Brat 5:

654 41 1
                                    

Heheheheheh ayun po, maraming salamat po sa mga nagbabasa nito.
At sa mga patuloy pang magbabasa nito.

At chapter na ito ay inihahandog ko para sa inyung lahat.

--------+++------+++Brat 5+++------+++---------

             Breille P.O.V.

"At anong ginagawa ng mga Del Valle dito sa lupain ng mga Montenegro?" pagsaad ng babaeng kakasulpot lamang.

Mukhang mataray ang babaeng ito. Ngunit di sya uubra sakin??

"Kelan ba ipinagbabawal sa mga tao sa San Isidro ang pagpunta dito sa Bunbunan falls? Is there any law na nagsasaad na ipinagbabawal na puntahan ang lugar na ito, sapagkat pag aari ito ng nga Montenegro??" seryosong saad ko naman dito na ikinabigla naman ng babae.

Ano akala mo huh??

"And one more thing, as far as i know this area is open for all. Dahil andito na itong falls na ito, bago pa naging pag aari ng mga Montenegro ang lupaing ito." dagdag na saad ko pa. Na ikinanganga ulit ng lahat.

"And who the hell are you??" pagsingit nanaman ng isang babae na kasama ata nila.

At halatang naiinis na ito.


"Me?? Oh i am just a somebody." nakangising saad ko dito.

"Lets go coz, mukhang hindi maganda ang timing natin ngayon." pag awat bigla ni Dale sa akin. At nakalapit na rin pala sina Kuya Anthon at Third samin.


"No, di porket pag aari ito ng mga Montenegro ay bawal na tayong pumunta rito. And besides wala naman tayong ginagawang masama. Were juat here to have fun." saad ko naman.

"So, pinsan mo pala yan Dale. If i know kauri mo rin yan." nakangising saad ng babaing maikli ang buhok. Yung unang nagsalita kanina. Habang ang mga lalaki naman at tila naaaliw sa nangyayari.

"Well, yes i am a Gay like her. A trans actually." saad ko naman.

"What a disgusting creature." tila nandidiring saad naman nung babaing may mahabang buhok. At maganda rin.

"Well, mas disgusting naman yang pagmumukha mo. Lalo na ang ugali mo." nakangising saad ko naman.

"Argghh.." galit na turan nito. At akmang susugurin ako nito. Ng biglang hawakan ito ng lalaking naka smirk kanina.

"Stop it Cheska, tama naman sila. Hindi ipinagbabawal sa kahit kanino ang lugar na ito. Lahat ng tao ay may karapatan na maligo o mamasyal dito." seryosong saad ni boy pogi.

"But Adam, diba sa inyu ito?? At kalaban nyo sila." atungal nanaman nung Cheska.

So he is one of the Montenegro's hmmmm. Kaya pala may maipagmamalaking itsura.

"Again, kahit sino may karapatan na pumunta rito, mamasyal o maligo man. At kahit na kalaban man yan o hindi. Tsaka labas na ako sa problema ng mga angkan ko." sagot naman nito.

"So, kung ganun naman pala edi lets go na couz, dami pang paepal." saad ko at mabilis na hinablot ang kamay ni Dale at naglakad papalapit sa Falls.

Barrio Hot Trans: BRIELLE: The Untamed Devil.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon