so mahigit 12 hours na akong tulog sa lagay na iyon? Parang 3 hours lang eh.

Masakit man ang katawan ay bumangon na din ako at naisipan na maligo na, baka sakaling guminhawa ang pakiramdam doon. Bababa na din ako dahil nakakaramdam na ako ng gutom, halos buong araw na pala kasi akong natutulog. Tsk.

Ginawa ko nga ang naisip at nagbabad pa ng konti sa hot shower. Guminhawa naman ang pakiramdam ko dahil doon pero nararamdaman ko pa din ang sakit sa iba't ibang parte ng katawan, kaya napag-isipan ko na maganda kung magpa-massage na lang mamaya, iyon lang ata ang solusyon dito sa masakit kong katawan.

Bakasyon pa, more! Tsk. This is the part of travelling that I hate the most. Yung pag-uwi. Nandoon kasi lahat ng pagod, tapos may sepanx pa sa pinuntahan mong lugar.

Thursday ngayon at tatlong araw na lang, well dalawa na lang pala dahil tinulugan ko ang buong araw na ito, ay New Year na. Pwede naman sana na pagkayari na noon kami umuwi pero ayaw ni Mama, aniya ay hindi magandang naiiwang walang tao ang bahay kapag sasalubong sa bagong taon, kaya taon-taon talaga ay sa bahay kami nagce-celebrate ng Media Noche. 

Sa umaga naman ng New Year ay nakagawian na ang pagpunta namin sa bahay ng kapatid ni Mama na kung saan napagkasunduan mag-celebrate para sa bagong taon. Umiikot kasi iyon sa kanilang limang magkakapatid every year at wala pang nagiging liban iyon dahil tradisyon na nila iyon simula pa noong pumanaw sina Lolo at Lola.

Actually, ngayong taon lang kami hindi dito nag-Pasko, dati kasi ay si Ate naman talaga ang umuuwi dito para doon, kaya lang ngayon kasi ay buntis siya kaya kami na lang ang bumyahe at bumisita sa kaniya, sabay na din na magbakasyon at doon nag-celebrate ng Pasko.


Speaking of Pasko... Alam niyo bang hindi ko masyadong na-enjoy mabuti iyon? Langya naman kasi 'yung magpi-pinsan na Rodriguez. Tsk!

*flashback*

*Messenger Conversation*

Lean Rodriguez left the group

Joco Rey:

What the fuck dude hahahah

Sasha Castillo:

Anyare? Bakit nag-leave?

Joco Rey:

Aba malay ko sa'yo

ahhahahahah

Merry Christmas, Sasha!!

Sasha Castillo:

Labo??

Merry Christmas!

Natz Rodriguez added Lee Rodriguez

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon