Chapter 7

48 8 0
                                    

A/N: Isa lang kinaya kong update. Huhu. I got sidetracked so... Happy reading!

P.S. Yung video na nasa taas is yung song na nabanggit ko dito, just in case gusto mo pakinggan. :)

---

Babala: May mga maseselang lenggwahe. Read at your own risk.

Chapter 7: Bibingka

*ping*

*ping*

*ping*

*ping*

*ping*

*pi-pi-pi ping*

What the heck? 

Kinapa ko ang cellphone ko na nasa may bedside table.

*ping*

*pi-pi-pi-ping ping*

Hirap na hirap na atang tumunog 'yung phone ko dahil sa sunod-sunod na message sa messenger.

Just... what the heck?

Tinignan ko na iyon para malaman kung ano bang meron. Nakita ko sa taas na maga-alas sais pa lang ng umaga. Argh! 

*ping*

*pi-pi-pi-ping ping*

What the hell? Sino ba 'to?  Hindi ba niya alam kung anong oras pa lang dito?! Mabubulyawan ko talaga may pakana neto.

Iritang irita dahil sa pagkakagising mula sa mahimbing na tulog, dali-dali ko nang ini-check kung sino ang message ng message para sana mapag-buntunan ng inis. 

Sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.

Medyo hirap pa ako sa paggamit ng phone dahil nanlalabo pa ang mata ko dahil medyo madilim din ang ilaw noon, binabaan ko kasi ang brightness noon ginamit ko bago matulog. In-adjust ko na iyon pag bukas ko ng app kaya nag-adjust nanaman yung mata ko sa bigla namang pag-liwanag non. Naaninag kong hindi lang pala galing sa iisang tao iyong mga message. Sa group chat 'yon.

Hindi pa nagpro-process ng mabuti kung tungkol saan ang group chat, nag scroll-up lang ako ng nag-scroll up hanggang sa nakitang si Jed ang nag-add sa akin doon. Ano nanaman 'to? Napa-kusot agad ako sa mata para mas mabasa ng malinaw ang kung anong nasa cellphone. 

Walangya'ng 'yon, mamaya eh isa nanaman 'to sa mga group chat na kagaya noong pinag-add-an niya sa akin noong minsan.  Ang lakas  kasi mang-trip non, i-add ba naman kami ni Natz sa group chat ng "samahan ng mga iniwan ng asawa" chuchu? Jusko! Hindi ko alam kung saan-saan niya na lang nahahanap 'yung mga ganitong kalokohan.

Napunta na ako sa dulo  noong thread at nakitang bagong gawa lang naman pala iyon ni Jed at puro mga kakilala lang din namin ang naka-add... actually mga kamag-anak nila  Natz.

Anong meron? May party nanaman sila? Eh bat kasali ako dito?

Napansin ko kasi na yung mga kasama dito ay mga realtives lang din nila na kasama din namin noong birthday ni Natz, kaya halos pamilyar talaga ako sa lahat. Ang alam ko ay nag-Christmas party sila noong isang araw sa bahay ulit nila Natz, masyado atang natuwa nung birthday.

AT OO NGA PALA, Yes. Panahon nanaman niya. Christmas vacation na nga, mga kapamilya. Chos!


Natapos naman ako ng matiwasay sa exams at lumabas na 'yung grades namin sa lahat ng subjects noong makalawa pa. Kaya nga na-push ang pag-party sila Natz eh kasi... PASADO KAMI SA LAHAT NG SUBJECT! WOOT WOOT!Official na kaming tapos sa unang sem sa med school kaya chill chill na muna, kahit may gross anatomy laboratory pa na naghihintay balikan sa January. Lol.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon