You and Me

162 0 0
                                    


Walang mapagsidlan ang aking kaba habang pinagmamasdan ko ang kwartong kailan man ay hindi ko napagtagumpayang takasan, nakakadenang mga paa at ang nagpupuyos na galit ni Nathaniel. Nagising ako kanina sa tunog at ingay ng mga nababasag na bagay at mga sigaw nya, kahit lumuha pa ako ng balde baldeng luha ay hindi pa rin maiaalis ang katotohanang hindi ko na naman sya natakasan, talagang kahit kailan ay hindi ako nadala sa kasusubok at sa huli ay masasaktan lamang. sinundan ko ng tingin ang bawat bagay na mapulot nya at winawasak, wala syang tigil sa pagwawala hanggang sa ang kamang kinalalagyan ko na lang ang natira! . Ng mapansin nyang gising na ako ay sa akin nya ibinaling ang nakakatakot nyang tingin. Kahit nakakadena ay sumiksik pa din ako sa headboard ng kama, Dyos ko!Wag naman sana! para bang maiihi ako sa sobrang takot ng lumapit sya! Ang mga tingin na ipunukol nya sa akin ay hindi ko kayang sabayan kaya napapikit ako at napahagulgol habang umiiling, hinanda ko na ang katawan sa nagbabadyang galit ni Nathan.

"You b*tch! Akala mo ganon lang kadaling takasan ako! You under estimated me Ramona! " Hinaklit nya ang buhok ko at saka ako pinagsasampal na syang kusang nagpatigil sa mga paghikbi ko! Masakit dahil pakiramdam ko ay namamaga na ang aking mukha at natatanggal na din lahat ng mga buhok ko mula sa aking anit!

" Tama na Nathan ! Masakit! Tama na please ayoko na! " Humihiyaw ako sa sakit dulot ng pagkakasabunot nya sa akin, ngunit mistulang bingi ay pinagsasasampal nya lamang ako ulit! At hindi pa sya nakontento pinagpupunit nya din lahat ng aking saplot sa katawan . Kahit ang mga kakarampot na tela ay hindi nya din pinalagpas!

" Kahit anong gawin mo o kahit sino pa ang tumulong sayo ay hinding-hindi mo ako matatakasan! Akin ka lang! Walang ibang makikinabang sayo! Dahil mapapatay ko silang lahat bago ka pa man nila makuha sa akin!! Akin ka lang ! Do you understand??!! Fucking answer me!! Halos pumutok na mga ang ugat nya sa leeg sa sobrang lakas ng mga sigaw nya. Kaya  ako ay napatango ng sunod sunod sabay ang sobrang panginginig! Nangyari na ito dati, halos ikamatay ko ang pagbugbog nya sa akin kaya ayoko ng danasain iyon muli . . Bakit ba kasi ako tumakas pa, e alam ko namang gantong ganto ang mangyayari!

" See this??! " Nanlaki ang mata ko sa nakita! My parents! My parents ! Nasa video sila sa cellphone ni Nathan! Parehong nakatali!  Si mama umiiyak habang si papa naman at walang malay! Sunod sunod akong napailing at mga panibagong luha na naman ang bumuhos.

" Wag sila Nathan! Wag mo silang saktan please!! Kakaopera palang kay papa! Maawa ka! Patawarin mo ako sa tangka kong pagtakas! I should have known better that to fight against you! Pleassse! Hindi ko na uulitin, pleasse ,please!! " hindi ko na malaman ang gagawin kaya tatatayo sana ako upang hawakan sya at lumuhod sa paanan nya pero dahil sa nakatali ang aking mga paa ay napabagsak ako ulit sa kama.

" From now on ay ikukulong ko na din sila at lalong papahirapan para wala ka ng maging rason para takasan ako! Or maybe I should kill them so that there will be nothing or no one left for you but me! Sisiguraduhin kong ako nalang mayroon ka! " nataranta ako sa banta nya, knowing him, alam kong hindi sya nagbibiro!

" No!!! Please No!! I promise to forget about them from now on, just please let them leave and live! Kahit kailan ay hindi ko na sila iisipin just let them be free from all of this! Ako na lang Nate! Wag sila! " hindi ko na halos masabi ng tama ang mga salita dahil sa sobrang hagulgol ko , hindi pwedeng mawala ang mga magulang ko sa akin , Hindi!! . .

Halos gumapang ako para abutin sya at magmakaawa.

" Now lets make a deal . Kamatayan nila at papalayain kita o  buhay mo dito sa akin?. . " Mahinahon pero may diin nyang tanong sa akin.

" Hayaan mo silang mabuhay ng malaya Nate , at wala ka ng maririnig mula sa akin tungkol sa kanila. . Kakalimutan ko na sila . . Ikaw. . . Ikaw nlang ang iisipin ko . .ikaw nalang ang mayroon ako Nate, Parang awa mo na . . " todo iling na sabi ko . . Tototohanin ko iyon. Hindi ko na babanggitin sila mama at papa kay Nathan para lang maging ligtas sila. .

Under His MercyWhere stories live. Discover now