Chapter One

6.8K 124 3
                                    

“KISSES!”

Ibinaba ni Kisses ang binabasang paperback novel at nag-angat ng tingin. Nabungaran niya ang nakangiting mukha ni Hershey. Her twin sister.

Lumapit sa kanya ang kakambal at sumampa sa kama niya. “I’m so happy today,” masayang wika nito.

Ipinangalan sila ng kanilang ina sa paborito noong chocolate. They are indentical twins, kaya magkamukhang-magkamukha sila. Pero tulad ng mga ibang kambal, hanggang sa pisikal na anyo lang sila magkapareho nito. Sa ugali ay magkaibang-magkaiba sila. Kung siya ay mukhang masungit at suplada, ang kapatid niya ay very lively at mabait. Palagi itong nakangiti at madaldal. Magkasalungat sila ng personalidad. Magkaiba rin sila ng taste sa lahat ng bagay. Halimbawa na lang sa pananamit, simpleng t-shirt at pants lang ay okay na sa kanya. Hershey was different. Palagi itong naka dress. Ni minsan ay hindi niya ito nakitang umalis ng bahay ng hindi nakaayos kaya naman kahit magkamukha sila ay madali silang ma-identify ng mga taong nakakakilala sa kanila pareho.
Pero kahit magkaiba sila ng mga hilig at gusto ay close silang dalawa. In fact, super close. Five years old pa lang kasi sila nang mamatay ang mama nila sa breast cancer. Sila lang ang laging magkasama dahil masyadong abala ang papa nila sa negosyo. Sa kanilang yaya sila lumaki. In fact, mas malapi pa nga sila sa kanilang yaya kasya sa papa nila.

She raised her eyebrows. “Bakit? Anong meron?”

“Boyfriend ko na si Jeremiah.” Hinawakan nito ang balikat niya ay niyugyog pa iyon.

Inayos niya ang salamin na bahagyang tumabingi sa pag-alog ni Hershey. Medyo malabo kasi ang mata niya kaya kailangan niyang magsuot ng salamin.

“Bakit kasi hindi ka na lang mag contact lens,” nakalabing wika nito. “Nagmumukha ka tuloy manang d’yan sa salamin mo.”

“You know I hate contact lens,” wika niya. Nag-try na siya dati na gumamit niyon pero hindi siya komportable. Mas sanay ang mga mata niya sa salamin. “Anyway, who’s Jerimiah?”

“My new boyfriend,” malawak ang ngiting pahayag nito.

Kumunot ang noo niya. “New boyfriend?”

“Yup.”

“Eh, di ba kabe-break mo lang sa boyfriend mo?” nagtatakang tanong niya. “What’s his name again?”

“Jeremiah.”

Umiling siya. “No. The other one.”

“Ah, my ex. Marvin.”

“Ano’ng nangyari sa inyo ni Marvin?”

Nagkibit-balikat lang ito. “Wala na. Masyado siyang demanding kaya nakipag-break na ako sa kanya.”

Pumalatak siya. Kung siya ay parang allergic sa mga lalaki, ito namang kakambal niya ay parang magnet. Hindi ito nawawalan ng boyfriend. Hindi nga niya alam kung playgirl ba ito dahil wala pang tumatagal na boyfriend ang kapatid niya. Marahil ay dahil sa ugali nito. Hindi naman niya sinasabi na panget ang ugali ni Hershey. May pagka-childish nga lang ito. Mabilis itong matuwa pero mabilis din itong magtampo. Mabilis din itong magsawa sa isang bagay. Kapag hindi nasunod ang gusto nito ay nagta-tantrums ito na parang bata.

“At sigurado akong after one month ay break na rin kayo ng Jeremiah na iyan,” walang habas na wika niya.

“No, Kisses. I think I already found the right guy for me. And that is Jeremiah.”

Awtomatikong itinaas niya ang kilay sa narinig. Ngayon lang kasi nagsalita nang ganoon si Hershey. Para bang sigurado na ito sa Jeremiah na iyon.

“Ano ang meron sa lalaking iyon at nakapagsalita ka ng ganyan?”

Chocolate Kisses (Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon