1

1.5K 47 13
                                    









I have prayed for this day.

I have imagined myself walking down the aisle wearing my white dress, slowly making my way to marry the man that I love. Wala naman atang babaeng hindi pinangarap maikasal.

Or cut that.

Wala naman atang babaeng hindi nangarap na makasama ang kanilang minamahal sa habang buhay.

We all want that. We bleed for that. We are all slaves of romance and love.

Nagiging mas espesyal pa ito dahil kahit sa dinami-dami ng pagsubok na hinarap ninyo ay nananatili pa din kayong nakakapit sa pagmamahal ng isa’t isa.

“Excited ka?” Asked Tita Abi as we’re on our way to his friend’s wedding boutique.

Ngayon ako magpapasukat ng aking wedding gown. It’s more special because Tita will be here with me.

“Kinakabahan po ako. Baka walang magkasaya.”

Tita laugh softly. “Ano ka ba you’re fit. At kung wala man, for sure Ricci will ask someone to make a dress solely for your size. You know what he can do for you.”

Napangiti ako doon at palihim na kinilig.

I know he’ll do everything for me. Matagal ko nang napatunayan ang bagay na iyon at hindi ko alam kung anong magandang naggawa ko sa buhay para bigyan ako ng isang kagaya niya na gagawin at ibibigay lahat sa akin.

Nang makarating kami sa boutique ay sinalubong kami ng kanyang kaibigan. He is wearing a red tight pants, white blouse, make up and a wig. Yes uhmm... he

“Mrs. Rivero. Naku long time no see mother!” Beso niya kay Tita Abi

“I know. I've missed your works. Kailan nga ang huli? Ah noong event pa ng anak ni Mrs. Chu."

“Ang tagal na! Hindi mo naman nasabi na magpapapakasal pala kayo ulit ni Mr. Rivero. Halika na at susukatan na kita.”

Hinila niya si Tita pero hinatak siya nito pabalik at nilingon ako.

“Ano ka ba hindi ako. Boni this is Eris Victorino. My future daughter in law. Siya ang ifi-fitting natin”

I smile at Boni. Ngumitinaman siya pabalik nang mapagtanto ang sinabi ni Tita Abi.

“Oh my apologies iha.” He went to me and kiss me on the cheeks.

“Ikaw naman pala. Pero sino ang ikakasal sa mga anak mo mother? Hindi ba't ikinasal na iyong si Prince sa girlfriend niyang chinita?”

“Kay Aileen oo.” Sagot no tita aby.

“So you mean… ikakasal na si Rasheed?”

Natawa si Tita doon. Ako din ata ay gustong matawa.

No no not Rasheed. That’s too impossible for the world to happen. Baka nga maunahan pa siya ni Riley sa pagkakaroon ng girlfriend.

“Ikaw talaga." Hawak ni Tita sa braso ni Boni habang natatawa.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. “This is Eris. Ricci’s fiancé.”

Nalaglag ang panga ni Boni habang tinititigan ako, tila hindi makapaniwala. In a short period of time ay naggawa niya na akong suriin mula ulo hanggang paa. It is a bit uncomfortable but I understand him.

“Totoo ba? Ikaw?"

“Opo.” Ngiti ko.

“Oh my gosh. Not to offend you ha but... you just broke my heart girl. Akala ko ay mapupunta na sa akin si Ricci my loves!"

FatalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon