3

557 19 15
                                    

Panibagong araw sa panibangong linggo.

Nagising ako ng bandang alas nwebe ng umaga sa tawag na natanggap ko mula kay Ricci. Pangatlong tawag niya na pala ito at ngayon ko lamang nasagot.

"Hmm?" Bungad ko sa kanya. Halos pikit pa ang mata ko mula sa biglaang pagkakagising.

"I love you." He said softly.

Ang sabi madalas daw sa bagong gising ay mainit ang ulo. Ganoon din ako noon, ngunit posible pala na sa pagkakataong ito ay gumandang bigla ang gising ko.

I smile and turn to the other side of my bed.

"I love you too. Maaga ka nagising?"

"Hm. Maagang dineliver yung mga invitations natin, I picked it up."

Napabalikwas ako agad nang marinig iyon. Ang buong katawan ko ay tila nabuhay. Our invitation is here! Halos tatlong buwan bago ang kasal ay unti-unti nang naaayos ang lahat.

Napakasaya ko.

Ganito rin ang pakiramdam ko noong natapos kaming magsukat ng gowns at noong nakapili na ng mga pagkain para sa mga bisita.

Tila sa bawat matatapos naming paghahanda para sa kasal ay tumatalon ang puso ko sa kaalamang lalong nalalapit ang araw na magsisimula na kami ng bagong buhay na magkasama.

"How was it? Maganda ba" I asked excitingly.

"Napakaganda mo palagi sa'kin,"

Ngumuso ako. "I mean the invitation card!"

Ricci laugh smoothly.

Pakiramdam ko ngayon ay nakaupo siya sa kanyang balcony, nagkakape, hawak ang aming invitation card at sinusuri ito. And oh well, he must be so handsome, like always.

"Wala akong alam sa mga designs at template but I think it's good. Like the colors you requested, at kumpleto naman ang mga guests."

"Gusto ko makita. Can you send me a picture?"

"Bakit hindi ka na lang lumabas ng kwarto mo dahil kanina pa ko naghihintay sa'yo dito."

My eyes widened. Napatingin ako agad sa pintuan ng aking kwarto.

He's... he's here??? Early this morning?

Tinggal ko ang kumot na nakabalot sa akin at agad na lumakad sa pinto.

Without ending the call, I open it immediately.

Tumambad sa akin si Ricci Rivero, nasa kanang tenga ang telepono at may hawak na mga bulaklak sa kabila. He's wearing a white long sleeves, folded up until his elbow, a black slacks and shoes. Sa kanyang leeg ay nakasabit ang isang gintong kwintas na lalong nagpapagwapo sa kanya,

"Hi." He smiles and my heart melts.

Tunay palang nangyayari ito? Ang pagkalusaw ng iyong puso, buong katawan at kaluluwa sa sandaling makita mong ngumiti ang taong iyong minamahal; iyong nakakapanghina, iyong nakakawala ng ulirat, iyong nakakapanginig ng katawan.

I was wrong when I said he's probably in his balcony and having coffee, because he is here, at my doorstep, looking perfectly handsome!

"Ang tagal mo magbukas. Kanina pa ko."

"Hindi ka naman agad nagsabi eh."

He handed me the flowers and kiss me on the lips. Agad akong umatras mula sa halik na iyon at tinakpan ang aking bibig.

"Hindi pa ako nagto-toothbrush!"

Ricci smirked and forcedly take my hands down and kiss me again.

FatalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon