CHAPTER 6

5 0 0
                                    

SPIKE'S POV

Abalang abala kami ng mga gago sa panonood ng biglang mapabaling ang tingin ko kay Claud. Naknang! Magkatabi sila ni Blade at mahimbing na natutulog. Kinalabit ko naman si Gagong Topher saka itinuro yung dalawa. Pati na din sina Gagong Elric at Hanse kinalabit ko din at saka itinuro yung dalawa.

Kapwa sila nakanganga.

"Pvta kailan pa napunta jan si Blade?!"

"Kayo napansin niyo?"

Pare-parehas kaming napailing. Abay masyadong mabilis pumorma yang si Blade. Shet inunahan pa ako! Crush ko si Claud? Sino bang hindi? Ang cute cute niya kaya! At saka ang saya niya kasama panigurado pati din yung tatlong gago may gusto din kay Claud. Halata naman eh.

"Tumahimik na lang kayo baka biglang magising si Blade magiging dragon nanaman yan." Sabi ni Hanse. Sumang ayon naman kami. Ipinagpatuloy na lang namin ang panonood.

Natapos na ang panood pero tulog pa rin yung dalawa kaya nanood na lang kami uli ng ibang panood. Hindi namin napansin ang oras hanggang sa hapon na pala at gising na din yung dalawa. Nagkukusot pa ng mata niya si Claud habang si Blade naman nakabusangot nanaman as usual.

"Anong oras na?" Tanong ni Claud.

"5 ng hapon." Sagot ko.

"5 na?! Shete! Hindi ko na napanood yung inaabangan kong movie kainis naman eh!" Nakabusangot nitong sabi. "Uwi na ako.." Dugtong pa niya ng maalala ko... umuulan pala ng malakas sa labas.

"Ang lakas ng ulan sa labas mukhang dito na tayo mags-stay.." Sabi ni Topher. Napatakbo naman kaagad si Claud sa may bintana.

"Lagot! Paano na ako makakauwi nito?" Nagpout ito ng biglang nag ring yung phone niya. Kaagad niya naman itong sinagot.

"Hello? ........Paano po yan? Eh ang lakas lakas ng ulan...... po?..... wag naman po!.... hindi ah!.... sige na nga po!..... nasa kaibigan ko po.... Manang naman eh!.... Sige bye po!"

Ng ibaba niya na yung tawag humarap naman siya bigla sa amin ng naka pout. Sh*t! Bat ang cute nito?!

"Dito ka muna mag stay habang malakas pa ang ulan. Mamaya hatid ka na lang namin." Sabi ni Hanse. Wala na siyang nagawa kundi umupo uli sa tabi ni Blade. Maya maya pa bigla nitong hinarap si Blade sabang tanong ng....

"Bat ang sungit mo? Babae ka bang nagmemenopaus na nasa anyong lalaki?" Tangina hindi namin alam kung matatawa kami o magseseryoso dahil baka magalit si Blade tangina talaga!

"What the-" Sinamaan ni Blade si Claud ng tingin pero si Claud parang wala lang at inosenteng nakatingin kay Blade.

"Pero alam mo gwapo ka sana kaya lang mukha kang bakla."

Ano daw?!

"Pft- HAHAHAHAHAHA!" Hindi na namin napigilan at napatawa kami ng malakas. Shit!! Hahahaha!!

"Shut up morons! And you!" Tinuro ni Blade si Claud. "Do you want me to prove to you how manly I am?!" Inis nitong sabi.

"Bakit hahalikan mo ako? Kasi ang nababasa ko sa mga novels ganun eh.. kapag galit na yung lalaki bigla bigla na lang manghahalik." What the heck Claud?! Tatawa na sana uli kami ng sa di inaasahan...

"BAT MO AKO HINALIKAN?!"

"To shut you up. You're so noisy."


SILENCE

.

.

.

.

.

"I'm sleepy.. " Sabi ni Blade at saka tumayo at dumeretso sa itaas. Kami naman naiwan na nakanganga. What the heck?! Blade never kissed a girl intentionally! Sa mga passed kisses niya yung mga girls ang nag iinitiate shit lang!

"Arghhhh! I HATE YOU! Nagjojoke lang ako e!" Claud suddenly shouted. Maya maya pa ay para siyang naluluha..

"Yung first kiss ko..."

"Uhmmm.. Claud .. cake gusto mo?" Unsure na sabi ni Topher.

"Ayaw!"

"Eh.. ice cream?"

"Gusto ko ng Strawberry flavor!"

"Uhh... s-sige." Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo si Topher at tumakbo papuntang kusina.

Then suddenly we heard a sound of a thunder na nagpatili kay Claud. Then she suddenly cried loudly. Tangina hindi kami magkanda ugaga sa pagpapatahan sa kanya dumating din naman kaagad si Elric na halos madapa dapa sa pagtakbo papunta kay Claud.

"Claud.. eto na yun ice cream mo oh! Tahan na..."

"Claud... tahan na..." Pero wala pa rin umiiyak pa rin siya.

"A-ayoko ng kulog!" She cried..

"Psh... crybaby." Napalingon kaming lahat sa nagsalita sa likuran namin. Si Blade ... akala ko ba matutulog to? Lumapit siya bigla kay Claud at .... at niyakap ito!

"Psh... tumahimik ka na. Nakakarindi ka."

"Ayoko sayo! Bitawan mo ako!"

"Psh.. shut up."

Hindi na nagreklamo pa si Claud at umiyak na lang ng tahimik habang yakap yakap niya si Blade.

****

"Ulan okay ka na?" Tanong ni Topher kay Claud na kakagising lang mula sa kakaiyak kanina. Seryoso naman kaming napatingin kay Topher.

"What?"

"Ulan?!"

"Bakit inggit kayo?"

"Tangina hindi lang ikaw! Tatawagin ko din siyang Kulog!" Sabi ko naman.

"I'll call her Ulap." -Elric

"Claudy." Sabi naman ni Hanse.

"Tangina mga gaya gaya kayo!" Sabi naman ni Topher nginisian naman namin siya.

"You don't care."

***

DATE EDITED: NOVEMBER 21, 2022

Crazily Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon