Chapter Thirteen

7 2 0
                                    

13: Farewell

Magdidilim na kaya dumiretso ako sa bahay ni Caspian. Pero pagdating ko doon ay hindi ko alam kung dapat ba kong tumuloy sa loob dahil may mga tao na ngayon ko palang nakita.

May itim ding kotse na nakaparada dito sa gilid, sa tabi nito ay dalawang matangkad na lalake na mukhang mga butler.

Sa loob naman ay napapansin ko mula sa bukas na pintuan ang isang hindi pamilyar na babae.

Natigilan ako ng mukhang napansin ata ako ng dalawang butler na nakatayo sa tabi ng kotse kaya nilapitan ako ng isa.

"Ms. Aspen, kindly proceed inside. Your stylist is waiting for you" ilang beses pa kong napakurap sa sinabi nya.
"Let me escort you" marahan nyang giniya ang katawan ko papasok sa loob ng bahay.

Hindi ko alam kung dapat na ba kong matakot at tumakbo. Baka mamaya mga sindikato sila! Teka asan na ba si Caspian? Hala, baka nakuha na nila sya!

"So you must be that special girl, Caspian is talking about" hindi ko napansin na nakapasok na pala ako sa loob ng bahay. Bumalik sa labas ang butler na naggiya sakin papasok.

Ngayon ay nasa tapat ko ang babaeng natatanaw ko sa pinto kanina.
She has a medium length curled hair in big sizes. Kumikinang din ang mahahaba nyang hikaw.

She's wearing a white dress as gorgeous as her. She's maybe in her early 30's. At base sa pisikal na katangian nya at sa tono ng pananalita nya, mukhang hindi sya taga rito.

"Oh by the way, I'm Lily. And I will be your stylist for tonight" kumunot ang noo ko. Stylist? Bakit? Ano nanaman bang meron? Bakit hindi nanaman ako ininform ni Caspian?

Hinila na ko ni Lily sa kwarto at nadatnan ko ang kama ng kwarto na may mga damit na nakapatong dito.  Calling it a simple clothes is an understatement. They all look attractive and stunning. Yung bang mga klase ng damit na talagang makikita mo sa branded shop.

"You first need to take a bath" naglabas sya ng tuwalya, puting robe at isang transparent na naglalaman ng mga bottles na ginagamit ata sa paliligo.

"Clean youe body well, okay? And use the lotion after you dry yourself" marahan nya na kong tinulak papasok ng banyo at sya narin ang nagsara ng pinto.

And now she's forcing me to take a bath?

Since andito naman na din ako ay naligo nalang din ako. Na stress pa ko pumili ng shampoo dahil sandamakmak. Siguro inabot ako ng mag iisang oras sa loob dahil nag lagay pa ko ng body lotion.

Lumabas akong nakarobe at nakatuwalya ang aking buhok. Agad akong inasikaso ni Lily at pinaupo sa swivel chair katapat ng salamin.

Tinanggal nya ang tuwalya sa buhok ko at tinapatan ito ng blower. Marahan nyang pinatuyo ang aking buhok.
"You're such a lucky girl. Caspian is one of a kind" she randomly said.

"Can you please tell me what's happening? Where's Caspian?" napasabak na ko sa English dahil hindi ko na kayang tiisin ang mga tanong sa isipan ko.

Nang matuyo ang aking buhok ay tinali nya lang ito ng sinple bago inikot ang upuan paharap sakanya.
"Just wait and see" sagot nya.

She began to put cosmetics onto my bare face. First one is liquid foundation. Hindi ito ganon karami tulad ng gusto ko.
"You know what, you don't even need a makeup. You're bare face is already incredibly beautiful" saad nya habang kinakalat ang foundation sa aking mukha.

Kinilayan nya ako matapos ay nilagyan ng eye shadow. Then she put a blush on and highlight my cheeks.
"What type of color do you want for your lips? Dark? Light?" tanong nya habang dinidisplay sakin ang ilang kulay ng lipstick.

When I Fall Asleep (Completed)Where stories live. Discover now