PROLOGO

69 5 0
                                    

Sa tuwing haharap sa salamin,
Iba na ang bumubungad sa akin

Para bang isang palabas kung saan hindi ako ang bida
D

ahil ang nakikita ko ngayo'y isang taong wala na sa linya

Ngunit saan nagmula at humantong sa pagkawala?
Pagkawala ng ningning sa matang ngayo'y lumuluha
Bakit nga ba biglang nawalan ng saysay,
Yaong mga ngiting dati'y puno ng buhay

Ilang beses tinakbuhan,
Nakaraang ayaw nang alalahanin,
Ilang beses nang pinagtaguan,
Nakaraang patuloy na bumabagabag sa akin

Bumilis man ang pag-agos ng panahon,
Sugat na tinamo'y hindi manlang naghilom,
Wala nang lunas sa sakit na lumalamon,
Lumalamon sa sistema kong hindi na makabangon

Patuloy mang uminog ang mundo,
Patuloy mang umagos ang ilog,
Heto ako, nananatili sa nakarang pilit mang kalimutan,
Kahit ilang segundo ma'y hindi ako maiwan.

***

Paano kung isang araw, makita mo ng harapan ang babaing kamukhang kamukha mo? Na para kayong pinag biyak na bunga. Paano kung siya ang magbigay sayo ng kilabot, saya at lungkot? Paano ka makikibagay sa kanya? Paano magagawang tanggapin ng buong puso ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya? Maniniwala ka ba? O hindi?

Back to Your Future (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon