11

291 16 3
                                    


"I told you not to let her do anything that may tire her. Akala ko ay sa beach lang kayo magpapahinga?"

Galit na boses agad ni Gael ang una kong narinig nang magising ako.

The color white ceiling of our room welcomed me together with the fresh air coming from the ocean outside.

Ramdam ko ang bigat ng kung ano mula sa aking ulo hanggang katawan na humahadlang para maka-galaw ako ng maayos at makabangon para kausapin sila.

"Opo Sir, sa beach po dapat kami. Pasensiya na po." This is the first time I heard Gali's voice this low.

Kaya kahit na medyo masakit pa ang aking ulo ay pinilit kong bumangon upang ako mismo ang makapagpaliwanag kay Gael sa mga nangyari.

"Andra." He immediately said when he saw me getting up.

Inalalayan niya ako upang maayos na makaupo sa kama. His hands are tight with every touch - ang mga ugat doon papunta sa kanyang braso ay nakalabas na para siyang galit sa nangyari. Mapula din iyon sa hindi ko malamang dahilan.

I look up to him and saw horror in his eyes - tila may takot at pangamba habang tinititigan niya ako.

"Are you okay?"

Tumango ako ng mabagal.

"Gael... walang kasalanan si Gali." Nahihirapan kong sabi.

Sinulyapan ko si Gali at nakita rin ang nag-aalala niyang mukha sa hamba ng kama kung saan ako nakahiga.

"I was the one who insisted to help."

"Andra." Gael sighs. "Hindi ba sinabi ko naman? Isinama kita dito para mag-pahinga. Para mag-pagaling. Hindi ka dapat nagta-trabaho."

Tinitigan ko si Gael na ngayon ay nakaupo na rin sa aking harapan. Galit na galit ang makakapal niyang kilay pati na rin ang mga mata niya. His mouth is tightly closed na parang nagpipigil na sumigaw sa inis. Ang kanyang panga ay naka-depina rin.

I give him a little smile.

"Sorry. Ayoko lang kasing maging pabigat sa trabaho ni Gali, kaya ako na lang ang sumama sa kanya."

"Andra, hindi ka naman pabigat." Gali said.

"It's okay. Ayoko din na ma-compromised yung event dahil wala ka doon para mag-asikaso."

And speaking of event.

Anong oras na ba? Nagsimula na ba iyon? At bakit nga pala nandito na si Gael? Mamayang ala sais pa dapat ang uwi niya ah?

Pinalabas na ni Gael si Gali upang tumulong sa mga preparasyon sa baba.

I watch him take off his shoes and looks like he aren't going back to work anymore. Mukha pa din siyang galit habang nakatalikod sa akin at inaayos ang mga gamot ko sa mesa.

I know he's mad at me for being so stubborn, for causing him stress and worry. At kasalanan ko iyon.

Dahan-dahan akong umalis sa kama at naglakad papalapit sa kanya. I slowly put my arms around his waist and hug him from the back.

Napahinto siya bigla sa kanyang ginagawa.

"I'm sorry." Bulong ko. "Sorry kung nag-alala ka. Umuwi ka pa tuloy galing trabaho, alam ko namang busy ka."

I lay my head on his back. Really, I am guilty for making him this upset.

Kung sana ay nag-stay na lang kami sa beach gaya ng plano ay hindi ko sana siya mai-istorbo ngayong araw.

FatalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon