CLAUD'S POV
"HAHAHAHAHA!!!" Napatawa ako ng malakas ng makitang matisod yung bestfriend ko at saka mabilis din na tumayo. Nagmumukha tuloy akong bully nito.
"Sige tawa pa. Ikamatay mo sana yan." Sabi ng bestfriend ko ng may kasamang nakakatakot na tingin. Habang ako walang pakealam sa tingin niya at tawa ng tawa pa rin.
"Bes!" Sigaw nito ng hindi pa rin ako tumitigil sa kakatawa.
"Pft-- oo na! Titigil na!" Pinigilan ko ang tawa ko pero hindi ko talaga kaya napabungisngis uli ako ng tawa. Saka lang ako napatigil ng may bumatok sa akin.
"Aray naman! Grabe ka talaga sa akin Isai!"
"Makatawa kasi eh."
"Psh.." Napanguso ako. "Eh sa nakakatawa eh. Ang clumsy clumsy kasi ni Sai eh! Biruin mo matisod ba naman sa isang maliit na bato!"
"Claud! Im not clumsy!"
"Weh?" Ibinigay ko sa kanya ang pinaka nakakaasar kong mukha kaya bigla niya akong binatukan. Aray naman! Nakakadalawa na sila! Napanguso na lang uli ako. Ang pikon talaga nila.
"Tama na nga yan. Malalate na tayo sa school." Singit sa amin ni Isai alam niya kasi na hindi matatapos ang pagbabangayan namin kapag wala pang pumigil sa amin.
Btw nandito kami sa labas ng gate ng school namin. Dito namin palaging hinihintay ni Sai si Isai. Oh wag kayong malito sa dalawa ah. Si Sai yung natalisod habang si Isai naman yung nambatok sa akin na nauna. Ewan ko ba kasi sa dalawang yan kung bakit ganyan ang mga palayaw nila.
So yun nga pumasok na kami sa school namin at dumeretso sa classroom namin. Classmates kaming tatlo eh.. oo nga pala di pa ako nagpapakilala. Ako ng pala si Claudette Anica Hesse Santiago in short Claud. 16 years old at 4th year high school (A/N: Not based on K-12 Curriculum) na sa B.S. University. Isang exclusive school para sa mga mayayaman. At yung dalawang gurang naman na bff ko ay sina Saith Hurley in short Sai at si Louisa Malani in short Isai. Same age lang kaming tatlo. Best friends since elementary.
Pagkarating namin sa room namin kaagad kaming umupo sa chairs namin at nagdaldalan. Magkakatabi kaming tatlo hindi dahil sa dito kami ipinunta kundi dahil nag transfer seat kami hehehe... ng nag bell na at dumating na si Ma'am kunwari tatahi-tahimik kaming tatlo mahirap na masyado pa man ding masungit at strikto yang si Ma'am palibhasa matandang dalaga.
"Goodmorning."
"Goodmorning Ma'am!"
"Sit down." Masungit nitong sabi kaya umupo na kami. "So because it's the first day of school I want you all to introduce yourself. "
Nanaman?! Eh magkakakilala na kaming lahat eh!
"May reklamo ba?"
"Wala po!" Galit ata mga classmates ko.
Psh so nagsimula na kaming magpakilala at katulad nga ng nangyayari sa first day of school whole day kaming nagpakilala lang ng nagpakilala.
****
Uwian na. At nauna ng umuwi sa akin ang dalawang gurang may kinukuha pa kasi ako sa may locker ko. Ng makuha ko na ito naglakad na ako paalis. Kapag aalis kami ng locker room naming girls madadaanan muna namin ang locker room ng mga boys.
Lalagpas na sana ako sa locker room ng boys ng may marinig akong malakas na kalabog dito... napalunok ako ng ilang beses.. m-may multo kaya diyan sa locker room ng boys? Tatakbo na sana ako paalis ng makarinig uli ako ng malakas na kalabog. Dahil curious ako I decided na buksan ang pinto ng locker room ng boys. Sumilip ako at dahil medyo malaki ang buong room pumasok ako para makita kung ano ang kalabog na narinig ko. Dahan dahan akong naglakad papasok. Hanggang sa may pinakadulong part ng buong locker room ay may nakita akong bulto ng isang tao. Nakatalikod ito sa akin at kita kong ang katabi nitong locker na may yupi at dumudugo ang kamao nito. Sinuntok niya kaya yang locker na yan? Gosh malamang Claud wala namang ibang tao dito kundi siya. Psh.
Pero teka..mukha siyang nakakatakot. Likod pa lang niya mukha ng nakakatakot.
Lalapit kaya ako? Omg.. anong gagawin ko?!
"Who are you?" Natulos ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang napaka lamig nitong boses.
"Uhmmm.. a-ano..." Humarap ito sa akin at tinitigan ako ng malamig. Ang ... ang pogi!!! At ngayon ko lang narealize ... topless siya!
"A-ano kasi... na.. nakarinig ako ng .. ano.. ng kalabog na nagmumula dito.. kaya n-nacurious ako kaya p-pumasok ako.. " Napalunok ako ng ilang beses. Gosh.. Claud tingin sa taas .. tingin sa taas..
"Tss.. get out."
"P-pero kasi..." Napatingin ako sa kamao niya na may tumutulong dugo mula dito. "O-okay lang ba yang kamao mo?"
"Tsk.. I said get out."
"G-gamutin ko na yan. Baka kasi mainfection eh.." Napakagat labi ako. Goshh... yung tingin sobrang nakakatakot! Masama bang magmagandang loob? Hindi ba siya magsasalita? No reactions? As In wala?
"A-ayaw mo ba?" Nakita ko ang pagbuntong hininga nito bago tinap yung space sa tabi niya. Napangiti naman ako.
"Kukunin ko lang yung first aid kit." Ang alam ko ang lahat ng locker rooms ng university ay may mga first aid kit. Iba iba ang locker room ng ibat ibang grade level para di siksikan no. Inilibot ko ang paningin ko at saka ko nakita ang first aid kit sa isang gilid. Kinuha ko ito saka umupo sa tabi ng lalake.
So sinimulan ko ng gamutin yung kamao niya dumudugo habang ito naman ay nakatitig lang sa akin. So awkward. .... ng matapos ko na siyang gamutin nginitian ko siya.
"Ano palang pangalan mo?" Tanong ko.
"You don't know me?" Seryosong sabi nito. Napakamot naman ako sa batok ko. Bakit sikat ba siya dito sa university? Usually kasi kami nina Sai at Isai walang pake sa paligid. Kung sino ang classmates namin yung lang ang kilala namin. Dito sa university kasi namin simula 1st year sila pa rin ang magiging classmates mo hanggang sa 4th year. Depende na lang kung may transferre new face..
"Well.. hindi eh.."
"Then just call me Hanse."
"Ako naman si Claud!"
"Claud?"
"Oo as in Ulap!" Kita ko ang pagngiti niya. Gosh!! Ampogi! Taena landi ko talaga!
"Alam mo mas pogi ka kapag ngumingiti."
"You think so?"
"Oo naman."
"Then I'll smile often then. Btw what room are you in? Are you a 4th year student?"
"Well hindi man halata sa height pero oo 4th year na ako no! At saka athlete ka ba?"
"Yeah.."
"Ahh kaya pala well build up yan body mo ako kasi di ako mahilig o kaya naman magaling sa sports no. Nakakabagot kaya!"
"Uhmm.. I see so you're from section B."
"Oo ikaw.. san ka?" Pero sa halip na sagutin ako tumayo ito at saka niya binuksan yung locker na may yupi. Nilabas niya mula dito ang isang t shirt at saka isinuot ito.
"I have to go.. I'll be looking forward in meeting you again Claud. Thanks for your help."
Umalis ito ng may ngiti sa labi. Habang ako naman naiwang nakatunganga ... Gosh Ampogi!
*****
Date Edited: November 18, 2022
BINABASA MO ANG
Crazily Loving You
ActionAnother cliché gangster story ♥♥ *** Story of Claudette Anica Hesse Santiago. A bubbly girl that can make you fall inlove with her smiles. ***