Square one

142 0 0
                                    

It has been five months since I've decided to forget about my parents just so Nathan will be convince to spare them and let them live peacefully. Kahit wala akong balita tungkol sa kanila alam kong tutuparin  nya ang mga sinabi nyang mananatili silang ligtas at hindi na kailanman guguluhin. Alam kong gustong gusto rin nila akong makita pero tulad ko wala silang magagawa laban kay Nathan! He can always do everything he wants. He can always turn every table, every high to low, every cold to hot , every white to black and every impossible to possible!, Wala syang hindi kayang gawin dahil kahit batas kaya nyang bilhin. I can see nothing left way out for me, balik ulit ako sa kwarto, balik ulit sa dati na tatlong beses lamang nakikita sa isang araw ang liwanag na galing sa labas. Buti nalang at may desk calendar na natira dito sa loob ng kwarto kaya kahit papano ay alam ko kung anong petsa na't ilang araw na akong nakakulong! And Nathan? All he does is come and go pero ganun pa din . Tabi pa din kami sa pagtulog wala pa ding pagbabago, ginagawa pa din namin ang normal na ginagawa ng mga tulad naming mag asawa. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay laging mainitin ang ulo nya at laging late kung umuwi . Nagpapasalamat naman ako dahil kahit papaano ay may mga gabing nakakapagpahinga ako sa kadahilanang di nya ako ginagalaw. Natutulog ako at nagigising na walang Nathan na katabi at imbes na malungkot o magtampo ay para bang mas nagugustuhan ko ang ganon, mas masaya at payapa ako pag wala sya. At pag nandyan naman sya ay lagi akong naiilang sa mga paminsang minsang nagbabanta nyang tingin na para bang mayroon akong kasalan sa kanya, and everytime he'll make love to me he would always have this certain gesture and words that will never put me to sleep . Para bang nagbabadya ng bagong problema o panganib .

Umaga na pero wala si Nathan, hindi ata umuwi kagabi. Ewan ko ba hindi ko makapa sa puso ko ang pagaalala para sa kanya. Para bang wala lang sa kin, para bang mas gusto ko ang ganito, yung tipong mahihiling kong wag na syang umuwi kahit kailan.

Dahil sa walang magawa ay nagpasya akong maligo na lamang upang malinis na at presko sa aking almusal. Tinungo ko ang banyo at pinuno ng scented bath soap ang bathtub at tuluyan na ngang nagbabad. Maaga pa naman kaya tyak kong natutulog pa si Nathan sa kung saan. After 30 minutes ay tumayo na ako at pinagpatuloy na ang pagligo sa shower. Saktong paglabas ko ng closet ng bumukas din ang pinto ng kwarto at niluwa nun ay ang walang iba kundi ang taong ayaw ko sanang makita ngunit alam kong malaking imposible. Inayos nya ang aking pagkain sa mesa ng walang imik halatang malalim ang iniisip kaya hindi ko na lang din pinansin.
Dumiretso na ako sa mesa at tahimik na sinimulang kainin ang pagkaing dinala nya, wala akong kibo dahil ayaw ko din naman syang kausap . My breakfast went smoothly maybe because we're not having any interaction, he had stucked on to his first move on not making any conversation with me and God knows I like it better.

" Uh- I'm done. "

Natapos na ako sa pagkain at lahat pero hindi pa din sya gumagalaw kaya wala akong choice kundi ang magsalita na!

He looked at me intently as if he's in to something. . Not a long while he stood up then fixed everything on the table, he went out then came in again. Dumiretso sya sa banyo at hindi nagtagal ay narinig ko na ang lagaslas ng tubig marahil ay naliligo na sya.

Tumayo ako at kinuha ang mga natitirang libro na hindi ko pa nababasa. Dahil malapit lang ang bookshelve sa pinto ay hindi ko malaman kung bakit sinubukan kong pihitin ang doorknob na para bang alam kong hindi ito nakalock! To my surprise hindi nga!
Siguro ay nakalimutan nya itong ilock. . I was tempted to go out and run as fast as I can because anyway hindi na nakakabit sa akin ang metal choker and there's a possibility na hindi nya ako mahahabol. But who am I fooling with? I am talking about Nathan here, and as I have said wala syang hindi kayang gawin, plus my parents! Nasa kanya ang mga magulang ko! Dun palang talo na ako! So I decided to just close the door and go back to the bed again.

Nakakapanghinayang! Pagkakataon ko na sana. Napag-isip isip kong wala din naman akong kawala kay Nathan
Kahit siguro sa mga oras na ito kung sakali mang nakalayo na ako ay maibabalik at maibabalik nya pa din ako sa kwartong ito! At ang masama pa nyan ay baka mas makasama pa sa mga mgulang ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko . .  Mas tumindi ang pangungulila ko kina mama, hindi ko namalayang tumutulo na mga luha sa aking mga mata. . Mas pinalungkot lamang ako ng pangyayari kanina! Gustong gusto ko na talaga silang makasama.

Under His MercyWhere stories live. Discover now