MUNTIK nang mapaurong si Kisses sa kanyang kinauupuan nang makita niya ang pigura ni Jeremiah na papalapit sa kanya. Paano nito nalaman na nandito siya ngayon sa botanical garden?
“Baby,” masuyong bati sa kanya ng binata. Naupo ito sa tabi niya.
Naiilang na tiningnan niya ito. “Paano mo nalaman na nandito ako sa botanical garden?”
Nagkibit-balikat ito. “Instinct?”
Dumikit ito sa kanya at tiningnan ang librong hawak niya. Awtomatikong bumilis na naman ang pagtibok ng puso niya na para bang nagsimula na namang makipaghabulan sa kung ano. “What are you doing?” tanong nito.Buntong-hininga siya at ipinakita rito ang libro.
Sinipat-sipat nito iyon. “I didn’t know you’re fond of reading novels.”
Hindi siya nagkomento sa sinabi nito. Mahilig talaga siyang magbasa ng libro. Another thing that made her different from Hershey.
“May problema ba?” untag sa kanya ni Jeremiah. “Bakit mo pinatay ang phone mo? Kanina pa kita hinahanap.” Walang bahid ng galit ang tono nito bagkus ay pag-aalala ang naroon.
Sinadya niya talagang patayin ang cell phone niya. Gusto niya kasing umiwas muna kay Jeremiah. Hindi niya alam kung paano ito haharapin ngayon matapos ang nangyari kagabi. Ah, just remembering what happened last night make her heart and mind ache. She didn’t know what happened to her senses at nagawa niya ang mga bagay na iyon kagabi. Mga bagay na ni sa hinagap ay hindi niya akalaing magagawa pala niya. Mga bagay na dapat niyang pagsisihan. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang matamis na labi nito. She could still feel his sweet kisses. The kissed they shared last night was still in her mind.
Gusto niyang pagsisihan ang namagitang halik sa kanila pero hindi niya magawa. It was one thing she must ashamed of. Gusto rin niyang supilin ang umusbong na damdamin niya para kay Jeremiah pero hindi niya magawa. Heto siya ngayon, kinakain ng guilt ang pagkatao niya. Hindi niya alam kung paano pa niya pakikiharapan ang kapatid niya. Nang kausapin nga nito ang Hershey kanina ay labis-labis ang guilt sa dibdib niya. She really felt that she betrayed her twin sister.
“Hershey, what’s wrong?” untag sa kanya ni Jeremiah.
She looked at the handsome face beside her. The handsome face that captured her heart for just a couple of days. Hell yes! Sa loob lang ng ilang araw ay heto na siya at mahal na si Jeremiah. How dare herself for judging Hershey for having a relationship in just a week pero kung tutuusin ay mas malala pa siya rito. She fell in love with this guy sa loob lang ng ilang araw. At talagang pinaparusahan siya ng tadhana. Because the man she fell in love with was already belong to someone else. And that someone else is her sister, Hershey.
Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mahuhulog siya sa lalaking ito? Hindi ba’t matindi ang galit niya rito? Pero unti-unting nawala ang galit sa dibdib niya nang makilala niya ang pagkatao nito. Ang galit na iyon ay napalitan ng pagmamahal. Pagmamahal na dapat niyang pigilan. .
She forced a smile. “Nothing. Masama lang ang pakiramdam ko.”
Masuyong hinaplos nito ang noo niya. “Gusto mo’ng dalhin kita sa clinic?”
Umiling siya. Nang tingnan niya ang mga mata nito ay labis na pag-aalala ang nakita niya roon. “Oh. I almost forgot,” wika nito. Inilabas nito mula sa likuran ang isang bouquet ng red roses. “For the loveliest woman I’ve ever met in my whole life of existence.”
Tinitigan niya ang napakagandang rosas sa harap niya. Hindi niya alam kung matutuwa o lalong malulungkot sa ginawa nito. First time niyang makatanggap ng bulaklak.
It wasn’t for you, paalala sa kanya ng utak niya. Para iyan kay Hershey.
Hindi para sa’yo. Parang dinaganan ng hollow blocks ang puso niya sa realisasyong iyon. Lahat ng nakikita, sinasabi at ginagawa ni Jeremiah ay hindi para sa kanya kundi sa kapatid niya. Ang pagmamahal at pag-aalalang ipinapakita nito ay nakalaan lang kay Hershey. Walang kahit anong bagay ang para sa kanya.
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng inggit sa kapatid. She was envous of her and jealous. She was jealous as hell. Napakasuwerte ng kapatid niya sa pagmamahal na iniuukol ni Jeremiah para rito. At hindi niya maiwasang maiingit.
![](https://img.wattpad.com/cover/195608652-288-k360589.jpg)