KABANATA 5

48 2 0
                                    

KABANATA LIMA

Taong 1896

"Binibini..."

Narinig man ay hindi manlang binigyan ng pansin ng dalaga ang tumawag sa kanya. Tulala lamang siya habang nakatitig sa tubig ng ilog na payapang umaagos. Kasabay ng pag agos ng tubig ay siya ring mabilis na pagtulo ng kanyang luha. Pulos sakit ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito kaya wala siyang oras upang linungin ang tumawag sa kanya. Alam nyang siya ang tinawag nito sapagkat siya lamang ang dalaga sa tabi ng ilog na iyon.

"Binibini... narito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ni tandang Ara--"
Lumakas na lalo ang tinig at batid nyang nasa likod na niya ito sapagkat narinig na rin nya ang pag apak nito sa tuyong dahon na nalaglag sa puno ng narra na sinasandalan nya.

"Gusto kong mapag-isa."
Walang ganang pagputol nya rito.

Pananghalian na ngunit hindi masyadong mainit ang kapaligiran sapagkat maraming puno ang nakapaligid sa ilog. Hindi niya batid kung saang lugar ba sya dinala ng dalagang ngayo'y katabi na nyang nakaupo.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito ngunit ni hindi manlang sya natinag sa pagkakatulala. Pinahid na lamang niya ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mukha.

"Nakikiramay ako..."
Pagbasag nito sa katahimikan ngunit gaya ng nauna, hindi sya kumibo. Nanalangin siyang sana'y maramdaman nitong wala siyang interes sa presensya nito.

"Naiintindihan kita..."
Maya-maya'y sabi nito.

Para bang manhid at hindi manlang maramdamang ayaw niya ng kausap. Noong una'y napakunot lamang ang kanyang noo ngunit mapangisi rin siya ng mapait sa sinabi nito.

"Naiinitidihan?... Sa paanong paraan?"
May halong sarkasmo ang kanyang tinig at saka tumingin sa katabi na ngayo'y tulala rin.

Maging siya'y nagulat sa kanyang inakto. Hindi siya ganun. Hindi sya sarkastiko kapag nakikipag-usap. Hindi siya suplada sapagkat hindi sila pinalaking ganun ng kanilang mga magulang kahit pa mahigpit ang kanyang ama. Sadyang nagalit lamang ito dahil sa nalamang pagbubuntis niya. Ang kanyang ate lamang ang hindi nagmana ng kabutihang asal sapagkat napaka inggitera nito at selosa. Ang kanyang kuya ay mabuting tao dahil nagmana sila ng kanyang kuya sa kanilang ina. Mapagmahal at mapagpatawad. Kaya naman kahit galit siya sa langit dahil sa kinahinatnan ng kanyang pagbubuntis ay hindi niya rin maiwasang magulat sa inasal niya. Ngunit hindi niya binago ang pinapakita niya ngayon. Tunay nga sigurong kapag nasasaktan ang isang tao, tumitigas ang puso nito at kinakain ng galit. Iyon ang nararamdaman niya ngayon. Galit sa pangyayari sa buhay niya.

"Naiintindihan kita sapagkat magkatulad tayo..."
Hindi pa rin ito tumitungin sa kanya.

Biglang humangin at nagsilaglagan ang mga dahon sa puno. Pinilit niya na huwag ipakita ang pagkunot ng kanyang noo, senyales na nakuha nito ang interes niya kaya't ibinaling niyang muli ang kanyang paningin sa ilog na ngayo'y may dahong nalaglag galing sa puno ng narra. Dahan dahan itong inaanod hanggang sa makalayo na ito sa kanila ngunit kahit malayo'y nakatanaw pa rin siya rito.

"Katulad natin ang dahong nalaglag binibini..."
Humarap ito sa kanya at dahil nakatanaw sya sa kaliwa kung saan dumaan ang dahon ay duon nabaling ang kanyang paningin. Tinignan niya rin ito at hindi niya na tinago ang kyuryosidad na bumabalot sa kanya. Ngumiti ito at kita ang pait at kahit pa ngumiti ito, hindi nito maitatanggi ang lungkot na nasa puso nito.   Napaiwas siya ng tingin. Hindi nya kayang  makakita ng katulad nyang malungkot.

"Ang paglaglag ng dahon ay maikukumpara natin sa pangarap at buhay nating bigla nalang nahulog..."
Pagsisimula nito. Hindi siya kumibo at pinakinggan ang mga sumunod nitong sasabihin..
"Pilitin man ng dahong kumapit sa sanga ngunit hindi sapat ang kanyang lakas upang manatili sa kanyang pwesto..."

Back to Your Future (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon