CHAPTER 8

3 0 0
                                    

CLAUD'S POV

Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ng naramdaman kong nag vibrate yung phone ko. Napasilip muna ako kay Ma'am bago ko tinignan yung phone ko. Unknown Number? Sino naman kaya to?

Hey this is me, the most handsome man in the universe TOPHER. Galing mo magbasketball ah.. hahahaha!

---end of message---

Napataas naman yung kilay ko. G*go to ah. Inasar pa ako. Nilagyan ko naman kaagad ng pangalan yung number niya.

To Ugly Topher:

Che! Atleast cute pa rin!

From Ugly Topher:

Cute na pandak.. 

To Ugly Topher:

Basta Cute ako ... CUTE!!

Ini off ko na lang yung phone ko. Kainis yun lagot siya sa akin kapag nakita ko siya!

"Oh badtrip ka jan?" Bulong sa akin ni Isai.

"Wala! Wag mo akong alalahanin." I pouted.

"Class dismissed."

Sa wakas! Uwian na! Ini on ko naman kaagad yung phone ko ng maalala kong baka tumawag si Manang. Yung kasambahay namin na ka close ko hehehe.. at pag open ko ng phone ko tumambad sa akin ang limang text galing kay Topher at may isa pa na Unknown Number nanaman kaya inopen ko.

From unknown number:

Let's meet at the park.

Napakunot naman yung noo ko. Sino naman kaya to?

To Unknown Number:

Hu u?

From Unknown Number:

Hanse.

Psh si Hanse lang naman pala.

To Hanse:

Bakit muna?

From Hanse:

Utos ni Blade.

Blade? Sino naman yun?

To Hanse:

Who's Blade?

Blade ... blade.. bigla namang parang nagkaroon ng light bulb sa ulo ko. Baka naman si Gwapong Halimaw yun??

To Hanse:

Ah si Gwapong Halimaw ba?

From Hanse:

Gwapong Halimaw?

To Hanse:

Oo yung humalik sa akin na gago! Akala niya ha! Di ko pa nakakalimutan yun! Hindi ko siya mapapatawad!

From Hanse:

Ah hahahaha.. okay okay basta let's meet at the park okay? Actually we're already here just waiting for you. Pakidalian lang naiinip na siya.

Hmp! Edi mainip siya! La akong pake!

Nagdadabog kong kinuha yung bag ko saka nagpaalam sa dalawa. Nag taxi lang ako papuntang park tinatamad akong maglakad e.

Pagkarating ko sa park. Namataan ko sila na nandoon sa malapit sa duyan na may puno sa likuran nito at nandoon sila sa may puno na nakasandal. Naks! Ang popogi ah! Sama naman ng ugali pshh. Lalong lalo na yung isa pero of course except kay Hanse! Bait bait niyan sa akin e.

"Ulan baby!" Masayang sigaw sa akin ni Topher saka pa kumaway kaway.

"Ulan baby? At kailan pa naging Ulan ang pangalan ko ha?!" Taas kilay na sabi ko kay Topher pagkalapit ko sakanila.

"Diba ulap ka?"

"...."

"At ang ulap naglalabas ng ulan! Bwahahahah!" Inirapan ko siya.

"Corny mo!"

"Ang sabihin mo sweet ako!"

"Kapal!" Napairap na lang ako saka ko binalingan ng tingin si Gwapong Halimaw.

"Oh? Kailangan mo?" Masungit kong sabi. Tinaasan naman ako nito ng kilay. SUNGIT!

"Why are you asking me?"

"Eh..  sabi ni..." Tinignan ko si Hanse at sinamaan ng tingin. Nag peace sign naman ito sa akin.

"Hanse!"

"Tambay tayo?" Sabi nito. Napabuntong hininga naman ako.

"Libre mo ako ice cream! Strawberry flavor!" Irap ko sakanya. Napakamot naman ito sa batok niya.

"Ano? Dalian mo!"

"Oo na .. oo na." Sabi nito saka mabilis na umalis. Inirapan ko naman silang lahat saka ako pumunta sa may duyan at umupo doon. Then I received a text from manang. Pinapauwi na ako. Psh. Ayoko nga! Boring boring sa bahay eh.

"Oh!" Napatingala ako sa nakakunot noo na si Hanse. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Galit ka?!"

"Di po!" Sabi nito at nagdadabog papunta sa mga kaibigan niyang g*go pagkatapos niyang ibigay sa akin yung ice cream. Kinain ko na lang yung ice cream ko kaysa pagtuunan ng pansin yung mga g*go. Pinapanood ko yung mga bata na naglalaro ng may namataan akong pamilyar na lalaki na nakasandal sa kotse niya. He signals me to come closer. Napalingon naman ako sa mga g*go na nasa likuran ko at tinitignan ako.

"Uwi na ako!" I shouted. Pipigilan pa sana nila ako ng tumakbo na ako paalis. Ng makalapit na ako sa lalaki kita ko ang nakakunot niyang noo.

"What are you doing there? You are supposed to be home already." Sabi nito. Napayuko naman ako.

"Nagpapahangin lang.... po."

"Get in the car." Seryosong sabi nito saka nauna ng sumakay sa kotse niya. Sumunod naman ako at sumakay na sa may passenger seat. Nilingon ko pa muli sina Hanse at nakitang nakakunot noo sila. Nagtataka siguro sila kung sino itong lalakeng kasama ko. Psh...

Tahimik lang kami sa kotse. Walang may balak magsalita. Bat kaya kapag kasama ko siya nawawala ang pagkamadaldal ko? So weird.

Pagkarating namin sa bahay sumalubong kaagad sa amin si manang.

"Manang please give me some snacks at my room."

"Yes, young master." Napairap na lang ako. Who's he? Hindi rin ako ganun kasigurado.

Tinignan ko muna siya na dire diretso na pumunta sa itaas bago ko binalingan si manang.

"Manang bakit po ang sungit niya?" Napatawa naman si Manang sa tanong ko.

"Hahahah.. hala taas na at magpalit ka na ng damit mo. Ihahatidan na lang din kita ang pagkain sa kwarto mo." Ipinagtulakan pa ako ni Manang. Pshh.. sige na nga. So tumaas na ako sa kwarto ko saka nagpalit ng damit. Mayat maya pa habang nakahilata ako sa sofa ng kwarto ko narinig ko ang pagbukas ng pintuan ko. Nakatalikod kasi yung sofa sa may pintuan kaya hindi ko kita kung sino ang pumasok.

"Manang-" Natigilan ako ng marealize ko na hindi si Manang ang pumasok. 

"Tomorrow gumising ka ng maaga. Sabay na tayo pumasok."

"P-pero..."

"No buts okay?"

"S-sige.."

Pagkaalis niya sa Kwarto ko napabuntong hininga ako.

****

DATE EDITED: NOVEMBER 21, 2022



Crazily Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon