A/N: 'Di ko pa masyadong na-proofread so pasensya na kung may typo or what. Hehe!
---
Chapter 6: Akala
Punong puno kami ng tawanan dahil sa kaguluhan na ginagawa ng mga kaibigan habang nagswi-swimming pa.
May isang blockmate kami na lalaki na pinagtrip-an nila Hendrix na buhatin at ini-ugoy na parang duyan bago inihagis sa pool, dahil nakita nilang natutulog na ito sa inuupuan. Tapos maya-maya ay may mga naggi-gitara at kantahan na. Iyong pasimuno noon ay isa sa mga pinsan nila Natz, si Joco, na isa pa lang local singer. Puro OPM ang kinakanta niya kaya nakakasabay halos ang lahat.
Hindi ko na namalayan kung ilang oras pa ang lumipas. Basta, bigla na lang kaming paunti-unting mga natatahimik. Mapapansin mo talaga na antok, pagod, o sadyang lasing na ang karamihan.
Nagsimula nang magtanong si Natz kung sino-sino ang gustong maki-tulog pero halos lahat ay ay nagsabing uuwi sila dahil may sundo naman. Mostly mga pinsan iyon nila Natz o mga kaibigan sa showbiz nila Lean.
Ang mga blocmates namin ay nagsabing uuwi din sila dahil may sundo din at hindi naman nagpaalam sa kani-kanilang uuwian na makiki-overnight, anila'y maaring may naghihintay daw sa kanila sa bahay dahil ang paalam ay uuwi nga.
Nagpa-serve ng soup at coffee si Lean habang nagpa-plano ang iba kung sino-sino ang makikisabay kanino, pero mukhang hindi kasya ang lahat doon o kaya ay sobrang out of the way ng mga uuwian. Nagsabi ang ilan na magta-taxi o mag-book na lang sa grab ng sasakyan pero ipinilit ni Natz na ipapahatid sila sa driver kaya mga hindi na sila nakatanggi pa.
Malamang ay may mga tama pa kahit sabihing nag-kape o sabaw, o hindi kaya ay pagod na pagod na din talaga ang lahat kaya mas ayos at safe na nga kung ganoon ang gagawin.
Nasa may labas na kami ng bahay ngayon. Sinamahan ko si Natz na magpaalam at umaalalay sa huling batch ng mga lasing o may tama na na mga kaibigan namin na ihahatid ng driver nila Natz. Nauna na kasi ang ibang may mga sariling sasakyan kanina.
"Thank you Natz! Happy Birthday ulit!" sunod sunod na sabi nila Lester, Hendrix, Maxine, Vanessa at Marco, mga huling batch ng pa-uwi nang blocmates namin, bago sumakay sa sasakyan.
"Welcome! Thank you ulit for coming ha? See you sa Tuesday!" sabi ni Natz habang hinahawakan na ni Hendrix ang pinto ng sasakyan, ambang hihilahin na iyon dahil siya ang nakaupo malapit doon.
"Byeee! Ingat kayo!"
"Text us when you're home!"
Huling paalam at paalala pa ulit namin ni Natz
"Yeah. Yeah. Bye, Natz! Bye, Sasha!" Paalam ulit nila at sinarado na ang pinto nito.
Nagkatinginan kami ni Natz nang umalis na ng tuluyan ang sasakyan.
"Hayyyyyyy!" sabay nag-inat pa ng mga braso si Natz "Pagod na ako."
"Ako din," pag sang-ayon ko, sabay hikab pa.
Sa totoo lang, ngayon ko nga nararamdaman iyong sobrang pagod, hinaluan pa ng alak. Mabuti nga at may sariling kwarto ako na pwedeng gamitin kanina kaya nauna na akong mag-shower at mag-bihis, ganoon din si Natz kanina, bago pa tuluyang nagkayayaan na umuwi na ang mga kaibigan namin pagkatapos noong magpalipas ng tama sa kape at soup na inihain.At least ngayon, pwede nang dumiretso ako matulog na lang pagkayari naming magligpit.
Naghikab pa ako ng ilang ulit habang naglalakad na kami pabalik sa loob.
"Inaantok na talaga ako!" sabay takip ko ulit sa bibig dahil sa pag-hikab. Ngapunas pa ako ng kaonting luha sa gilid ng mata dahil doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/194938669-288-k438704.jpg)
BINABASA MO ANG
Still Into You
Storie d'amoreArtista x Med Student Pinag-lapit ng pagkakataon. Pinagtagpo ng panahon, ngunit... Itinadhana kaya?