Chapter Three

17 2 0
                                    

3: Sunset

Kasalukuyan kong pinupunasan ang mga platong kahuhugas lang ni Caspian. He told me no need to but i insisted.

"Can i ask how old are you?" biglaan kong tanong sa kalagitnaan ng katahimikan sa pagitan namin.
"Disesais" napatitig ako sakanya ng maya maya ay ngumiti nanaman sya.

Why does he loves to smile?

"Naintindihan mo ba? Sixteen yon, puro ka kase english eh" as expected kaedad ko sya.
"Teka mayaman ka ba? Kung titingnan mukhang may lahi ka"  napairap nalang ako.

Ofcourse may lahi ako, I'm a Filipina.

"Saan ka ba nakatira? Tingnan mo pasado alas dose na oh, dito ka pa kumain. Baka nag aalala na mga magulang mo sayo" sinalansan ko na sa pamingganan ang huling plato at sinampay ang basahan sa upuan.

"Hindi mo ba ko gustong nandito?" kunot noo kong tanong.
"Hindi naman sa ganon, concern lang ako na baka worried na ang parents mo"

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kusina, halos lahat ng gamit ay makaluma, wala nga ata akong nakitang TV sa sala eh.

"Anong taon ngayon?" i asked out of the blue.
Natawa sya na ikinainis ko. Bakit ba ang sayahin neto?

"Wala ba kayong kalendaryo?" sinamaan ko sya ng tingin sa sinabi nya.
"1996 miss sungit" natigilan ako.

1996? Why the hell I'm dreaming in a different time zone with this guy?

"Are you going to stay?" saad nya at lumabas na ng kusina.
"Do you like me to?" i asked back.
"Well lagi akong mag isa, matutuwa ako kung sasamahan mo ko dito"

Lumabas sya ng bahay at may kinuha sa bandang gilid ng bahay.
"Kaso lang maglilinis ako. Hindi mo kelangang tumulong, kaso baka mainip ka" napabuntong hininga ako.

Mas ok nang panoorin syang maglinis kesa naman maglagalag ako sa lugar na ito na ako lang. I have no idea when will I get out of here.

He started to sweep the front yard of the house. May mga dahon kase na nahuhulog mula sa puno na nakatanim sa tabi lang ng bahay na ito.

Napansin ko din na marami syang mga halaman na nakatanim sa paso at nakapalibot ito sa bakod.

Umupo ako sa baitang ng hagdan at pinanood syang gawin ang mga bagay na hindi ko pa nakitang gawin ng mga lalake sa panahon ko.

Nagdilig sya ng halaman, nagtanim ng panibago. I like the way how he seems to be attached with nature.

I love the ambiance of this place, the refreshing air touching my skin, I never felt this kind of feeling before.

"Is this what you're doing everyday?" mahina kong tanong habang yakap yakap ang mga binti ko.

He nod and smile.

"Sa umaga gumigising ako ng mga alasingko para magsaing at magluto ng ulam tapos magwawalis ako sa buong bahay. Pagkatapos didiretso ako sa pagbebenta ng sorbetes tapos pagkauwi ko pagtapos mananghalian aasikasuhin ko itong mga halaman. Magpapahinga lang ako sandali tapos pumupunta ako sa burol para panoorin ang paglubog ng araw, pagkauwi ko kakain lang ng hapunan maghuhugas ng pinggan tapos matutulog na"

Napangiti ako kung paano nya ilarawan ang araw araw nyang pamumuhay. Napakasimple pero mukhang masaya sya.

"Don't you find it boring?" tanong nya.
"I love it. I love how you spend your day" responde ko. He smiled to me so i smile back.



Nagising ako natagpuan ang sarili ko sa kwarto. Napabuntong hininga ako ng maalala nanaman ang panaginip ko.

Napaupo ako at napahawak sa noo ko. This is really frustrating. Twice is okay pero kung bumalik nanaman ako don mamayang gabi I swear I'm gonna freak out.

When I Fall Asleep (Completed)Where stories live. Discover now