4

471 19 7
                                    



Nagising ako sa isang dampi ng mainit ng labi sa aking noo.

Medyo madilim pa sa aming kwarto, siguro ay pasikat pa lamang ang araw.

I move a bit and hear the sound of our bedsheet. Naaninag ko agad si Ricci na nakaupo sa aking tabi at nakadungaw sa akin.

His hair is bit wet. Kahit hindi pa lubusang bukas ang aking mata ay nakikita ko pa rin kung gaano siya ka-gwapo.

"Did I wake you up?" He whispers as he finger comb my hair.

Umiling ako at ngumiti sa kanya bago tuluyang umupo sa kama.

Naka-topless nanaman siya at halatang kakaligo lamang. He's so beautiful. Kasing ganda ng balcony namin sa kanyang likod na tanaw ang magandang langit, mga ibong malayang nakakalipad at nasasayawang mga puno.

"Anong oras na?" I asked.

"It's 7:30. Pwede ka pang matulog kung inaantok ka pa."

Ricci reach for my hands and put it on his lap. Gamit ang kanyang hinlalaki ay kinapa niya doon ang engagement ring na kanyang bigay sa akin.

"Why?" I asked softly.

Umangat ang tingin niya sa'kin at umiling bago ako hatakin para sa isang yakap.

His cold skin touched mine. Lalo tuloy lumamig ang aking pakiramdam. Some of water from his hair also dropped onto my skin.

"How many more months 'til the wedding?" Tanong niya habang nakayakap sa akin.

"Less than three?" I said. "Bakit? Are you getting cold feet?

Humiwalay siya sa akin nang nakakunot ang noo. "Bakit mo naman naisip 'yan? Gusto mong pakasalan kita ngayon din?"

Tumawa ako at mahinang sinampal ang kanyang pisngi.

"Oh bakit? Cold feet huh?" Panggagaya niya.

"As if pwede talaga ngayon diba?"

"Why not? Kakausapin ko si Father mamaya, pwede naman---"

"Wag na." I laughed. "Puro ka biro. Magtatampo ang mommy't daddy mo kapag hindi sila kasama."

I went on a long bath after that.

Masyado kong dinama ang hot shower kaya tumagal ata ako ng halos isang oras doon.

Paglabas ko ay nakahiga si Ricci sa kama, naka-kulay black na shorts at puting plain shirt.

Sinulyapan niya ako at ngumisi.

"What?" Natatawa kong tanong.

"Can I kiss you?"

"Nope. Magbibihis muna ako."

We went down for lunch tapos ay bumiyahe na kami papuntang Cagraray Island kung saan nandoon ang isang simbahang napili namin ni Ricci.

Nasa passenger seat ako samantalang si Rasheed at Francis naman ay magkatabi sa likod.

"Excited ka ba Eris?" Francis asked.

"Oo. Puro sa pictures ko lang kasi siya nakikita. Ngayon pa lang sa personal."

"You'll love it there! Napakaganda!"

"Walang iiyak ah." Rasheed commented.

"Hindi naman ako iiyak Sheed." Sagot ko.

"Ikaw hindi, pero si..."

Nilingon ko siya. Nakatingin siya kay Ricci na tahimik na nagddrive. Natawa na lamang ako sa pangaasar ni Sheed sa kanyang kapatid.

FatalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon