Addison's POV
Nang makauwi na ko galing sa mall. Nagdadalawang-isip ako kung babasahin ko ba yung letter o hindi. Nabasa ko na naman yung isang papel kaya okay na yun.
Kaya lang...sabi ni Kayden pagkatapos ko raw basahin tsaka ko daw siya tawagan. Bat ko naman siya tatawagan diba?
"Mommy!" binitawan ko yung calling card na binigay ni Kayden para salubungin ng yakap si Ally.
Sobrang cute talaga na batang 'to. At kung nagtataka kayo kung bakit 'Mommy' kuno ang tawag niya sakin 'yun ay dahil wala siyang Mommy na nakagisnan. Namatay ang totoo niyang Mommy nung pinapanganak palang siya kaya ako na ang nagpresenta na maging Mommy niya. Bait ko diba?
Atsaka dahil matalik na kaibigan ko ang Daddy niyang si Luke. Si Luke na tumulong sakin na maging independent at wag magpapakatanga sa pag-ibig.
Pero walang namagitan samin. Ayokong pumatol sa may anak no! Hahaha char lang naman. Mabuting tao si Luke kaya panigurado akong may magmamahal pa sa kanya.
"Oy Addy bat may calling card dito?" Biglang tanong ni Luke habang titig na titig sa hawak niyang card.
"Ah..ka-si ano..ahm"
Hindi ko masabi na bigay ni Kayden yung card dahil sesermonan na naman ako nyan."Ano? Di ka makapagsalita galing kay ugok to no?"
Oh noes. Ugok kasi ang tawag niya kay Kayden. Ewan ko ba kung bakit.
Napatango nalang ako bilang sagot.
"Sinasabi ko na e. Nakikipagrelasyon ka sa kanya habang wala ako?! Anong klase kang asawa?! Aww" yan nadali mo. Binato ko kasi siya ng hawak kong pencil case. Hahaha buti nga sa kanya.
"Ang sama mo talaga kahit kailan. Oh ano daw sabi sayo?"
Pagdating talaga kay Kayden napakaseryoso niya. Tss.
"Wala. May gusto lang sabihin"
Sabi ko habang pinapalitan ng damit si Ally.
" Talaga lang ha? Pag nalaman ko lang na nakikipagbalikan ka sa kanya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin sayo"
Haay napakabait talaga sakin ni Luke. Pero ewan ko ba kung bakit di ako nainlove sa kanya. Gwapo naman siya, mabait at maalaga. Oh diba? San ka pa?
" Mommy si Daddy kanina may kausap na ibang girl. Tapos yung girl hinahawakan si Daddy dito sa tiyan parang ganto oh" ginawa niya sakin ang sinabing paghahawak ng babae sa tiyan ni Luke at di ko talaga mapigilang tumawa.
"Hahaha bayaan mo yang Daddy mo. Di niya na kasi tayo love kaya humahanap na ng ibang girl." Sabi ko habang nakatingin kay Luke. Inirapan ba naman ako ng loko.
"Daddy is it true? You don't love mommy anymore?" Napatawa ako ng malungkot yung boses ni Ally habang sinasabi yon.
Binuhat naman ni Luke si Ally at may binulong sa bata.
Hay ang kyut talaga nila.
Umakyat ako sa taas para ilagay ang gamit ni Ally ng makita ko yung letter na nakapatong sa may cabinet.
Binuksan ko Ito at binasa.
~To tell you the truth, I have a brain tumor. And it is worsening day by day. Addison ayaw ko na paggising ko isang araw hindi kita makikilala.~
Biglang nanikip ang dibdib ko. Totoo ba 'to? Kaya ba lagi niya kong pinapalayo sa kanya dahil ayaw niyang mas lalo akong masaktan?
~Hindi ko kakayanin na magdusa ka, all I want is the best for you. Mahal na mahal kita Addison. At yung mga panahon na nilalayuan kita, sinasaktan, at hindi pinapansin yun ay dahil ayokong masaktan ka. Lumalayo ako para hindi na mas lalong lumalim ang nararamdaman mo sakin. Kaya lang parang walang talab sayo lahat ng yon. Dahil ayan ka parin, patuloy na inaalagaan ako kahit na nasasaktan ka na. At sana mapatawad mo ko sa lahat ng ginawa ko. I really love you Addison. I really do.~
BINABASA MO ANG
Ang Panget Mo
ContoCan you love someone who doesn't love you back? Someone that doesn't have at least care for you in the first place? But you always do what your heart says. Being a martyr and crazily in love with him But that's LOVE right? LOVE really is blind. ***