Addison's POV
Buong araw na binantayan ko si Kayden pero ayaw nya paring sabihin kung bakit siya biglang hinimatay.Ayaw nya kong imikin kaya tumahimik na lang ako at nanuod nalang ng TV.Na naman.Panonood nalang yata ng TV ang entertainment ko ngayong linggo.Wala namang magandang palabas kaya kinalikot ko na lang ang CP ko.Buti pa to nadala ko.Nakokonsensiya tuloy ako ngayon.Baka kailangan ni Kuya driver yung ipambabayad ko.Para sa pangkain ng mga anak nya o kaya naman pang isang linggong gastos nya na yun.Waaah.Anong gagawin ko?Hindi ko naman sinasadya na maiwanan yung pera ko.
'Hindi ka pa ba uuwi?Ha?' aba buhay papala ang isang to.
'Bakit ayaw mo na bang makita pagmumukha ko?'
'OO!Hindi mo naman kailangan na buong magdamag na magbantay sakin.Malaki na ko Addison.Hindi ako bata na iiyak pag iniwan ng nanay nya.Kaya please gusto ko ng mapag-isa.Kahit ngayon lang.'
'Sige aalis ako in one condition'
Ito na ang pagkakataon para malaman ko ang sakit nya. Haha.Talino ko talaga.
'Ano yon?'
Mahina nyang sabi.Halatang napipilitan lang.
'Ano ba talagang sakit mo?Last na talaga to.Promise.Uuwi na ko pag sinabi mo'
'Wa-la toh.Sabi ng doctor s-tress lang daw to.'
What! Stress lang.GRABE.GRABE TALAGA.Halos mamatay-matay ako kakatakbo para makapunta dito ng mabilis tapos STRESS!! Are you kidding me?!
Kakastress.Ako yata ang sobra maiistress sa nangyari ngayong kamalasan sakin.
'Stress!! Stress talaga?Alam mo bang halos lamunin na ko ng mga nakakahiyang nangyari ngayon?! '
'Wala along pakialam.Hindi ko naman sinabing pumunta ka dito ah.Kaya sarili mo dapat sisihin mo! '
What again!Ako na nga tong concern ako pa tong naagrabyado?! Pwede naman nyang paalisin nalang ako ng maayos.Hindi ko na kailangan ng masasakit na salita na binabato nya sakin.Sanay na ko eh.Hindi ko lang talaga matanggap na ito ang isinukli nya sa kabila ng pagpupursigi kong alagaan sya.Tiniis ko lahat.
'Hahaha oo nga no.Wala ka naman talagang pakialam eh.Bakit ba kasi nagpapakatanga ako sa isang katulad mo?Eh ikaw na nga tong nagsabi na wala tong patutunguhan.Ang bobo ko no?Pero ganoon talaga eh.Mahal kasi kita.Sana man lang kahit kakapiranggot dyan sa puso mo may concern ka rin sakin.Pero wala eh.Ni di mo man lang tinanong kung kumain na ba ako.Kung a--yos lang ba ako.Wala kahit isa.Si-ge para maging masaya ka na.Aalis na ko.Aalis na ko pati sa buhay mo.'
Tatalikod na sana ako ng may sinabi pa sya na tuluyang nagdurog sa puso ko.
'Mabuti pa nga.Para wala ng gumugulo sa normal kong buhay.Ikaw lang naman tong ipinipilit ang sarili sakin eh.Pero sorry ah.Hindi kasi kita mahal.'
Lalong sumikip ang dibdib ko.Nanghihina pati mga binti ko.
Binuksan ko na ang pinto at hindi na inintay na may sabihin pa sya.Ito na yata ang pinakamasakit na salitang sinabe nya sakin.
Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko.Pati mga taong nakasabay ko sa elevator napatingin sakin.Binalewala ko na lang sila at nagdarasal na sana panaginip lang ang lahat ng to.
Pagkapunta sa ground floor tumakbo na ko ng mabilis.Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko.
Naramdaman kong may tumutulo.Wow how nice.Nakisabay pa talaga ang panahon sakin.Lalong lumakas ang ulan.
Kala ko sa pelikula lang nangyayari to.Umuulan habang umiiyak ang bida. Hindi naman ako ang bida.
Napaupo na lang ako sa sobrang panghihina.
Kailan ba ko matatauhan?Alam ko namang di niya ko mahal pero umasa ako eh.Umasa ako na susuklian rin nya ang ibinibigay kong pagmamahal sa kanya. :'(
Madaling umasa pero mahirap namang magkatotoo ang inaasa. Kung sa simula palang ay talo ka na.
****
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi pero paggising ko nandito na ko sa kwarto ko.Nakapantulog na rin.
Ay ewan.Hindi ko na problema yun.Ang mahalaga safe ako.
A.....achoo.
Kinuha ko ang tissue sa bedside table at pinunasn ang ilong kong may sipon.Tss.Nagkasakit pa ko.Kailangan ko ng pumasok.Next week na ang finals.Papagalitan ako ni mama kapag bagsak ang lahat ng subject ko.
Pinilit kong makatayo pero sobrang bigat ng katawan ko.
A....a.choo.
Siguro bukas nalang ako papasok.-.-
BINABASA MO ANG
Ang Panget Mo
NouvellesCan you love someone who doesn't love you back? Someone that doesn't have at least care for you in the first place? But you always do what your heart says. Being a martyr and crazily in love with him But that's LOVE right? LOVE really is blind. ***