MUKHANG malalim yata ang iniisip mo, ah,” puna kay Kisses ni Mandy.
Binalingan niya ang kaibigan na abala sa pagkain ng mocha chiffon cake. Nasa school cafeteria sila. Iyon ang paborito nilang tambayan ng kaibigan. “I was just wondering Mandy, bakit kaya gustong makipag-break ni Jeremiah kay Hershey gayong mahal naman pala niya ang kapatid ko?”
“Paano mo naman nalaman na mahal nga talaga niya si Hershey?”
“I saw that in his actions,” sagot niya. “Noong kasama ko siya kahapon, na-realize ko kung gaano ka-special sa kanya si Hershey.”
Tumaas ang isang sulok ng labi nito. “So that means, hindi ka na galit kay Jeremiah?”
She sighed. “Nagalit lang naman ako sa kanya dahil akala ko niloloko niya ang kapatid. Plus the fact na mayabang siya. Pero kahit ganoon ang ugali niya, mukhang mahal naman niya ang kapatid ko.”
Tumango-tango ito. “Siguro nga ay nagkaroon ng misunderstanding ang dalawang iyon. Anyway, ano naman ang sabi ni Hershey? She’s one lucky girl kung tama ang hinala mo na seryoso talaga sa kanya si Jeremiah.”
“Kahit sinabi ko na’ng okay na, ayaw pa rin akong lubuyan,” himutok niya. “Tapusin ko raw ang isang linggong napagkasunduan namin.”
Kumunot ang noo ni Mandy. “Did she really say that? Kung ako siya, hindi ko kayang tiisin ang boyfriend ko sa loob lang ng isang linggo. Lalo na at si Jeremiah pa iyon.” Pumalatak ito. “Kumusta naman bang boyfriend si Jeremiah?” curious na tanong nito kapagkuwan.
“Okay lang,” she answered. “Akala ko noong una, wala siyang kuwentang boyfriend. Pero okay naman pala siya.”
Sumimangot si Mandy. “Okay lang? Is that all you can say?”
“Bakit? Ano pa ba’ng gusto mong marinig?” Ito talagang si Mandy, masyadong usisera. Palibhasa guwapo ang pinag-uusapan.
“I-range mo na lang siya from one to ten. Ten is the best and one is the worst,” suhestiyon nito.
“Hmm.. Let’s say seven.”
“Seven lang?” hindi kuntentong sambit nito. “Well, wala ka nga palang point of comparison dahil hindi ka pa nagkaka-boyfriend.” Pumalatak ito.
Inismiran niya si Mandy. “Wala ka rin namang boyfriend, ah.”
“Wala nga. Pero at least ako, nagkaroon na. Eh, ikaw, wala. As in zero, nada.”
Hamakin ba naman ang lovelife niya. She sighed. “Okay. Caring at protective siyang boyfriend. At medyo.. sweet din,” napipilitang sambit niya. Alam naman niyang hindi siya titigilan ni Mandy hangga’t hindi ito nakakarinig ng magandang sagot mula sa kanya.
Nakita niya ang eksaheradang pagsinghap ni Mandy pagkatapos ay impit na tumili ito. Para bang kilig na kilig ito sa narinig.
“Ano ba Mandy,” mahinang saway niya sa kaibigan. “Umayos ka naman kung ayaw mong mapagkamalang baliw.”
“Sorry,” nakangising sagot nito. “I just can’t help it. So talaga bang caring, protective at sweet na boyfriend si Jeremy?”
She rolled her eyes. “Kakasabi ko lang ‘di ba?”
“So, how does it feel?” Nanunukso ang mga matang nito.
“Ano’ng ‘how does it feel’?”
“Alam mo na iyon. Ano’ng feeling maging boyfriend si Jeremy Sandoval?”
Kumunot ang noo niya. “She’s my sister’s boyfriend. Not mine.”
“Pero nagpapanggap ka na si Hershey sa harap niya, right? Eh, ‘di para mo na rin siyang boyfriend,” paliwanag nito sa kanya. “Hindi mo masasabi na caring siyang boyfriend kung hindi mo iyon naramdaman ‘di ba?”
![](https://img.wattpad.com/cover/195608652-288-k360589.jpg)