Kayden's POV
'Bray please just....just do it for me.'
'Haaay okay fine.Bye'
HAAAAY Salamat naman at napilit ko si Bray na sundan si Addison.Hindi ko alam ang mangyayari sakin kapag may nangyaring masama sa kanya.Kahit masakit tinanggap ko lahat ng hinanakit nya tungkol sakin anong magagawa ko ?Sabihan nyo na kong masama dahil ilang beses ko na siyang napaiyak.Hindi nyo lang alam na doble-doble ang sakit.Mas lalo lang akong nahihirapan sa ginagawa nya.Kahit ilang beses ko na siyang nireject.Ito pa rin siya.Inalagaan pa rin ako.
Pero kailangan kong gawin to.Para naman sa kanya lahat ng ginagawa ko eh.
Mas lalo lang siyang masasaktan kapag nalaman nya ang tunay kong sakit.Bakit kasi tinawagan pa siya ni Bray.Kayang-kaya nya naman akong dalin dito.Mas maganda na rin to.Siguro naman lalayuan nya na ko sa mga pinagsasabi ko sakanya na puro kasinungalingan.Kahit ayaw ko na iwan nya ko.Mas makakabuti na to.Ayokong masaktan ko sya dahil sa pesteng sakit na meron ako.Sana pala nalaman ko na to ng mas maaga para hindi ko na nakilala si Addison at nainlove sa kanya.Lumala tuloy ang sitwasyon ko.Kainis.Halos linggo-linggo yata ako naoospital.This past few weeks mas tumindi pa ang sakit.
Bakit di nalang ako mamatay?Wala na rin naman akong dahilan para mabuhay pa.Wala na si Addison.Kung alam lang nya.Mahal na mahal ko sya.Higit pa sa pagmamahal na ibinibigay nya sakin.Bakit Addison?Bakit mo to ginagawa?Nasasaktan kalang.Hindi mo dapat ipinagpipilitan ang sarili mo sakin.Dahil kahit kailan hindi pwedeng maging tayo.Dahil sooner or later mawawala na rin naman ako.Ayokong makita kang umiyak.
May dumating na nurse at ibinigay lang yung mga gamot na iinumin ko.TSS.Kahit na inumin ko to wala namang nagyayari .Hindi naman gumagaling tong walangyang sakit ko.Ayoko na. Hindi ko na talaga kaya.
Kung kailan ako nagmahal eh siya namang sumabay tong sakit ko.
Nung umalis na yung nurse humiga na ko at binalik-balikan yung araw na nagkita kami.
/Flashback/
Practice na ng basketball.Nalalapit na ang laban namin sa 'Ruby HS'Ang sabi sabi daw eh hindi basta-basta ang school na yun kaya halos inaraw-araw namin ang pagpapractice.
Sumabay na rin ang cheerleaders samin.Siguro para makasilay sa mga crush nila
at isa nako dun.Haha.Joke lang.
Ng may isang babaeng nahagip ang mata ko . O_o
Grabe ang ganda.
tugtug.tugtug.
Puno na ng pawis ang mukha nya.At nakadagdag ito para mas lalo syang gumanda.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.Kailangan kong malaman ang pangalan nya
Napaiwas ako ng tingin ng makitang titingin sya sa direksyon ko.
Grabe ako na torpe.Ako na talaga.
***
At yun simula non.Lagi ko na siyang iniistalk.
Ng mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.Saka ko lang nalaman na may 'brain tumor' ako kaya simula rin ng araw na yun.Tinigilan ko na ang pag-iistalk sa kanya.Pati narin ang nararamdam ko.Kahit mahirap sinubukan kong mag move on.Pero wala rin.
Hindi pwdeng maging kami dahil....
Ayokong gumising isang araw na hindi ko siya maaalala.Kaya pinili ko nalang na kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya.Pero nahihirapan ako lalo na't napag-alaman kong stalker ko daw siya.Yun ang sabi ni Caleb sakin.
Matagal bago ako makapagdesisyon kung susundin ko ba ang puso ko.O hayaan siyang magmahal ng iba.Yung talagang makakasama nya ng matagal.
At alam nyo na ang naging desisyon ko.Yun ay ang palayain siya.Mas lalo lang siyang masasaktan kung patuloy niyang ipagpipilitan ang sarili niya.
Yung nangyari sa Mall.Alam kong pareho kaming nasaktan sa mga sinabi ko.At yung sa restaurant naman.Ang totoo niyan kaibigan ko lang yung babaeng kasama ko.Si Monica.Maganda siya pero walang mas gaganda kay Addison.Nagalit talaga ako ng makitang ang ikli-ikli ng damit na suot niya.Alam kong umiyak siya nung time na yun pero dinahilan niyang napuwing lang daw siya.May napuwing bang pulang-pula ang mata?
Kung wala lang akong sakit siguro masaya na kami ngayon.Masayang ineenjoy ang bawat araw na magkasama kami.
At masayang iniisip ang kinabukasan namin. :'(
Naramdaman kong may tumulo sa pisngi ko.
Hahahaha napapaiyak na pala ako ng di ko namamalayan.
Kainis kasi eh.Kung sana...sana wala akong sakit.Siguro kami na ngayon.
Napakabata ko pa para magka brain tumor .
Namana ko siguro to kay Daddy.Kasi bata palang ako di ko na siya nakasama.Hindi naman sinabe ni Mommy ang dahilan.Natatakot siguro na mamana ko ang sakit ni Daddy.Pero eto na nga.
Nangyari na.Kahit na ibalik pa ang oras.Hindi mawawala ang sakit kong to.
Kaya ngayon palang iniiwasan ko na si Addison.Alam kong mukha akong sirang plaka.Ilang beses ko nang sinabe na dapat ko na siyang layuan pero hindi yun ganong kadali.Mas matindi pa yata to sa sakit ko.
Ayaw ko mang mawala si Addison sakin.Pano na?Ano nalang ang mangyayari kung magsasama kami?Iiwanan ko rin naman sya ah.
Ngayon palang kailangan ko nang tanggapin na mawawala na ko.Hindi na ko tatagal sa mundong to.
Pero ayaw ko namang mamatay ng hindi sinasabe ang nararamdaman ko kaya....
Kumuha ako ng piraso ng papel at nagsimulang isulat duon ang lahat lahat.Ang nararamdaman ko.Dahilan kung bakit ko sya nilalayuan.Basta lahat ng kailngan nyang malaman.
*********
Guyyssss! I hope you enjoy reading my story. Thank you!
Do vote and comment.:-D Para mainspired ako at ituloy ang 'epilogue' ng APM.HEHE.
Enjoy reading everyone!!
BINABASA MO ANG
Ang Panget Mo
Short StoryCan you love someone who doesn't love you back? Someone that doesn't have at least care for you in the first place? But you always do what your heart says. Being a martyr and crazily in love with him But that's LOVE right? LOVE really is blind. ***