KABANATA 7

43 3 1
                                    

(At dahil bertdey ko nung isang araw, this is my gift for you guys 😍🎉. Hope you'll enjoy 💕.)

KABANATA PITO

"H-hindi kana na ba... takot sakin?"
Napatingin ako kay Froserfina na ngayo'y nakaupo sa passenger seat ng kotse ko at nakayuko.

Napabuntong hininga ako at saka dahan-dahang hinawakan ang mga kamay niyang nakakuyom at nanginginig pa.

"H-hindi na... s-sorry... hindi dapat ako nag react ng ganun... hindi dapat kita inaway... I'm so sorry..."
Nahihiyang pagsasalita ko at napapalunok pa. Naramdaman ko ang lamig ng kamay niya. Hindi ko alam kung dulot ba yun ng aircon ng kotse o kinakabahan siya sakin.
"Wag ka mag-aalala... hindi kita sasaktan."
Dagdag ko pa.

Aalisin ko na sana ang pagkakahawak sa kamay niya para mag drive pero mabilis niya akong hinawakan kaya napatitig ako sa kaniya na dahan-dahan naman siyang tumitig sakin.

"Hindi ko man maiintindihan ang iba sa mga... s-sinasabi mo... a-ayos lang, wag mo nang isipin yun..."
Simpleng ngiti ang binigay sakin habang pinisil-pisil pa ang mga kamay ko.

Sa hindi malamang dahilan... habang nakatitig ako sa mga mata niya... para bang biglang may mga eksena akong nakita habang nakatitig sa mga mata niya. Para bang 'montage' na nag sipasukan ang mga eksena sa mga mata ko... Agad kong ipinilig ang ulo ko at napapikit pa at saka nag mamadaling kumalas sa mga kamay niya. Lumakas din bigla sa di malamang dahilan ang kabog ng dibdib ko.

'Ano bang meron sa mga yun?'

"B-binibini... bakit?"
Nag-aalalang tanong niya pero umiling lang ako habang nakatitig sa manibela. Binasa ko ang labi ko atsaka tumingin sa kanya na para bang walang nangyari.

"Uhm... sa tingin ko... kailangan mong palitan yung mga damit mo kasi... hindi akma yung ganyang style ng damit... lalo na't... mainit..."
Naiilang na sabi ko habang paulit-ulit konh tinitignan pataas at pababa ang suot niya. Pag-iiba lang ng topic.

Nakita ko naman na para siyang nailang sa titig ko kaya napayuko siya. Iniwas ko nalang din ang paningin ko at saka pinandar ang makina ng kotse ko. Tinignan ko muna ang police station bago tuluyan umalis sa lugar na yun.

Kanina pagdating ko sa police station ay alalang-alala ako kung anong nangyari kay Froserfina. Yung lakas ng kabog ng dibdib ko ay sobra na para ba akong nangangarera kahit ang totoo'y wala naman akong kalaban sa pag takbo. At nang makita ko ang mukha niyang gulat na gulat nang makita ako...  sa hindi ring malamang dahilan ay napatakbo at napayakap sa kanya. Gulat siya marahil sa ginawa ko kahit naman kasi ako ay nagulat sa inakto ko. 

'A while ago, I almost cursed her to death then now I'm hugging her like I don't want to loose her! What's going on with myself?'

Sa huli, napayakap nalang din siya sakin. Natigil lang kami sa ganung lagay nang may tumikhim at pag angat ko ng tingin ay yung lalaking pulis palang kumakausap kanina kay Froserfina. Sinabi sakin ng pulis na may nagdala nga sa kanya rito na binabae raw at sinabing nawawala si Froserfina. Nakita lang daw niya ito sa daan, iniwan daw ito dahil may gagawin pa raw na mahalaga at asikasuhin daw si Froserfina. Patay malisya nalang akong hindi kilala kung sinong nagdala na obvious naman ang lukaret kong bestfriend na si Levi dahil di pa rin naman kumikibo si Froserfina, sa halip ay mataman niya lang tinitigan ang pulis na paminsan-minsan ay tinitignan sya. Ewan ko ba pero naobserbahan ko silang dalawa. Sabi pa ng pulis na kausap ko ay hindi raw makausap ng maayos si Froserfina. Actually, di siya nagsasalita buong duration ng pagkausap sa kanya, nakatitig lang si Froserfina sa kanya na para bang matagal siyang di nakita. Unang beses lang nilang narinig ang boses nito nung tinawag ako. Nung natitigan raw ako ng pulis ay duon niya lang napagtantong magkamukha kami kaya di na niya ako kinuwestyon kung susunduin ko ba si Froserfina. Hinayaan niya na kaming umalis at nagulat ako kasi ayaw pa sanang umalis ng kasama ko. Tinanong ko siya kung bakit ayaw niya umalis sa kinauupuan niya at saka bigla nalang tumayo at tumingin sa pulis. Kinunutan lang siya ng noo ng pulis. Gulat nanaman ako ng siya mismo ay marahan akong hilahin sa kamay. Nagtataka akong tumingin sa pulis sa huling pagkakataon para makita ang reaksyon nito. Nakakunot pa rin ang noo nito habang naka cross arms pa. Nawirduhan siguro kay Froserfina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Back to Your Future (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon