Panget 8: Anong nangyari?!

77 2 0
                                    

Addison's pov

Paggising ko.Parang pinagpyestahan ng sangkaterbang ipis ang mata ko.Namamaga.Ang hapdi pa. Gano ba ko katagal umiyak?

Ang sakit talaga.Pano nalang pag nakita ni mama to.Ano nalang sasabihin ko?

Naligo muna ako at nagbabasakaling mawala ang pamamaga ng mata ko.Ano ba naman to? Kahit anong pilit ko ayaw mawala.Bayaan na nga. Mawawala rin to maya-maya.

Pagbaba ko. >_-Right-_<left

No signs of my mother.Yeah.Saya naman maaga siyang umalis ngayon.Buti nalang may nakahain nang pagkain.Di talaga ako maalam magluto noh.Kahit prito.

May nakita akong note sa Ref.Aba lumelevel up na si mama.May panote note pang nalalaman.Hahahahaha.

-Anak kailangan kong pumasok ng trabaho ng maaga.Namomroblema daw ang papa mo.Ewan ko ba dun.


Ps:Nasa ibabaw ng ref ang baon mo at ubusin mo ang inihanda kong pagkain para sayo.

Ayos! Hindi nalang ako papasok ngayon.Ayoko pa makita pagmumukha nung lalaking yun noh.Inubos ko na anh pagkain na niluto ni mama at nanuod ulit ng TV.Hindi ko pala napagpatuloy yung panonood ko kahapon.Sayang. -_-


Kring.kring.

Ha? Sino naman ang tatawag sakin?

kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang caller.

_

-Bry.

Ano nanaman kaya ang kailangan nito?

'Hello'

'Hey Addison can you help me? Please! I don't know what happen but I just saw Kay lying on the floor.Please.I'm here at ******** Hospital.'

'W-hat.Si Ka-yden.Anong nangyari?!Baka nakainom lang.Sige sige pupunta na ko dyan.'

Lord sana walang nangyaring masama kay Kayden.Mapapatay ko sarili ko.Halos matumba tumba na ko sa pagmamadali at kung anong mapulot na damit ang sinuot ko.

Tumakbo na ko palabas at pumara ng taxi.

Please! Sana ayos lang sya.Hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama sa kanya.


'Miss san tayo?.'

'Sa ******** Hospital po kuya.'

Kinagat ko na ang daliri ko para mabawasan ang kaba ko.Nanginginig na pati paa ko.




Maya-maya nakarating na kami sa Hospital na sinabi ni Bry kinapa ko ang bulsa ko at... Wala

Kinapa ko ulit.wala talaga.

'Miss bababa ka ba?.'

Sa ibabaw ng ref!! sa pagmamadali ko nalimutan kong nasa ibabaw pala ng ref ung pera ko.Waaah.

Dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko sa may bukasan at---

'Kuya utang na loob ko po sa inyo ang buhay ko.Bayaan nyo po pag nagkita ulit tayo babayaran na talaga kita.Keep the change pa Salamat po. I love you Kuya.'

'Hoy magbayad ka!'

Tumakbo ako ng pagkabilis bilis.

Sorry talaga Kuya driver naiwan ko pera ko eh.

'Miss miss san po yung room ni Mr.Rivera?'

Tanong ko dun sa nurse at dali- dali naman nyang hinanap ito.

'Ah kaano-ano po kayo ni Mr.Rivera?'

Ano ba to kailangan pa talagang tanungin?.

'Asawa nya ko bilis ano bang room number.'

Nakita kong biglang kumunot ang noo ni Ms.Nurse.Pero bigla itong nawala at sinabi na niyo ang room no. ni Kayden.


452

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 4.

bilis.bilis.

•TING

Lumabas na ko at unang una kong nakita ang 452.

Hindi na ko nag-abalang kumatok at napapikit sa sobrang paghingal.

Pagbukas ng mata ko.Nak ng putcha.Maling room no.

Eh ang tanda tanda na nito eh.

'Ah sorry po wrong room no. Hihi.  ^.^V

Lumabas na ko dun at namamatay na ko sa kahihiyan.Una yung sa taxi tapos ito.Waaaah.Wala akong balat sa pwet noh.Bakit minamalas ako ngayon?

'Addison!' waaah buti nalang dito rin  yung room ni Kayden.

'Nasan.nasan na si Kay?'Tinuro nya ang katabi ng room na pinasukan ko kanina.Badtrip!Lagot sakin mamaya yung nurse na yun.Sinabi ko pa namang asawa ko si Mr.river.Kaya pala nakakunot ang noo.Bwisit.


Pumasok na ko sa sinabing room ni Bry.Nakita kong parang umiyak ang isang yon.Pula ang gilid ng mata eh.Ahahahaha.Lalaki umiiyak.

Haaay.No time for joking.

Pagpasok ko?

Si Kayden!Namumutla.Waaah patay na sya!! No!!!

'Waaah Kayden bakit mo ko iniwan!Joke lang na hindi na kita mahal.Please gumising ka na.Waaahhhh!!'

Inalog alog ko ang braso nya at ayaw tumalab.Ayaw pa rin niyang magising.

'Ano ba naman yan ang ingay.Tumahimik ka nga.Kitang natutulog yung tao eh.Lumabas ka na rin ayokong makakita ng panget ngayon.Tsk.'

'Waaah!! Buhay ka! Kayden buhay ka.Kala ko iniwan mo na ko.Magpapakasal pa tayo eh.'

'Asa'

bigla nyang tinapik ang kamay kong nakahawak sa braso nya.

'Hoy ikaw na nga tong dinalaw ikaw pa tong may ganag magalit.'

'Sinabe ko bang dalawin mo ko?'

'Hi-nde.Masama bang mag-alala sa taong mahal mo? Ha?'

Bigla siyang natahimik at humiga na ulit patalikod sakin.

May nasabi ba kong masama?Wala naman ah.

BWISIT kung di ko lang mahal to sinapak ko na to.Kainis.

Ang Panget MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon