CHAPTER 3

8 0 0
                                    

CLAUD'S POV

Saturday ngayon at mag memeet kami nila Sai ngayon para kumain sa labas. Hindi pa ko nakakalayo sa bahay namin ng biglang tumawag sa akin si Sai. Agad ko namang sinagot ito.

"Girl change of plans daw sa ***** street na lang daw tayo mag meet." Sabi sa akin ni Sai through phone saka ako mabilis na binabaan. Gooodness! May sasabihin pa ako eh! Hindi ko alam ang place na yun! Triny kong tawagan si Sai pero unattended tapos si Isai ganun din. Yung dalawang yun! Lagot sila sa akin mamaya!

Napakamot na lang ako sa kilay ko. Goodness mababaliw ako sakanila!

Naglakad lakad ako at nagtanong tanong sa mga tao kung saan ba ang lugar na yun pero sa lahat ng nag explain wala akong naintindihan! Tanga ako when it comes sa direksyons. Gosh.

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa di ko na alam kung saan ako.

Shet big problem naliligaw na talaga ako. Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa isang bakanteng lote at may nakita akong mga nag aaway. Tatakbo na sana ako paalis ng may biglang humawak sa braso ko at hinila ako papunta sa mga nag aaway.

"Boss nakita kong palakad lakad kanina pa mukhang naliligaw." Nakangising sabi ng lalakeng panget na may hawak sa akin. Kadiri mukhang tukmol!

"Hoy yabang! Bukas na lang uli tayo mag away may pagkakaabalahan pa kami!" Sigaw ng mukhang leader sa isang lalakeng nakatalikod sa akin na may binubugbug na isang lalake. Napatingin naman ito sa amin. .... ang.... ang.... GWAPO! Makatulo laway! My goodness kung gwapo si Hanse mas naman ito! Grabe na to! Andami ko ng namemeet na mga gwapo! Gusto kong magwala sa saya kaso naalala kong hawak pala ako ng isang panget na mukhang adik.

"We are not yet done @ssholes." Mas malamig pa ang boses niya kay Hanse noong una ko itong makausap. Mukhang masungit sayang naman.

Malamig nitong tinitigan yung mga lalakeng panget na adik pa. Kaagad itong sumungod at pinagsusuntok ang mga lalakeng lalapit sakanya o di kaya naman ay susugod.

"Mga inutil! Sabi ko sirain niyo ang mukha nyan ng di na makapag yabang!" Sigaw ng leader ng mga panget. Taena insecure!

Hindi na napigilan ng leader ng mga panget yung lalake ng masuntok na siya nito. Kaya ayun knock out with matching black eye. Sunod naman itong napatingin sa lalakeng nakahawak sa akin. Mas gwapo pala siya sa malapitan. Shet kalandian layuan mo ako! Wala pang isang segundo ay binitawan na ako ng lalake at nagtatakbo paalis. Takot pala e.

Nilingon ko yung lalake at tatawa na sana ng malakas ng mapansin ko na naglakad na paalis yung lalakeng gwapo.

"Uy kuya! Salamat!!"

"....."

Ay snobber!

"Ang snobber mo naman kuya!" Sigaw ko habang di pa siya nakakalayo.

"Uy!" Hinabol ko siya hanggang sa hinarangan ko siya para patigilin sa paglalakad.

"Wala man lang bang your welcome? Nag thank you ako sayo ehh!"

"Get out of my way."

"Sungit mo naman."

"Listen woman I dont hella care about a b*tch like you so get out of my way."

B*tch?! Tinawag niya akong b*tch?! Walang sinuman ang tumawag sa akin ng b*tch! Dahil sa inis ko sinipa ko siya sa paa.

"Ouch! Damnit!"

"Hoy kuya for your information di ako b*tch no ang kapal mo! Hmp! Jan ka na nga!" Tumalikod ako sakanya at akmang aalis na ng..

"Hey you-!"

"Hanse!" Masayang sigaw ko saka ako mabilis na tumakbo papunta kay Hanse.

"Claud? Anong ginawagawa mo dito?" Takhang tanong niya.

"Ano kasi..." Sasagot na sana ako ng makita kong galit na palapit sa akin yung gwapong halimaw kaya kaagad akong nagtago sa likuran ni Hanse.

"Hanse! Inaaway ako niyan oh!" Sigaw ko sabay turo kay gwapong halimaw. Halimaw kasi nakakatakot siya! Sayang gwapo sana!

"Claud.. anong ginawa mo sakanya?"

"Ehh kasi ang sungit sungit tapos nag thank you lang naman ako kasi sinave niya ako sa mga panget na adik tapos tinawag akong b*tch kaya ayan sinipa ko sa paa!" Kita ko ang pag iling ni Hanse.

"Claud... tsk tsk."

"Bro can we talk about this?" Sabi ni Hanse kay gwapong halimaw na nasa harapan na namin. Ngayon ko lang napansin may tatlo pang lalake ang nasa likuran niya.

"Wait ... girlfriend mo yan Hanse?" Sabi nung isa na may tan na skin na may blue eyes. Blue eyes!!

"Oo nga di ka nagsasabi ah." Sabi naman nung isa na maputi. Ganda ng mata goodness! Lahat sila pogi! Umuulan ng pogi ngayon!

"Psh.. she's just a friend. Btw her name is Claud."

"Ikaw magkakaroon ng kaibigan na babae?! Pumuti man ang uwak di yun mangyayari!" Sabi uli ni kuyang blue eyes.

"Tss.. let's go." Singit bigla ni gwapong halimaw.

"Ill just take her home .. sunod na lang ako." Sabi ni Hanse pero di man lang nagsalita si Gwapong Halimaw at nilagpasan lang kami at saka umalis nakasunod naman sakanya yung tatlo pang mga lalake.

"Huy wag mong dalhin yan kung saan! Bata pa yan!" Tatawa tawang asar ng ng tatlo bago sila umalis.

"Mga ulol!" Sigaw naman ni Hanse sa kanila. "Psh... mga gago talaga." Bulong pa nito.

Ng makaalis na sila hinarap naman ako ni Hanse ng nakataas ang kilay.

"At ikaw... what are you doing here?"

Napanguso naman ako. "Eh sa.. naliligaw ako ehh.."

"Anong klaseng utak yan Claud?"

"Psh! Kase naman bobo ako sa direksyons e!"

"Psh.. oo na .. tara hatid na kita."

"Pero magmemeet pa kami ng mga kaibigan ko." Napataas naman ito ng kilay.

"Ng ganitong oras? 5 PM? Seriously?!"

"Oo.."

"Whatever saan ba?"

"****** street."

"****** street?! Seriously ang layo nun dito!"

"Talaga?"

"Claud! Nasaan ba utak mo?"

"Grabe ka sakin ah. Harsh mo!"

"Arghh.. tara na nga. Hatid na kita."

Yung sinabi niya ang layo ko sa street na yun totoo nga. Gosh! Ang layo ng napuntahan ko! Ng ihatid niya ako di siya nagpakita sa mga kaibigan ko umalis kaagad eh. Tapos yung dalawang bruha naman binatukan nanaman ako kasi late ako! Grabe wawa naman yung ulo ko sa kakabatok nila sa akin.

"Kung di ka ba naman kasi tanga." Irap sa akin ni Sai.

"Oo na!" Katulad niya inirapan ko din siya. "Kasalanan ko bang hindi ko alam ang lugar na to?"

"Ang sabihin mo tanga ka lang!"

Napapout ako. "Ang bad mo talaga sa akin."

"Wag kang mag pacute di bagay sayo mukha kang suso."

"Bleh! Inggit ka lang cute kasi ako ikaw panget!"

"A-aray!!" Naman batukan nanaman ba ako?!

Haayystt guys ganito na talaga ang rule ko dito sa story na to. Biktima ng mga mahilig mambatok. Kaya nayuyugyug ang ulo ko eh.. nagiging bobo...

****

Date Edited: November 18, 2022


Crazily Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon