Ashley
I really don't know what is the feeling of falling in love. Akala ko, ang pag-ibig na 'yun tuwing may spark kapag nagdampi ang inyong katawan. May mga paro-paru sayong tiyan at malakas na pag pintig ng iyong puso.
Siguro isa 'yon sa mga nararamdaman mo pag inlove ka, yan kasi ang nakikita ko sa mga kdrama at nababasa ko sa mga love stories.
Pero may kulang, kapag in love ka, nararamdaman mong sa kanya kana sasaya pa at parang gusto mong huminto ang oras upang mas malaya at mas matagal kayong magsasama. When you're in love, you ought to seek for impossible and wishes that it will become true.
Noong hindi ko pa 'yun naramdaman i find it exaggerating. Sino ba kasing hindi makakasabi na ang overreacting kapag may nagsabi sayo ng ganyan?
Pero nagkakamali ako. Kapag ikaw na mismo ang makakaramdam ng ganyan, hindi mo na masasabi na isa itong kajejehan or ka-oa-han. Kasi ang masasabi mo lang talaga ay I am madly in love.
Yan ang nararamdaman ko ngayon, yan ang nararamdaman ko kay Magnar. I don't really know when and where I started falling in love with him, I just instantly and spontaneously felt it.
Ang saya ng pakiramdam ko nga ngayon e, nasagot ko ang taong mahal ko noon pa.
Sa totoo lang, may crush ako nun kay Damulag noong bata pa kami. Palagi kasi nya ako inililigtas kapag may mag b-bully sa akin. At aaminin ko, gwapo sya nun kahit mataba.
Pero di ko nalang yun pinansin dahil baka infatuation lang to at mawawala kaagad. Oo nga, nawala tong nararamdaman ko nung umalis sya.
Pero nung nakita ko sya sa kompanya, dun bigla bumalik ang nararamdaman ko. Kahit di ko pa sya nun kilala parang may iba sa kanya na pamilyar sa akin.
Kaya ngayon, dahil akin na sya, akin na ang taong matagal ko nang gusto, ayaw ko nang pakawalan ito. First boyfriend ko to e, at mahal na mahal ko.
"Ash what's your order?" Nabalik lang ako sa ulirat nang nag tanong sa akin si Sir.
Nandito kami sa isang restaurant dahil ito daw ang first date namin. Kinilig naman ako nun.
"A-ah isang mocha cake nalang at milkshake." Yun lang kasi ang nakita kong mura kahit ₱867 ang total nung dalawa.
"C'mon, don't shy boyfriend mo na ako ngayon oh!" Natatawang sabi nya.
"Di lang kasi ako sanay." At kinurot ko ang pisngi nya. Ang kyut kasi--scratch that---ang gwapo kasi.
"Let's take a picture." Sabay labas nya nang IPhone nyang cellphone.
Nag picture naman kami, mga limang picture.
At ilang minuto lang ay dumating na ang order namin.
"Here's your order ma'am sir." Sabi nung waiter at inilapag ang order namin at lumayas na ito.
Lumaki ang mata ko sa pagkaing nakalatag sa lamesa. Ghad! Ang daming pagkain.
"May plano kang magpapa taba ulit?" Tanong ko kay Magnar na ngayoy kumakain na. Tumawa lang ito kahit may laman pa ang bibig.
"Hindi lang naman ako ang kakain nito." Tumawa lang ako sa kanya at nag iiling iling pa.
Habang kumakain kami sine-sikreto ko namang picture si Magnar na kumakain. Pang wallpaper lang.
Nag kwentuhan pa kami habang kumakain. Nakwento pa nya na wala daw syang girlfriend simula noon pa dahil hinihintay pa daw nya ako.
Swerte nga daw dahil wala parin daw akong boyfriend. Namula naman ako sa sinabi nya. Na appreciate ko ang pag hintay nya para sa akin.
"So bakit ka tinatawag na 'baby' ni Savina ba yun?"
"Nah! That lunatic girl, naging fling ko kasi sya nun at sineryoso naman nya."
"Bat mo naman sya naging fling?"
"Bored ako e,"
Ay wawwww! Grabe namang ma bored itong taong to? Porket bored hila ng hila nalang ng babae? Ghad.
"Ma'am, Sir try our new specialty for the married couple. Married na po ba kayo?" Nakangiting sabi nang babaeng waiter at may inilapag na cake.
Ang ganda nga ng cake nila, heart shape ito at nahati sa dalawang flavor. Yung isa strawberry na may design na girl at ang kalahati naman ay chocolate na may design na lalake.
Pero what? Married couple? Kami?
Mag pro-portesta pa sana ako kaso naunahan na ako ni Magnar.
"Oo miss kasal na kami, buntis na nga tong misis ko at naghahanap ng cake." Ang lapad pa ng ngiti ni Magnar habang sinasabi nya yun.
Lumaki ang mata ko sa sinabi ni Magnar. Ano daw? Ako buntis? Lumingon si Magnar sa akin habang may dalang nakakalokong ngiti.
"Diba 'hon?" Ghad! Bakit Hon?
"H----"
"Oh diba? Hindi maka react? Haha.."
"Haha, I'm so glad for that sir, i hope you like our specialty." Sabay layo ng Waiter.
"Hey Hon?"
"Magnar naman e!" Sabay hampas ko sa kanyang braso. Pero ang gwapo kong boyfriend tumawa lang.
"What? Magiging asawa naman kita soon." Napatigil ako sa pag hampas nang sabihin nya yun.
Napa iwas ako nang tingin dahil alam kong namumula na naman ang pisngi ko.
"Kainis ka naman e."
"Kinilig ka naman?"
"Eee.." Tumingin ako sa kanya at nag irap.
"I love you."
"I love you too." Sabay kurot ko sa pisngi nya. Hindi nagtagal ang pag kurot ko sa makinis nyang pisngi dahil hinalikan nya agad ang pisngi ko.
Ghad!!!! My first kiss in my cheek!!!!
To be continued....
BINABASA MO ANG
My Hot Possessive Boss (COMPLETED)
Romance(Still editing) What will happen if your happy-go-lucky ideal journey in your work will alter because of the possessiveness from your boss? Would you still be in his company?