CLAUD'S POV
"Let's go." Napatingin ako sakanya bago ako sumakay sa likod ng kotse at tumabi sakanya. Himala at hindi siya ang magmamaneho. Pansin ko din na naka uniform siya ibig sabihin papasok na siya. Psh .. 1 week din 'tong absent eh.. kakagaling lang kasi sa ibang bansa.
Ng medyo malapit lapit na kami sa school sinabi ko na kaagad kay manong na itigil na ang kotse.
"Thank you manong dito na ako!" Bago pa niya ako pigilan ay bumaba na kaagad ako ng kotse. Mahirap na baka magkaroon pa ng isyu. Ang alam ko kasi medyo.. medyo sikat yung lalaking yan sa school. School heartthrob maliban pa sa L.O.T.U.S. Gang. Mas sikat kasi ang L.O.T.U.S. gang. Pero teka hindi ko pa pala nakikita yung mga members ng gang na 'yan. Mga pogi kaya?
Tumakbo kaagad ako papunta sa gate. At Pagkarating ko doon nandoon na si Sai. As usual wala pa si Isai. Late naman palagi yun eh.
"Ang tagal ni Isai." Sabi ni Sai ng nakasimangot.
"Siguro may pumuyat nanaman sa kanya kagabi." Ngising sabi ko and then.. "Ouch!" Alam niyo na yan binatukan nanaman ako.
"Etong babaeng to talaga!"
"Eh bakit? Masyado kasing masikreto yung babaeng yun .. malay mo may secret affair siya hahahaha!"
"Anong secret affair ha?! Itong babaeng to!"
"Ouch! Ouch! May ears!" Kung si Sai binatukan ako .. si Isai naman piningot ako! Napa pout na lang ako.. hanggang sa...
"OMG! Peter is back!"
"Talaga?! Talaga?! OMG!"
"I want to see him!"
Natahimik na lang ako. Eh di siya na sikat. Wa pakels.
"Tara na sa room." Yaya ni Sai tumango naman ako. So sabay sabay kaming naglakad patungong room habang nagkukulitan. Pagkarating namin sa room yun at yun pa rin ang usapan. Tungkol sa kanya. Whatever!
Saktong nag bell at dumating ang teacher namin na may dalang masamang balita para sa aming tiga Section B. Teka I eexplain ko pa pala muna ang tungkol sa mga sections na mayroon kami.
Star Section- Sila yung mga sobrang matatalino, sobrang talented, magaling sa sports and sobrang yaman!
Section B- Matatalino kami at medyo talented naman kaya lang... wala kaming hilig sa sports! Pero Syempre mayaman din naman kami kahit papano hahaha
Section C- Hindi sila masyadong matatalino kumbaga average lang pero mga talented sila and magaling sa sports! Mayayaman din.
And the last section ang Section D- Mas lalong di sila mga matatalino and di din talented and mayayaman din sila and Magaling sa sports!
Kaya basically ang section namin ang pinaka kulelat pagdating sa sports.
"So class nalalapit na ang Sports Fest. Kaya we need someone who is good at sports parang awa niyo na do something about it! Ayaw ko naman na maging kulelat uli kayo ngayong taon!" Frustated na sabi ng teacher namin.
"Ma'am tungkol sa bagay na yan wala na talaga kaming magagawa jan. We are not really that good at any kinds of sports. Kung Quiz Bee or anything related sa subjects okay pa sa amin pero sa Sports it's a big NO NO to us." Sabi ng President namin. True! We cant really do anything about us being a loser in that freaking Sports Fest.
We heard our teacher sigh.
"Kung last year nakaligtas kayo sa di pagsali sa kahit ano mang sports well this year hindi na yan pwede. Required ang every sections to have a representative sa lahat ng klase ng sports. Kapag hindi kayo sumali well.. I cannot do anything but to fail you all."
WHAT?! Natahimik kaming lahat.
"So iiwan ko muna kayo to discuss everything. This paper.." May inilapag siyang paper sa table. "Nandito lahat ang lahat ng klase ng sports na kailangan niyong daluhan." Sabi niya bago umalis. The heck?!
So walang nagawa yung President namin but to go infront.
"First event... Basketball Match." Basa nito sa may paper na iniwan ni Ma'am. "So any volunteers?" Sabi nito sabay tingin sa amin. May mga nag volunteer naman sabi nila para daw sa grades. Psh.. so nilista naman ni President yung nga pangalan nila.
"Next.. Volleyball for girls." Napatingin kami ni Isai kay Sai.
"Magtaas ka na ng kamay." Sabi namin ni Isai. Napasimangot naman si Sai saka nagtaas ng kamay.
"Okay next... Cheering. Five representative per class."
Si Isai naman ngayon ang nagtaas ng kamay.
"Next .. Chess." Nagtaas naman ako ng kamay. Kahit papaano marunong din naman ako.
Basta Nagtawag tawag lang yung President namin para jan sa mga sports na yan. Haay buhay nga naman.
Nung break time na ako lang na mag isa ang nagpunta sa cafeteria yung dalawa kasi need na nilang magpractice kasama yung mga kasama nila. Eh ako chess lang naman yun okay lang kahit matalo ako hehe.
Habang naglalakad ako sa hallway bigla na lang may humila sa akin na mga naka men in black at dinala ako sa isang van at yung mga students naman parang walang pakealam grabe grabe..
"Hoy! San niyo ako dadalhin?!"
"......" Ok nice talking.
Nanahimik na lang ako hindi naman sila mukhang mga drug dealer at nagbebenta ng mga babae. Mukha silang mga undercover agents astig nga eh!
Maya maya pa ay nag stop na yung van saka nila ako pinababa. Teka... ito yung...
"Ulan Baby!" Sinasabi na nga ba eh.
"Problema niyo?" Asar kong sabi saka ko sinapok si Topher. Inirapan ko na lang siya saka ako dire diretso na pumasok sa tambayan nila. Pagkapasok ko sa may sala nandodoon silang lahat sa sala.
"Kulog baby!" Bati ni Spike.
"Sino nag utos sa kanila?" Nakataas kilay na sabi ko. Sabay sabay nilang itinuro si Hanse. Tinaasan ko siya ng kilay.
Nagkibit balikat naman siya. "Just wanna ask you something." Magtatanong lang?!
"Eh bat di ka na lang tumawag?!" Ngumisi naman siya."What's your relationship with that guy?"
"Sino?"
"Yung lalake kahapon." Sabat ni Topher.
"Yun.. a-ano.. ano ko yun eh.. uhmmm..."
"Boyfriend mo?"
"Hindi."
"Asawa mo? Ouch!" Binatukan nila si Spike.
"Di din no! Kebata bata ko pa eh!"
"Edi ano?"
Hindi ako nagsalita.
"Kung ayaw mong sabihin okay lang sa amin basta siguraduhin mo na hindi mo yun boyfriend." Sabi ni Hanse. Napa pout naman ako.
"Kaaway niyo ba siya?"
"Di naman. Basta!" Sabi uli ni Hanse edi hindi.
"Ulap baby tara kain." Hinila ako bigla ni Elric papuntang kusina. Naglabas siya ice cream at cake galing sa fridge. Naglabas din siya ng mga mankok at ipinaghain ako. Yieee gentledog.
"Salamat!"
*****
DATE EDITED: NOVEMBER 21, 2022
BINABASA MO ANG
Crazily Loving You
ActionAnother cliché gangster story ♥♥ *** Story of Claudette Anica Hesse Santiago. A bubbly girl that can make you fall inlove with her smiles. ***