5

459 20 12
                                    



Hindi na bago sa akin ang mga panaginip gaya noong kagabi.

Halos mag-iisang taon na simula noong unang beses ako nagkaroon ng mga ganoong panaginip, ang pinagkaiba lamang ay habang tumatagal ay nagiging mas mapait, mas malalim ang mga kahulugan at mas mahirp na ialis sa isipan.

“Magandang hapon po Manang Betchay, narito na po ang mga suman na gawa ni Nanay.” Turan ko sa isang matandang babaeng nagsisiga ng kahoy sa kanyang bakuran.

Iniabot niya sa akin ang bayad at ngumiti. “Napaka-ganda mo talagang dalaga Andra. Ilang taon ka na ba?"

Napatigil ako. Hindi ko alam ang isasagot dahil hindi ko rin alam.

"Ay. Oo nga pala. Oh siya sige, maraming salamat sa paghatid nito."

Ngumiti ako ng maliit at nagpasalamat na lamang din.

Sunod-sunod na bahay ang aking pinuntahan upang magdala ng mga paninda ng aking Nanay.

Halos lahat sa aming baryo ay ganito ang komento sa akin. Na sa simpleng mukha ko daw ay tunay na napakaganda ko. Hindi ko alam kung tunay ba iyon o sadyang naiiba lamang ang aking itsura sa karamihan sa kanila.

“Salamat po Manong Juls.” Sambit ko matapos niyang iabot sa akin ang singkwenta pesos bilang bayad sa dalawang pu't limang suman na aking binigay.

Ang bahay nila Mang Juls ay halos sampung hakbang lamang ang layo mula sa dagat.

Lumakad ako papunta sa dalampasigan at muling tinanaw ang isang malayong isla na ang tawag nila ay Cagraray.

Ito lamang ang tanging lupain na maaninag mula sa aming baryo.

Sa tuwing mapapadaan ako dito ay palagi kong minamasdan ang isla na iyon, tila ba may isang mahalagang bagay ang aking naiwan doon at hinihikayat akong pumalaot upang alamin kung ano.

Iyong pakiramdam na parang hinahatak niya ang aking mga paa sa tuwing nakikita ko siya.

Naupo ako sa isang malaking rock formation katapat ng dagat.

Bumaba ang aking tingin sa suot kong mahabang kulay asul na saya at isang pares ng bakya.

Nilipad ng malakas na hangin ang aking mahabang itim na buhok na nagbalik muli ng aking mata sa karagatan.

Mag-iisang taon na akong naninirahan rito sa isla ng Pagcolbon.

Hindi sina Nanay Sol at Clara ang tunay kong pamilya.

Ang sabi nila sa akin ay inanod raw ako sa kanilang dalampasigan isang gabi. Una akong natagpuan ng nina Mang Juls at ng iba pang mangingisda bago ako dalhin kay Nanay Sol, isa siyang retired nurse sa bayan.

“Nasaan ako?”

“Narito ka sa aming bahay iha. Natagpuan ka namin sa dalampasigan. Anong nararamdaman mo? Masakit ba ang iyong mga sugat?"

Kinapa ko ang pinakamasakit na parte ng akin katawan - ang aking ulo. Nakapa ko ang benda at parteng may kaunting basa.

"Nako huwag mo munang hawakan at baka lalong magdugo."

I look down on my body as well and figured out immediately that I was strained.

What are these wounds? Saan ito galing? Bakit? Bakit ako may ganito?

Umiyak na lamang ako sa unang gabi ko rito, ayaw kumain at ayaw kumausap ng kahit na sino.

Nanay Sol and Clara took care of me.

Inasikaso nila ako araw-araw, ginamot ang mga sugat na natamo sa aking katawan at pinagtiyagaan ang mga ugali kong pati ako ay hindi ko lubos na maintindihan.

FatalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon