CHAPTER 7

3 0 0
                                    

CLAUD'S POV

Madaling araw ng  tumila na ang ulan kaya nakauwi rin ako.  Hinatid na lang ako ni Hanse. Dahil sa halik ng gagong gwapong halimaw na yun di ako nakatulog monday kinabukasan kaya may pasok pero dahil nga hindi ako masiyadong nakatulog lunch na ako pumasok. Pagkarating ko sa  school deretso kaagad ako sa tambayan namin sa may taas ng field.

"Hoy babaita bat ngayon ka lang?!" Pamungad kaagad sa akin ng dalawang gurang. Ngumisi naman ako.

"Napuyat ako kagabi eh.."

"At bakit naman?!"

"May pumu- ouch!"

"Wala kang jowa wag kang feeling!"

Ang sama..  napakasama! Talagang kailangan pang ipaalala psh. Pero may humalik sa akin considered bang may relasyon na kapag ganun?

I pouted saka ako umupo sa may tabi ni Isai.

"Nga pala buti pumasok ka.." Kinikilig na sabi ni Sai. Napakunot naman yung noo ko. "OMG talaga! May PE tayo with the Star Section!"

"Star Section? Yung may maraming b*tch? Anong nakakakilig doon? Ouch naman!" Kapag nag ouch na ako alam niyo na ang ibig sabihin nun.. binatukan nanaman ako!

"Gaga! Syempre daming pogi!"

"Talaga? Bat ngayon mo lang sinabi? Sa tingin ko kailangan ko ng lumabas sa lungga ko para naman magka jowa na ako no. Para di na ako asarin ng dalawa jan!" Parinig ko sabay ngisi.

"Wag na walang magkakagusto sayo!"

"Che! Ang cute cute ko kaya!"

"Parang aso lang ganun?"

"Psh.. basta cute ako! Period!"

****

"And now please change your clothes QUIETLY in the Locker Room kasi maraming nagkaklase you'll disturb them. Understand?!"

"YES SIR!"

"OK MOVE NOW!"

So pumunta muna kami sa mga locker rooms namin to change clothes. Lahat ng classmates ko mukhang sobrang excited. Paimpit pa silang tumitili na parang ewan.

Marami nga kayang pogi? Shet ang landi ko talaga!

Pagkatapos naming magpalit ng damit ay pumunta na kami sa Basketball Court. Nakasuot kami ng white t-shirt na may nakaprint na SECTION B tapos sa likuran naman ay nakaprint ang mga Surname namin at saka naka shorts kami na di masyadong maiksi. Tapos yung boys naman ay nakasuot ng jersey na may nakaprint sa harapan na Section B din tapos sa likuran ay yung mga surname din nila.

Pagkarating namin sa Basketball Court naroon na ang mga Tiga Star Section katulad namin ganun din ang mga suot nila except na lang sa naka print sa may harapan ng t-shirt at jersey nila na ang nakaprint ay Star Section.

Halos mapanganga ako ng nakitang ang daming pogi nga! Gosh magkaka boyfriend na kaya ako?

"Okay section B form your lines." Sabi naman ni Sir. Napatango naman kami saka kami nag form ng line as usual ang mga maliliit ang nasa pinakaharap na linya. Psh... whatever!

Maya maya pa habang nag eexplain si Sir bigla na lang nagtitili ang mga babae pagtingin ko may dumating na mga kalalakihan ... na.... na...

"HI SIR! LONG TIME NO SEE!"

"WHAT THE- THE TWO MR. HAGE! MR. ROBERTS! MR. PEDERSON AND MR. SCOTT! WHY ARE YOU LATE?!"

At tama kayo sa hinala niyo sina Hanse nga. At nakangisi pa ang mga gunggong na sina Topher at Spike. Magaling magaling..

Crazily Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon