CLAUD'S POV
"Hayysstt amboringgggg...."
"Try mo magpakamatay." Napatingin ako sa biglang dumating saka napangisi.
"Sige mamaya try ko."
"Baliw." Naparoll eyes siya sa akin na ikinatawa ko.
"Ano? Ikaw kaya nag suggest!" Sabi ko tapos Inirapan naman ako ni Sai. Btw nandito kami sa may taas ng field. May mga chairs at tables kasi dito magandang tambayan mahangin kasi.
"Nasaan na si Isai? Antagal nanaman sa CR."
"As expected. Speaking of Isai nandyan na siya." Napalingon naman si Sai sa tinitignan ko. Si Isai na humahangos na tumatakbo papunta sa amin.
"Akala namin. Na flush ka na ng inidoro eh."
"Psh.. " Inirapan niya lang kaming dalawa. Wag kayo ganyan talaga kaming tatlo magbonding nag aaway.
Nag start na kaming kumain actually dapat kanina pa ako kumain antagal kasi ng dalawa pero baka kapag nauna ako kumain batukan nanaman nila ako. Masakit kaya!
"Pumasok na daw ang L.O.T.U.S. Gang sabi sabi dyan sa tabi tabi." Sabi ni Sai. Nagkatinginan naman kami ni Isai.
"Ano ang L.O.T.U.S. Gang?" Tanong ni Isai.
"Oo nga nakakain ba yun?" Napatampal naman sa noo niya si Sai. Palibhasa chismosa daming alam sa kung saan saan. Actually ang totoo kaming dalawa lang ni Isai ang walang alam sa nangyayari sa paligid namin. Same kami walang pakealam. Sinabi ko lang na tatlo kami kasi para naman di magmukhang chismosa si Sai hihihi..
"Seryoso ba kayong dalawa?! Sa tinagal tagal natin dito di niyo sila kilala?! Nasaan ba ang mga pake niyong dalawa? Nasa talampakan?!"
"Sorry naman.. " Napapout kaming dalawa ni Isai. Napabuntong hininga naman si Sai.
"Seryoso kailan ba kayo magkakaroon ng pake?"
"Kapag nagkaroon na din siya ng pake sa akin." Parehas silang napatingin sa akin.
"Taena mo wala kang jowa ni crush wala!"
"Wag kang feelingera!" Seryoso kaibigan ko ba talaga tong dalawang to?
"Psh.. grabe talaga kayo sa akin."
"Pero teka maiba tayo sino ba kasi yang tinutukoy mo?" Baling ni Isai kay Sai.
"Psh.. gangster ang mga yun gangster! Kaya nga may gang eh."
"Hmm baka naman mga mukhang tambay lang sa mga kanto yan ah."
"Hindi no!"
"Wow.. ipinagtanggol may crush ka doon no? Ayiehhhhh... ayiueettt!"
"Pvta talaga kayong dalawa! Syempre naman no! Halos ata lahat ng babae dito sa campus may gusto sa kanila."
"Wow.. mala wattpad lang ang peg!"
"Psh.. bahala nga kayong dalawa jan."
"Hahahaha!!!!"
*****
"REGISTRATION FORM."
Malakas na basa ko sa mga nakasulat sa paper na hawag ni Sai.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Form para sa pagsali ko sa fansclub ng L.O.T.U.S. Gang. Ngayon lang nagkabakante e may na transfer out kasi. Ang swerte ko!"
BINABASA MO ANG
Crazily Loving You
ActionAnother cliché gangster story ♥♥ *** Story of Claudette Anica Hesse Santiago. A bubbly girl that can make you fall inlove with her smiles. ***