A/N: If you're reading this, gusto kong mag-sorry agad kung masyadong mahaba ang chapter. Huhu. This is an 11k+ word update. The longest I've written... so far.
I hope you enjoy reading this, tho! Hehe.
Don't forget to vote & comment, please! Thank you! :)
---
Chapter 5: "Dugdug..."
"Shot! Shot! Shot! Shot!" Sabay-sabay na chant ng mga tao sa paligid.
"...and, game!" hiyaw naman ni Natz bilang hudyat ng simula ng laro, sabay angat sa plastic cup na nasa lamesa sa harapan namin na may lamang kung anong alak.
"Woooohoooooo!" mas malakas pa ulit na sigawan ng mga tao kaya napatingin ako sa paligid.
Sa sobrang ingay, nasisigurado ko na kung hindi may mga tama na ang lahat dahil sa iba't ibang alak na kanina pa iniinom, ang iba ay talagang lasing na lasing na.
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at napansin na may mga iilan na na tulog na sa mga upuan at ibabaw ng lamesa, samantalang ang karamihan naman ay wala na sa mga sariling nakikisigaw ngayon kaya sobrang ingay talaga.
Bahagya ulit akong nag-alala kung hindi ba kami mapapagalitan ng mga kapitbahay nila dito, pero kanina pa ako in-assure ni Lean na wala naman pakielam ang mga iyon dahil malayo pa naman ang bahay ng pinaka-malapit na kapitbahay.
Speaking of Lean... Napa-balik ulit ang tingin ko sa harap. Nakatayo siya sa tapat ko sa kabilang side ng table.
Topless na siya at kitang-kita na sobrang pula na mula sa mukha hanggang dibdib niya na hindi ko sigurado kung dahil ba sa kalasingan o sa sobrang pagkatuwa habang pinapanuod at ichini-cheer si Jed na nasa kaliwa niya. Hawak din niya ang cellphone niya habang ivini-video ang kaibigan.
Inilipat ko ang tingin ko sa kay Jed na bakas sa mukha ang iritasyon at pagiging frustrated habang paulit-ulit na sinusubukang i-flip ang cup na kanina pa niya mabilis na naubos ang lamang alak. Natawa din na din ako dahil parang gusto niya nang awayin ang inosenteng cup habang sumigaw pa ng ilang mura sa sobrang frustration.
Hindi ako sigurado kung anong oras na ngayon, pero tingin ko ay madaling araw na.Naiwan ko kasi ang cellphone ko sa mga gamit ko sa kwarto at hindi na nabalikan pa iyon noong nagdatingan na ang mga blockmates at nagsimula na ang party, which is kanina pang mga 8.
Nasa 20 siguro kami ngayon na nandito, halong mga ka-close talaga namin na blockmates, common close friends (na-discover ko kanina na bestfriend ni Lean si Jed, lunch pa lang kasi nandito na iyong isang yun) at iilang pinsan noong magkapatid.
Para na kaming isang magulong barkada dito kahit ngayon lang din naman talaga nagkakilala, lalo na kaming mga blockmates ni Natz, sa dami ba naman kasi ng mga drinking games ang nangyari, nag-swimming at nag-laro na din kami sa swimming pool, sayawan at kung ano-ano pang pakulo na maisipan ng magkapatid.
Actually, tahimik na kaming naka-tambay lang sa may pool kanina, nagkwe-kwentuhan at paunti-unti na lang na umiinom. Kaya lang, marahil sa pagod sa ganap ay hindi ko na masyadong nasundan ang pangyayari, nagising na lang ang diwa ko na bigla nang nagkahamunan itong sila Natz, Jed at Lean...
Papatunayan daw nila kung sino talaga ang pinaka-matibay pagdating sa inuman. I think it was the alcohol talking... or sadyang malalakas lang ang sapak nitong tatlo. Drunk weirdos.
Kaya eto, naglalaro kami ng flip cup ngayon. Ito yung napag-desisyunan nila na laruin para may challenge daw at hindi basta-basta iinom lang ng alak, kailangan din ng skills.
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceArtista x Med Student Pinag-lapit ng pagkakataon. Pinagtagpo ng panahon, ngunit... Itinadhana kaya?