Chapter 4

90 14 6
                                        

Chapter 4: What the...?

Unlike yesterday, I woke up feeling pretty good today.

Ginamit ko pa din yung boses ni kuya bilang alarm, in all fairness naman kasi, sobrang effective ang nakakaasar niyang boses pang-gising.

Maaga ulit para sa 8 am class ko nang nakarating ako sa school. Mag-7:20 pa lang ay nandoon na agad ako sa parking lot. Dumiretso agad ako papunta sa building ng Lec Hall kung saan gaganapin ang mga klase ko para sa araw na ito, nasa kanan lang iyon, at nagsisilbing extension, ng Main Building kung saan naman ginanap iyong orientation kahapon.

Papasok na ako sa lobby ng building, hawak-hawak ang printed schedule ko dahil sini-sigurado ko kung anong room number ng klase, nang may narinig akong tumatawag sa pangalan ko.

"Sashaaaaa! Sasha!"

Napa-lingon agad ako sa likod. Nakita ko doon si Natz na siyang tumatawag sa akin. Kababa lang niya yata sa sasakyan dahil bukas pa ang pintuan noon.

"Wait for me!"

She said, na hindi na ako naka-tanggi o tango man lang dahil tumalikod na ulit siya at mukhang kinuha na ang mga gamit sa sasakyan. Nang nagawa na niya iyon ay narinig ko ulit siyang sumigaw.

"Bye, ang panget panget mo!" bago tuluyang isinarado ang pinto noon at ambang maglalakad na siya papunta sa akin.

Kakasara pa lang niya ng pinto ay mabilis naman agad humarurot paalis ang sasakyan nila sa harapan ng building. Nilingon niya ulit iyon saka niya sinigawan.

"Argh! Annoying!"

Napapatingin na sa kaniya halos lahat ng tao na nandoon din sa loob. Siguro ay nagtataka dahil ang aga aga at ganito na agad ang asal niya. Well, ako din naman na-curious na kung ano ba nangyari sa kniya.

With eyebrows almost touching, I watched her walk towards me. Hindi niya at napansin ang curiousity sa mukha ko noong nakalapit na siya sa akin dahil mukhang may kausap at kaaway na siya sa phone.

"You asshole! Ingatan mo nga yang pagmamaneho sa sasakyan ko! I swear to God sisirain ko agad sasakyan mo pagka-balik galing sa casa pag nagkaroon ni katiting na gasgas 'yang akin!" Gigil na gigil niyang sinasabi sa kausap sa cellphone.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa Lec Hall habang kausap pa niya ang kung sino man. Tahimik pa ang paligid dahil maaga pa nga at tingin ko ay si Natz lang talaga ang maingay doon bukod sa bahagyang tunog galing sa mga sasakyang sa labas.

Tahimik lang din akong naglalakad sa gilid ni Natz habang inaaway at binabantaan pa rin niya ang kausap. Narinig ko ding tumawa at may isinasagot ang kausap niya sa kabila ng linya.

Ilang sandali pa ng pakikipag away at pinatay na din niya iyong tawag ng nanggagalaiti pa din. Tahimik lang kami pagkayari noon at diretso nang pumasok sa room kung saan nandoon na halos lahat ng blockmate namin. Mukhang hindi lang pala ako ang excited pumasok ngayon ah?

Kagaya kahapon, sa dulong row malapit sa aisle ulit kami umupo ni Natz. Malapit lang iyon sa pangalawang pintuan ng room sa dulo kung saan kami pumasok. Iyong isang pintuan kasi ay nasa may harap, tapat ng teacher's table at whiteboard.

Sapat lang ang laki ng room na ito para ma-accommodate ang isang block, kumpara sa auditorium kahapon.

Isang subject lang ang klase namin dito pero nabanggit sa tour kahapon na ito raw ang homeroom ng aming block sa buong taon kaya maari kaming tumambay dito kung walang klase para kumain o dito mag-aral. May mga display at decorations ito na related sa medicine at sa dulo ng room, opposite corner ng pintuan ay may isang bookshelf na may mga libro na maaari daw namin gamitin o magamit sa iba't iba pang subject.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon