9

426 19 2
                                    




Sa isang malaking silid kami tutuloy ni Gael ng magkasam.

Gali is right, the whole floor was renovated into one big room. Pagpasok ko ay dalawang malalaking kama ang tumambad sa akin.

Napapagitnaan iyon ng isang wooden table na mayroong lampara sa ibabaw at iilang mga halaman bilang disenyo.

The other one is near the main door while the other is beside the balcony.

"Alam kong pipiliin mo iyong nasa dulong kama." Sabi ni Gael sa aking likod.

"Okay lang ba sa iyo na dito ka sa isa?"

"Of course. Whatever you want Andra."

Nagpasalamat ako at tinungo na ang aking pwesto upang mag-ayos. Sa isang walk-in closet ko nilagay ang aking mga damit – sa kanang bahagi ako at sa kaliwa naman ay ang mga gamit ni Gael.

Nag-presenta na akong mag-ayos ng mga gamit niya upang siya naman ang makapag-pahinga.

Kanina, buong biyahe ay ako ang natulog sa kanyang balikat, kaya alam kong pagod siya ngayon.

Umupo ako sa sahig habang tinutupi ang kanyang mga damit.

"Ayos ka lang diyan?" Silip niya sa akin.

"Hm. Mag-pahinga ka na 'don. Gigisingin na lang kita kapag magha-hapunan na."

He smiled and went on his bed immediately.

Pagtapos kong ayusin ang mga damit ay inayos ko na din ang mga groceries na ibinigay ni Gali kanina sa amin – siya raw ang magdadala ng aming weekly stocks, medyo malayo daw kasi ang supermarket dito.

Inayos ko ang mga pagkain sa ref at iniwan iyong mga lulutuin ko mamayang gabi para sa amin ni Gael.

I am cooking his favorite Adobo tonight.

Naisip ko kasi, unang gabi namin dito, pagod at medyo nainibago pa kaya kailangan masarap ang paborito namin bilang welcome dinner.

Habang hinihintay ang sinaing ay tinignan ko ang magandang view sa balcony.

Pagbukas pa lamang sa sliding glass door ay sinalubong agad ako ng malamig na hangin mula sa dagat.

Ang mga taong malapit sa karagatan gaya ko ay makukuha ang pakiramdam na mayroon ako sa tuwing naaamoy ko ito – it gives you peace, it gives you the vibe, the message that whatever you are going thru right now, will all passed. Gaya ng malakas na alon, isang araw ay hihimbing din ito at lulumanay.

Niyakap ko ang aking sarili habang tinatanaw ang kabuuan ng karagatan.

Sa lawak nito, nasaan kaya diyan naka-pwesto ang dati kong buhay? Ang pamilya ko? Ang mga kaibigan ko? Ang mga taong nagmamahal sa akin?

Pumikit ako at nagdasal ng taimtim.

Nais kong malaman ang maraming bagay tungkol sa akin – ang pangalan ko, edad, kaarawan, sino ang mga magulang ko, may kapatid ba ako? Ano ang paborito kong gawin noon? Was I able to graduate? May trabaho ba ako? Marunong din kaya ako magluto? Anong mga pagkain ang kaya ko?

Kasing tahimik ba ng buhay ko ngayon ang buhay ko noon? Kasing payapa? At kasing saya?

Napaka-dami kong tanong, at hindi ko alam kung saan at kanino ako hahanap ng mga kasagutan. Araw-araw ay gigising akong hindi alam ang dapat na paghandaan, hindi alam kung para saan at para kanino gumi-gising, hindi alam ang layunin upang mabuhay.

Napaka-hirap ng ganito. Pero ang dapat na pagtuonan ko ng pansin ay ang paggaling ko ng tuluyan. Sa ganoong paraan ay mas magkakaroon ako ng lakas upang hanapin kung sino ako.

FatalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon