Chapter Nine

4.7K 116 3
                                    

WHAT are you doing here?"
Pinanlambutan ng tuhod si Kisses nang madatnan niya kung sino ang bisitang sinabi sa kanya ng kanilang Yaya Mila. It was Jeremiah. Naabutan niya ito sa sala at nakaupo sa sofa.

Agad bumangon ang matinding galit sa dibdib niya. "Ano'ng ginagawa mo rito?" sikmat niya rito.

Tumayo ito nang makita siya. "I came here to talk to Hershey," seryosong wika nito. Lihim niyang pinagmasdan ang mukha nito. Bahagyang nanlalalim ang mga mata nito.

Matinding pagkapahiya sa sarili ang naramdaman niya. At matinding sakit. Hindi siya ang sadya nito kundi ang kapatid niya. Mabilis siyang tumalikod at humakbang palayo.
Pag-akyat niya ng hagdan ay nakasalubong niya si Hershey.
Nag-iwas ito ng tingin sa kanya at walang kibong nagpatuloy sa pagbaba. Malungkot na bumuntong-hininga siya.

Isang linggo na ang nakalilipas pero hindi pa sila muling nakakapag-usap na magkapatid. Sa tuwing magtatangka siyang kausapin si Hershey ay umiiwas ito sa kanya. She was being cold to her. Pakiramdam niya ay tila may pader na nakaharang sa pagitan nilang dalawa. Hindi lang siya ang nahihirapan sa ganoong sitwasyon kundi maging si Yaya Mila at papa nila. Ngayon lang kasi nangyari ang ganito sa kanilang magkapatid. Hindi sila kailanman nag-away sa kahit anong bagay.
Tanging kay Jeremiah lang. She smiled bitterly. How ironic, magkaiba sila ng taste sa anumang bagay ni Hershey pero pagdating kay Jeremiah ay nagkatalo sila.

Bago siya pumasok sa kanyang sili ay muli siyang sumulyap sa baba. Mula sa kinaroroonan niya ay matatanaw sina Hershey at Jeremiah. Nagdulot sa kanya ng kirot sa kanyang puso ang nasaksihan. Magkatabing ang mga ito sa sofa. Kung pagmamasdang mabuti ay mukhang nagkaayos na ang mga ito. Gusto niyang maging masaya para kay Hershey subalit wala siyang maramdamang kasiyahan. Pagdadalamhati at kalungkutan ang nararamdaman niya. Parang pinipiga ang puso niya sa sakit.

Pagpasok niya ng kwarto ay doon niya pinakawalan ang mga luha. She was very hurt. She couldn't deny the fact na nagseselos siya sa sariling kapatid. Hindi niya magawang itanggi sa sarili na sa kabila ng nararamdaman niyang matinding galit sa lalaki ay nananatili pa rin ang pagmamahal niya rito. She was hurt nang makita niya ang dalawa kanina. Mas matindi pa ang selos na naramdaman niya kaysa noong nakita niyang may kayakap itong ibang babae. Ngayon ay naiintindihan niya kung ano ang pakiramdam ng magmahal at masaktan. Dahil iyon ang eksaktong nararanasan niya ngayon. Ngayon niya pinagsisihan kung bakit pa siya pumayag na magpanggap bilang Hershey. Hindi na sana nangyayari pa ito. Hindi sana siya nasasaktan ng ganito.

"Kisses."

Marahas na pinahid niya ang mga luha. Nakita niya si Hershey na nakatayo sa likod ng pinto ng kanyang kwarto. Hindi niya namalayan ang pagdating nito.
"Hershey." Hindi ba't kausap nito si Jeremiah? Bakit nandito ito ngayon?

"Umalis na si Jeremiah," sagot nito na tila ba nabasa ang tanong sa isip niya. "You're crying," wika nito habang lumalapit sa kanya.

She sniffed. "I'm sorry, Hershey."

Naupo ito sa tabi niya at hinawakan ang mga kamay niya. "I'm sorry, too, Kisses."

Napatingin siya rito. Kung nitong mga nakaraang araw ay walang emosyong mababanaag sa mukha nito, ngayon ay pagsisisi at matinding guilt ang nakikita niya sa mga mata nito. "Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito Kisses," nagsisising wika nito. "Kung hindi kita pinagpanggap sa harap ni Jeremiah, hindi ito mangyayari."

"No Hershey, it's my fault," wika niya sa kapatid.

Umiling ito. "It's mine. I've been so selfish," maluha-luhang sambit nito habang kagat ang ibabang labi.

"What are you saying, Hershey?" naguguluhang tanong niya. Kung makapagsalita kasi ito ay tila napakalaki ng kasalanan nito sa kanya. Samantalang siya nga ang may kasalanan dito.

Chocolate Kisses (Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon