Chapter 3: Lucky stars
Nag-dilang anghel nga si Natz. Blockamtes nga kami.
Sa kasamaang palad nga lang, hindi natupad ang hiling niya na maging blockmate si Jed Morales.
"Camacho, Camacho, Cam---"
Paulit-ulit iyon na sinasabi ni Natz habang iniisa-isang tignan ang mga pangalan sa listahan dito sa may registration sa labas lang ng audi.
"Uy, here! Block 1-C ako!" sabay tingin sa akin ni Natz, itinuturo ang huling papel kung nasaan ang pangalan niya.
Tapos ko na din tignan ang naunang dalawang listahan at wala doon ang pangalan ko kaya sigurado na akong blockmates kami.
"Blockmates tayo."
Tinignan ko ang listahang itinuturo niya at nakumpirma nga na andoon ang pangalan ko.
"Ayan oh, magkasunod pa pangalan natin. Castillo, Alexandria Ray." Sabi ko, habang itinuturo din ang pangalan ko sa listahan.
"Tofu! Kaya pala wala kako akong nabasang Sasha. Haha! Alexandria Ray? San galing yung Sasha dun?"
She curiously asked. Actually, lahat ng nakakaalam ng totoo kong pangalan ay nagtataka talaga kung saan ko nakuha ang nickname ko... So, madalas kailangan ko pa talagang ipaliwanag sa kanila.
"Nung bata kasi ako sa sobrang bulol ko hindi ko masabi ng mabuti yung first name ko." paliwanag ko.
"Ang lagi ko lang daw nasasabi ay 'sha-shan' tapos di ko na natutuloy, kaya ayon, long story short, naging pang-bully nila sa akin yun sa pagiging bulol ko until naging household nickname, then doon na ako nasanay na tawag kahit ng ibang tao." I just shrugged my shoulders.
Natz just nod on my explanation. Tinignan ko ulit ang listahan ng pangalan.
"Anyway, hindi mo ba hahanapin pangalan ng boyfriend mo?" paalala ko sa kanya.
I chuckled when I saw how her face lit up. Mukhang nakalimutan niya ata iyong plano nya kanina.
"Oo nga pala!!!" She said ang looked at the table again.
Tumayo siya ng diretso, at saka biglang tumingala, pumikit at pinag-dikit ang mga palad, as if praying.
"Lord please give me a sign. Jethro Damian Morales, pag-blockmate kita ibig sabihin meant to be talaga tayo at magiging jowa kita."
Pinapanood ko lang ang ginagawa niya ng umiiling at natatawa. Dumilat na siya at tinignan na ulit ang listahan ng mga pangalan. Biglang nalungkot ang expression niya.
"Block 1-A siya," nakasimangot niyang sabi "hassle naman 'tong school na 'to! Pinaghihiwalay yata kami ni Love!" sisi pa niya sa walang kamalay-malay na eskwelahan.
Napa-iling at natawa na lang ulit ako sa mga sinasabi niya.
Kapag freshman year kasi, ang school pa muna ang nag-aayos ng schedule namin at random nilang ina-assign ang bawat estudyante sa tatlong block.
Maganda naman ang schedule ng block namin. Monday hanggang Friday ang mga klase at puros alas-otso hanggang alas-singko iyon, maliban lang kapag Wednesday na hanggang alas-siyete dahil may laboratory class. Ayos na ayos sa akin iyon dahil mukhang tuloy ang plano ko na pwede akong umuwi kapag weekend.
Iyong block 1-A naman ang schedule ay Monday walang pasok, pero may pasok ng Sabado samantalang ang block 1-B ay Wednesday ang free day, at may pasok din kapag Sabado.

BINABASA MO ANG
Still Into You
RomantizmArtista x Med Student Pinag-lapit ng pagkakataon. Pinagtagpo ng panahon, ngunit... Itinadhana kaya?