Tadtad ng pulang marka ang aking katawan mula sa leeg hanggang sa aking puson, napapaiyak ako sa sobrang kirot at alam kong lagnat ang aabutin ko nito mamaya. Pagkatapos akong paliguan ni Nathan ay nahiga nalang ako dahil sa sinat. Wala akong ganang kumain pero alam kong hindi pwede sa kanya iyon . . Kaya bago pa sya pumasok at dalhan ako ng makakain ay nagtalukbong na ako ng kumot. Ilang buwan na naman kaya bago ako makakalabas sa silid na ito? Masyado pang sariwa ang imahe ng labas sa akin. Na miss ko agad ito ." Your breakfast is here. Tumayo kana ng makainom ka na ng gamot " ang walang hiya! parang hindi nya kasalanan ang nangyayari sa akin ngayon.
" Pwede bang mamaya na .naduduwal ako " nakatalukbong padin ako't ayaw ko syang harapin. Nasusuklam ako sa tuwing naaalala ko ang pinaggagagawa nya sakin kagabi .kahit pa magsisigaw na ako sa sakit ay balewala lang dito. . Alam kong kamatayan na lamang ang tanging paraan para makatakas ako sa impyernong buhay na ito . . Gusto ko nang mamatay! Gusto ko nang maging malaya sa lahat ng paghihirap na dulot nya sa akin.
" Don't test my patience Ramona . You know very well that I hate waiting . Kumain kana so that you can take your medecine. . Or else ako ang magpapakain sayo!"
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at hinarap na ang pagkain. Wala akong gana dahil bukod sa nasusura ako sa pagmumukha nya ay nabubwisit ako sa pagiging demanding nya! Pilit kong kinain ang handa nya at ininom na ang orange juice at pain reliever para mahiga na ulit.
" Nate pwede ko na bang makuha ang cellphone ko? Gusto ko sanang makausap si mama . Miss na miss ko na sila. . " Pagbabakasakali kong sabi kahit alam kong malabo pa sa tubig kanal ang pagbigyan nya ako.
" You know I wont do that . Why can't you just believe that they are okay?! I got them investigated. Your father is now fine . You don't need to think about them. O baka naman nagdadahilan kalang? Baka naman gusto mo lang talaga makibalita sa hayop na Hector na yon? Bakit ba hindi ko nalang sya ipapatay para manahimik ka na din. . " Napailing ako ng sunod sunod. Alam kong kaya nya yung gawin. Alam ko dahil minsan ko ng nasaksihan iyon . Binaril nya si Hector sa mismong harapan ko at sa sobrang takot ko ay hinimatay ako nung mga oras na yun . Buong akala ko talaga ay patay na siya pero pagdaan ng ilang buwan ay ibinalita sa akin ni tiya Rosing na nakaligtas si Hector at nagpapagaling sa America. Laking pasasalamat ko at buhay sya hindi dahil sa may relasyon kami, kundi dahil matalik ko syang kaibigan na hindi maintindihan ni Nathan .bawat galaw namin ni Hector ay nilalagyan nya ng maruming kahulugan. At sa isang gabing iyon akala nya ay napatuyan nya na totoo ang lahat. May nagframe up sa amin ni Hector nagising na lamang kami ng parehong walang saplot sa ilalim ng kumot . Nabaril nya nga si Hector. At paggising ko ay nasa banyo na ako at kasalukuyang inuuntog nya ang ulo sa pader!Halos di na ako magmukhang tao sa bugbog akala ko nga ay mamatay na ako , muli ay nawalan ako ng malay tao. Buong akala ko ay katapusan ko na talaga ngunit nagising akong muli na nasa isang hospital. Magdadalawang linggo na daw akong naka confined sabi ni tiya Rosing, tanging sya lang at si Nathan ang laging nagbabantay sa akin ngunit ni anino ng mga taong mahal ako ay di ko nakita kahit ang mga parents ko . Bawal ko silang makita o kausapin dahil ayaw nya,ni kahit nga banggitin sila ay mahigpit nyang ipagbabawal ,at sa pag uwi namin galing sa hospital ay wala na akong naging balita sa kanilang lahat dahil sa pagkulong sa akin ni Nathan .
Hanggang sa dumating na nga ang mga sandali na pinagbantaan nya ako na kung gusto kong makitang buhay ang mga magulang ko ay kailangan kong maging mabait at masunurin sa lahat ng gusto nya, at pag sinabi nyang sa silid lamang ako ay wala akong ibang pagpipilian kundi sundin sya.
" So now your'e not answering . You must be reminiscing about your past with that bastard! Wag ko lang syang makikita ulit dahil kung hindi ko sya natuluyan noong araw sisiguraduhin kong sa susunod ay may paglalagyan na sya akin. " he said looking at me dangerously. Napabalik ako sa kasalukuyan. Di na lamang umimik, wala talaga akong magawa para ipaintindi sa kanya na mali ang hinala nya at na frame up lang kami dahil tuwing mag eexplain ako ay mas lalo syang magagalit at ayaw ko ng matikman muli ang kanyang kamay na bakal . He can do whatever he wants with me, even killing me.