Archer
Nakaupo lang ako ngayon habang tinititigan ang litrato ng crush ko sa cellphone. Kahit na sa iisang classroom lang kami hindi ko parin magawa tumingin sa kanya sa personal kaya hito sa picture ko na lang siya pinagpapantasyahan. Hindi naman makasalan yun diba at isa pa hindi ko naman siya pinapatay sa isip ko dahil minamahal ko siya.
"Archer! Sino na naman bang tinitignan mo dyan at halus hindi kana gumagalaw sa kinauupu'an mo ah!"
"Wala to Kristine ano ka ba" pagsisinungaling ko.
"Ganon ba akala ko kasi nasaniban kana ng masamang kaluluwa, by the way hindi ka pa ba aalis?"
"Mamaya na siguro, wala naman kasi akong gagawin pagdating ko sa bahay"
"Ganon ba o' siya alis na ako baka ma traffic pa sa daan nga dahil sa'yo"
"At ako patalaga ang sinisi mo, walang hiya ka talaga o siya umalis kana nga sa harap ko"
Agad naman siyang umalis. Kaibigan ko na si Kristine simula nong first year high school kami hanggang sa naging grade 12 kami. Kaya lang hindi ko sinabi sa ka niya kong sino ang nasa litrato tinignan ko baka kasi mag sumbong siya close pa naman sila ni Daniel at ayokong malaman niya na maylihim akong paghanga sa kanya. Pero may kong ano sa puso na gusto kong malaman niya. Pero nahihiya parin talaga ako na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, basta bahala na.
Tinignan ko muli ang picture niya ng biglang may dumaan sa kahirapan ko at sa hindi inaasahan na hulog ang phone ko. Patay anong gagawin ko! Dali dali akong yumuko para kunin ang phone ko pero huli na ako dahil may kumuha na nito kaya sa pag angat ko ng aking mukha bigla akong na gulat dahil hawak na ni Daniel ang cellphone ko. Patay!
Tinignan niya lang ako na para bang wala lang sa kan'ya yung nakita niya yong picture niya na nasa phone ko. Hindi ko alam kong may sasabihin pa ba ako nito, gusto ko sanang kunin ang cellphone ko sa mga kamay niya. Pero ang bilis talaga ng tibok ng puso ko da'ig ko pa ang lumaban sa marathon, wala na akong nagawa kaya tinignan konna lang siya.
"Is this your phone?"
Hindi ko alam kong sasagot ba ako o hindi, pero dahil sa subrang kaba tumango na lang ako sa kanya. Ang malas ko naman pero okay lang kaya ko to, panahon na siguro para malaman na may lihim akong pagtingin sa kanya.
"Sa susunod wag kang tanga at isa pa who are you? Are you my stalker? Saan mo naman na kuha ang picture ko at hindi ka pa na kontinto ginawa mo pang wall paper." Wika niya sabay lapag ng cellphone ko sa may lamisa. Bag'o pa siya umalis nag salita na agad ako.
"Daniel, before you go may sasabihin lang sana ako sa'yo" kaya agad naman siyang napatigil sa paglalakad.
"Spell it out stalker"
"Mahal kita Daniel, mahal na mahal kita. Alam mo ba......" Hindi ko na na ituloy ang sasabihin ko dahil umalis na siya.
Hay na ko! Pero okay na yun at least na sabi ko na sa kanya na mahal ko siya. Dahil ngayon alam na niya hindi ako titigil sa pangungulit sa kanya hangga't sabihin niya sakin na mahal niya ren ako. Two years na kaming mag ka klasi pero hindi parin niya ako kilala paano ba naman kasi ang tahimik ko masyado! Hindi ko naman kasalan to kong ba't nagkaganito. Kasi nong grade 11 kami parati ko siyang iniiwasan kaya ayun tuloy baka na ka limutan na niya ako.
Pero gagawin ko parin ang lahat para lang mahalin niya ako. Daniel Regalado you will be mine soon. Hindi man sa ngayon pero malapit na mag hintay hintay ka lang dahil ma iin-love karen sakin.
Dahil sa kilig na dinulot sakin ni Daniel kanina. Masaya akong umuwi sa apartment ko. Pagpasok ko sa aking kwarto agad kong kinuha ang picture niya na nasa study table ko lang at sabay talon sa kama.
Agad ko itong niyakap ng napaka-higpit. Tinignan ko lang siya na para bang tinitignan niya ren ako.
Alam mo Daniel sa dami dami ng lalaking pwedi kong magustuhan ikaw pa talaga ang na gustohan ko. Ano bang meron sa'yo na para bang adik na adik itong puso ko. Wala ka naman ginawa para mag ka ganito ako. Basta ang alam ko lang pag ka gising ko mahal na kita. Binalik ko na agad ang picture niya sa kong saan ito na kalagay kanina.
Alam kong mahirap itong pinasokan kong gulo pero hindi na ako aatras lalo na na alam na niya na gusto ko siya. Siya lang talaga ang tinitibok ng puso ko at wala na akong magagawa pa kong di sundin na lang ito.
---
"Ang aga mo naman Archer ah hindi kapa late sa second period natin" bungad sakin ni Kristine. Hindi ko muna siya pinansin at agad na akong umupo sa upuan ko.
"Buti na lang saktong lang ang pag dating mo, na ka alis na si Miss baka kong nag kasabay kayo napagalitan kapa, ano ba kasi ang ginawa ko at na late ka?" dugtong pa niya
"Wala na man, natulog naman ako ng maaga, Pero nong magising ako 8:30 na kaya ayun hindi na ako pumasok"
"Yun lang ba ang dahilan kong bakit na late ka?"
"Ikaw Kristine ah, wag ka ngang puro tanong!"
Hindi ko na lang pinansin si Kristine baka kong ano pa ang masabi ko sa kanya. Inilibot ko muna ang paningin ko at hinanap si Daniel pero hindi ko siya ma kita sa kinauupuan niya, saan kaya nag puna yun?. Inayus ko muna ang pagkakaupo ko at agad ko kinuha ang notebook ko pero napanga-nga na lang ako dahil wala ito sa bag ko.
Ang tanga ko saan ko naman kaya na lagay yun. Kainis naman bakit ngayon pa nawawala ang notebook ko nandon pa naman ang assignment ko. Tatayo na sana ako para tignan sa labas yun notebook baka na hulog ko lang dahil sa pagmamadali para lang hindi ma late sa second subject ko. Nang may biglang humarang sa dinadaanan ko at pagkakita ko sa kan'ya bigla na naman tumibok ang puso ko. Si Daniel na ka tayo ngayon sa harapan ko habang hawak hawak ang notebook ko.
"Alam kong sa'yo to, hindi na ako nag tataka dahil ang daming picture ko na naka dikit sa likod ng notebook mo" wika niya sabay abot nito sakin.
"Thank you" tangin na sabi ko.
"Makakain ko ba ang thank you mo, sa susunod wag kang tanga"
Masakit man yung sinabi niya pero hindi ko ininda dahil parangang musica sa tinga ko ang bawat salitang binibitawan niya. Mas lalo akong kinikilig dahil sa bosis niya. Pero san dali lang tinawag niya ba akong tanga? Pangalawa na to! akala niya siguro hindi ko siya papatolan.
"Hoy! Daniel hindi ako tanga sadyang nagmamadali lang ako at hindi ko na malayan na hulog pala yong dala kong notebook"
Pero tinaasan niya lang ako ng kilay at sabay tawa. Imbis na mainis ako mas lalo akong kinilig sa ginawa niya. Ang puti puti ng ngipin niya at ang cute pa nga mga mata niya. Pero bumalik ulit ako sa ka tino'an nang marinig ko ang blsis niya.
"So what do you want? Tsk! Ito lang tandaan mo hindi ako magkakagusto sa isang tulad mo. Kaya kong ako sayo wag ka nang mag pa develop ng mga picture ko masasayng lang ang pera mo! DAHIL HINDI KITA KAYANG MAHALIN"
Parang na durog ang puso ko sa salitang binitawan niya sa huli. Pilit kong nilakasan ang loob ko na wag pumatak ang luha ko dahil pagpumatak ito talo ako. Pero hindi ako ganon ka daling sumoko kahit saktan mo ako wala akong pakialam dahil mahal kita, mahal na mahal kita. Bag'o ulit siyang umalis hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya sa mata.
"Thank you. Kahit hindi mo ko kayang mahalin mamahalin parin kita"
Bumitaw agad siya at umalis na sa harapan ko. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Basta na sabi ko na sa kanya na mahal ko siya. Dahan dahan kong hinawakan ang puso ko at may kunting kirot akong naramdaman.
Daniel alam kong hindi pa ito ang tamang panahon para mahalin mo ko pero maghintay ka lang dahil ma lapit na. Hindi man tayo itinadhana para sa isa't isa. Ako na lang ang gagawa ng paraan para tayo'y pagtagpu'in dalawa. Hindi ako pina nganak bilang si Archer Faith Alvarico para sa wala. Pinanganak ako dahil ako ang itinadhana para sa'yo Daniel Regalado kahit na totol pa ang buong mundo sa pagmamahalan natin.
...
BINABASA MO ANG
Seducing Daniel Heart - Complete
Fiksi UmumHow long do you think it takes before you know you love someone Daniel?