Chapter 6

353 14 0
                                    

Archer

Ngayon alam ko na lahat. Kaya wala laman ang social media ni Daniel dahil binura niya lahat lahat kasama na ang mga picture nila ni Jean. Alam ko na mahal na mahal ni Jean si Daniel pero paano naman ang puso ko? Paano naman yong nararamdaman ko?

Masaya mag mahal kaya lang may humahad lang .

Hindi ko naman kasi alam na may Ex pa pala siya. Sana kong na laman ko lang nang maaga edi hindi ko na pinakinggan ang tibok ng puso ko.

Alam ko naman na mahal paren nila ang isa't isa. Almost four years silang naging magkasintahan. Wala akong laban dun. Pero ang sakit lang dahil hindi ko alam kong titigil ba ako or hindi. Si Daniel naman kasi hindi man lang ako sinabihan na may past love life pala siya. Sarap tuloy tumalon sa building.

Agad kong tinawagan si Mama. Siya lang kasi yong taong alam kong makakatulong sakin ngayon. Lalo na ang gulo gulo nang isip ko.

"Hello, anak na patawag ka gabi na. Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Ma kasi po masakit yong puso ko"

"Bakit may nagpaiyak ba sa'yo o nanloko sa'yo sabihin mo dahil papahigh job natin. Wala silang karapatan na saktan ang prinsesa ko"

"Hindi naman sa ganon ma, Ma ganito pa la sakit yong ma in-love ka no" wika ko habang dahan dahan tumutulo ang mga luha sa mga mata ko.

"Anak umiiyak ka ba?"

"Oo ma, kasi hindi ko na alam kong susundin ko pa ba ang puso ko o hahayaan na lang"

"Alam mo anak dalaga kana, hindi ko man alam kong sinong lalaki ang nagpapaiyak sa'yo ngayon pero alam  ko ang nararamdaman mong sakit"

"Ma bakit ganon, nag mahal lang naman ako. Pero bakit ako nasasaktan ng ganito. Bakit ba kasi tumibok pa ang puso ko sa maling tao"

"Alam mo anak. Hindi yan matatawag na love yong nararamdaman mo kong hindi ka na sasaktan. Anak part ng pagmamahal ang ma saktan kaya laban lang. Kong hindi man kayo sa isa't isa at least naging masaya ka sa kong ano ang meron kayong dalawa at isa pa kahit masaktan kaman at least may natotonan ka"

"Ikaw talaga kahit hindi mo alam ang buong story ng love life ko, pero kong makapag salita ka akala mo ikaw yong na saktan. I love you ma"

"Anak na pagdaan ko na yan. Kaya go lang. Hong hindi man kayo para sa isa't isa at least gumawa ka ng paraan para nakilala ka niya"

"Tama ka, thank you dahil kahit nasa Japan ka hindi mo paren ako pinapabayaan"

"Anak, kong may problema ka nan dito lang ako palagi. Just be open handa akong makinig sa lahat ng drama mo dahil anak kita"

"I love you. Thank you sa lahat. Good night ma"

"Good night anak, mag-ingat ka dyan palagi"

"Ikaw ren ma, pakisabi na lang kay papa na tumawag ako pero wag na wag mo sasabihin na umiyak ako. I love you more"

Pinatay ko na agad ang cellphone ko. My point naman si mama. Tama naman lahat ng sinabi niya. Kaya wala akong karapatan para tumigil.

Na kay Daniel na kong babalik ba siya kay Jean. Pero kong babalik nga siya okay lang dahil ang sabi ni Mama at least gumawa ako ng paraan para ma kilala niya ako.

---

Diretso lang ako habang tinatahak ang daan patungo sa classroom. Hindi ko na pinansin pa ang mga maiingay na mga pabebe girls na palaging humahabol kay Daniel. Pinag-uusapan paren nila ang pagdating ng Ex ni Daniel. Ganon na ba ka famous si Jean at halos lahat ng mga tao dito sa school ay kilala siya. Pero bahala na hindi paren niya ako ma pipigilan.

Saktong papasok na ako sa pintuan ng may biglang humarang dito. Pagtingin ko si Daniel pala ang na ka tayo.

"Bakit ngayon ka lang? Your late!"

"Wow! Ang lakas ng loob mong tanungin ako kong bakit ako late adviser ba kita" sagot ko na para bang wala akong paki sa kanya.

"Early in the morning ang sungit sungit mo, nagtatanong lang naman" wika niya at nag pa cute pa talaga siya. Nilampasan ko lang siya at agad na ako umopo.

Akala ko tatantanan na niya ako pero hindi pala. Sa pag-upo ko umopo ren siya sa tabi ko. Ano kaya ang na kain nito at ako ang napagtripan niya dapat ako ang unang gumagawa nang kalokohan para ma inis siya. Pero parang baliktad ang mundo ngayon. Bahala na sasakay na lang ako sa trip niya.

"Wait lang, why are you not wearing my necklaces? Saan na bakit hindi mo soot?"

Agad kong kinapa ang liig ko at ganon na lang nan laki ang mga mata ko dahil walang necklaces na naka sabit dito. Patay ako nito. Hindi ko pa naman alam kong na saan yun.

"Hey! Bakit hindi ka ma ka sagot?"

Patay anong sasabihin ko nito. Inisip ko muna kong tinanggal ko ba gabi ang kwentas bago ako ma tulog or nilagay ko ito sa box. Pero sa subrang pagiisip ko hindi ko na maalala . Na saan na kaya yun.

"Sorry Daniel pero hindi ko alam kong saan ko na talaga yun. Pero wag kang mag-alala hahanapin ko yun"

"I told that you to take care of it but you lost it! Tsk!" Wika nito at agad ng tumayo pero pinigilan ko siya.

"Daniel I'm sorry, hindi ko naman sa na wala na kalimotan ko lang kong saan ko siya na lagay"

"But make sure na hahanapin mo, You made a promise that you would take good care of it. Find it now!"

"Sorry na hahanapin ko na, galit kaba"

"I just hate broken promise" wika niya at agad na itong umalis sa harap ko.

Bakit ganon siya. Kainis bakit ba kasi na wala sakin yong kwentas nayun. Sana mahanap ko na bago pa tuloyan magalit sakin si Daniel.

I just hate broken promise. Baka yun yong rason kong bakit galit si Daniel kay Jean. Baka, Jean made a promise na hindi niya iiwan si Daniel pero hindi niya ito ng gawa kaya nag pasya na lang ito na kalimotan siya. Ano ba tong pumapasok sa isip ko. Mabuti pa isipin ko muna kong saan ko huling naramdaman na nasa liig ko pa siya.

Na tapus lang ang buong klasi hindi paren ako na ka pag focus dahil sa kwentas. Ayokong masira ang tiwala ni Daniel sakin. Hindi ako katulad ni Jean na basta basta na lang sumisira sa usapan. Tatayo na ako sana para puntahan si Daniel ng bigla na naman itong umalis ng walang paalam. Ganon ba talaga siya kapag nagagalit. Sana mahanap ko na ang kwentas na binigay niya.

"Archer may problema ba?"

"Alam mo Kristine para kang kabuti sulpot ng sulpot"

"Ikaw naman kasi masyadong halata sa pag mumukha mo na may problema ka, spell it out para naman ma pag-usapan natin"

"Na wala ko kasi ang kwentas na binigay sakin ni Daniel, ayun nagalit sakin"

"Ganon naman pala, alam mo once na nag tiwala si Daniel sa isang tao iniingatan niya yun"

"Yun na nga nai-wala ko,  hindi ko alam kong saan ko na ilagay at ngayon galit siya dahil nasira ko ang pangako ko na iingatan ko ang kwentas na binigay niya"

"Alam mo Archer ganon rin ang nang yari sa kanila ni Jean. Nag promise si Jean na hindi siya aalis sa tabi ni Daniel pero sinira niya ito kaya ayun nasira ang tiwala sa kanya ni Daniel at lahat ng bagay na nag-uugnay sa kanila at kinalimutan at binura na niya, sana ma kita mo na ang kwentas bago ka kalimutan ni Daniel my love mo"

Hindi na ako nag salita pa. Agad na akong lumabas sa room para hanapin ang kwentas nagbabaka sa kali na dito na iwan at mahanap ito. Ayokong masira ang tiwala ni Daniel sakin. Ayokong matulad kay Jean. Ayokong mawala sa sistema na niya. Kaylangan kong mahanap ang kwentas bago ma huli ang lahat.

Alam kong suot suot ko yun at never kong tinanggal sa liig ko. Pwera na lang may humablot nito sa liig ko ng mabilisan kaya hindi ko ito na ramdanaman. Pero sino naman ang kukuha non sa liig ko?

...

Seducing Daniel Heart - Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon