10

269 11 3
                                    




Gael and I went down to have dinner as planned. Kasama namin si Gali at si Manong Ruben, ang driver ng mga Delgado.

Nakakatuwang magkakasama kaming apat na kumakain at nagkwe-kwentuhan. We are talking about Manong Ruben's family and how he raised them. Halos makalimutan ko ang mga nangyaring nakakapagod kanina dahil sa magagandang kwento.

"Eh ikaw ba Sir Gael? Kailan mo po ba balak magka-pamilya?" Pang-aasar ni Gali.

Halos maibuga ko iyong kinakain na kakanin, knowing what me and Gali talked about a while ago.

Gael laughs softly while holding his fork. "Ako? Hindi pa siguro. May hinihintay pa ako."

Nagkatinginan kami ni Gael at parang umusok ang batok ko sa init dahil sa itsura ng kanyang mata.

"Ay! Ganyan nga Sir! Dapat naghihintay tayo!" Tawa ni Gali sa aking tabi. "Hindi ba Andra?"

"H-ha?"

"Nako at namumula si Ma'am Andra." Singit ni Manong Ruben.

Inurong ni Gael ang kanyang upuan malapit sa akin upang titigan ako ng mabuti.

"You okay?"

Mas namula ata ako noong lumapit siya eh, bakit hindi niya makuha 'yon at talagang umusog pa sa akin.

"Oo. Okay lang." Sagot ko.

"Want more of that?" Turo niya sa paborito kong biko.

"Ubusin ko muna 'to."

"Ganyan din po ako sa asawa ko Sir Gael. Talagang binabantayan ko ang kinakain niya. Inaasikaso ko. Magiging mabuting mag-asawa kayo marahil ni Ma'am Andra."

Tumili si Gali at pumalakpak. Si Gael naman ay bahagyang tumawa at uminom sa kanyang tubig habang ako ay nais nang mahimatay ngayon dito at mawala na lamang. Ang mga tauhan ng mga Delgado ay mababait ngunit masyadong prangka sa kanilang gustong sabihin - mula kay Gali hanggang kay Manong Ruben.

Natapos ang hapunan ng bandang alas nwebe. Nagpapasalamat ako na nakayanan ko ang halos dalawang oras na iyon ng hindi nawawalan ng malay.

"You had fun?" Asked Gael as we lay down to sleep.

Magkaharap kami ngayon na parehong nakahiga sa magkalayong kama.

I nod. "Ang babait nila 'no? Nina Mang Ruben at Gali. Nakakatuwa."

"Maswerte ang pamilya namin na ganoong mga taong tumutulong sa amin. Someone we can trust, someone who'll take care of us and someone who treats us as family."

"Ganoon din naman kasi kayo sa kanila Gael. You have good people around you simply because you are good too. Inaalagaan ninyo ang mga tao ninyo kaya inaalagaan din nila kayo pabalik."

He smiled at me. He lick his lower lip before speaking again.

"Turo iyon sa akin ni Papa. Ang isang matagumpay raw na negosyo ay nasa kamay ng mga tauhan mo kaya dapat mo silang alagaan at mahalin. Para mahalin din nila ang mga trabaho nila."

Now that we're talking about these, I am more amazed of how kind and genuine Gael is. Siya ang tipo ng lalaki na may pagpapahalaga sa mga simpleng bagay at mga ordinaryong tao. Kahit na mayaman siya ay alam niya ang halaga ng kasipagan, pakikisama at magandang kaugalian. Tama ang pagpapalaki sa kanya. Hindi ako magugulat kung isang araw mas lalago ang mga negosyo nila sa pamumuno niya.

"How 'bout you Andra? Kamusta ka ngayong araw?"

"Okay naman. Masaya." Ngiti ko. "Ang ganda dito sa Cagraray Gael, pero namimiss ko sila Nanay."

FatalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon