Panget 7: Bakit ganon sya?

112 3 1
                                    

Addison's POV

Sabado na.Ang bilis ng araw.Parang kahapon Lang inlove na inlove ako sa Kay na yun.

Hanggang ngayon pa rin pala.Hindi ko talaga alam kung bakit nya tinanggi na di nya ko kilala.Pwede naman nyang sabihin na 'oo'.Hindi naman big deal yun ah.Kala tuloy ni Bry na di kami magkakilala.Kainis.

Badtrip ~_~. Nakahilata pa rin ako sa kama ko. Tinatamad ako.Hindi ko rin alam kung bakit patuloy ko paring iniiyakan yung walang kwentang lalaking yun.Wala naman siyang kasalanan ah.Ako lang tong masyadong pinipilit ang sarili sa kanya.Hindi naman nya kasalanan na nainlove ako sa kanya.Ano nga bang mapapala ko eh wala naman siyang nararamdaman sakin?Wala.Nasasaktan lang ako sa bawat araw na nirereject nya ko.


Pinunasan ko ang luha na kanina pa tumutulo.Kahit anong pilit ko na mag move on.Wala rin.Sa kanya pa rin talaga ako babagsak.First love eh.

First love never dies.

Bumaba na ko at nakita ko na may kinakausap si mama.Sino naman ang bibisita ng ganito kaaga?Hindi ko makita dahil nakatalikod.Oh well none of my business.Pumunta ako ng kusina para tignan kung anong makakain.Hmm.

Egg.Ham.Hotdog.Cheese.Matagal magprito kaya kinuha ko na lang yung cheese at kumuha ng toasted bread.Nagugutom na talaga ako.

'Ah ganon ba pagpasensiyahn nyo na lang ang anak ko.Talagang matigas ang ulo ng batang yun.Pasensya na talaga.'

Ano naman ang ginawa ko?

Nakita kong umalis na yung bisita pero si mama nakakatakot ang mukha.Waah. parang mangangain ng tao.

"Hoy addison ano naman bang nangyayari sayo.Bumisita pa talaga si Mrs.Cole para sabihin na lagi ka daw tulala sa klase.Bumababa na rin daw ang mga grades mo!'

Eh?Talaga?How nice. Talagang sinumbong pa ko sa nanay ko.Talaga yung matandang hukluban na yun.Tsk tsk.


Ano namang ipapalusot ko this time?

Bahala na si batman. :-/

'A..e.kasi po di ako makahabol sa lesson namin.Ang hirap po kaya.Oo tama sobaraaaaa pong hirap. Tas sumabay pa yung finals edi dobleng aral. Kaya ma wag na kayong mag-alala kayang kaya ko yon.Ako pa.Nagmana yata ako sa inyo matalino na maganda pa.hihi.' sana naman tumalab toh. =D.todo todo ngiti na ko.Nangingiwi na nga ang panga ko eh.

'Hay naku ikaw na bata ka masyado mong binibilog ang ulo ko.Pag nalaman kong nagpapabaya ka na naman sa pah-aaral mo naku di ko na alam ang gagawin sayo.Huling pagkakataon mo na to.'

Yay!sa sobrang tuwa ko niyakap ko si mama ng sobrang higpit.Kaya mahal na mahal ko to eh.

'Promise ma.Itaga mo pa sa bato.Mag-aaral na ko ng mabuti'

'Tama na.tama na.at di na ko makahinga.Mamimili lang ako at pag umalis ka siguraduhin mong sarado ang pinto.Marami nang pagala-galang magnanakaw ngayon.Oh siya siya alis na ko.'


'Bye ma!'

Ang galing ko talaga pagdating sa pagsisinungaling.Haha.Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko at tinignan ang cellphone ko.Wala naman talaga akong gagawin dito sa Cp ko pero nagbabasakali na may nagtext kahit GM man lang.


Aba himala! 13 messages. Kailan ko ba huling nabuksan to.Ito na yata ang pinakamaraming natanggap kong messages ah.Tinignan ko isa-isa at puro gm nga lang pero may isang text na galing kay

from:0907*******

Addison are you free today?I just want to invite you for a double date.

Ang Panget MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon