IKATLONG KABANATA
Taong 1896
ITO NA nga siguro ang pinaka mahaba, nakakapagod at nakakalungkot na parte na pag lalakbay ni Froserfina. Ang mag lakbay mag-isa. Ngunit naisip niyang hindi siya nag-iisa sapagkat kasama niya ang kanilang supling sa loob ng kaniyang sinapupunan.
Sa tanang buhay niya, ngayon lamang niya naranasang tumakbo ng walang kasiguraduhan kung saan tutungo. Tumakbo sa madilim na lugar kung saan hindi niya alam kung mayroon pa ba siyang liwanag na matatanaw. Ang tanging mahigpit niyang pinanghahawakan ay ang pangako niya sa kaniyang iniirog na si Protacio na ililigtas niya ang kaniyang sarili at ang buhay sa kaniyang sinapupunan, at ang pangako niya sa kaniyang ina na babalikan niya ito. Paulit-ulit niyang ipinagdasal na sana ay makaligtas sila sa malupit na mundong kanilang ginagalawan.
Napatigil siya sa pag takbo ng maramdamang nahahapo na siya. Nasa kagubatan siya. Madilim at tunog ng kuliglig ang kaniyang naririnig. Pinigil niyang gumawa ng ingay dahil baka mahuli siya ng mga gwardya sibil na nag papatrolya dahil mayroon nang karpyo. Tiyak na dadalhin siya agad sa piitan kapag nahuli siya. Malalaman ng kaniyang ama at kapatid na nakatakas siya. May kasalanan pa siya sa ate niyang si Anastasia.
Patuloy ang pag daloy ng luha niya habang inaaalala ang mga natuklasan. Una, ang pagkahuli sa kanila nila Protacio sa pamilihan.
Masayang pinagmasdan nina Protacio at Froserfina ang bulaklak ng Dama de Noche sa tindahan ng mga bulaklak. Ang bulaklak na ito'y sumisimbulo sa kanilang pag mamahalan na sa gabi lamang nasisilayan. Saksi ang kalangitan sa kanilang pangarap para sa isa't isa. Dito sa pamilihan nila pinipiling magkita sa umaga upang hindi mahalata ng mga taga silbi nila na may relasyon sila ng hardinerong si Protacio. Sinasabi niya lamang na mag papasama siya kay Protacio sa pamilihan upang mamili ng mga buto ng mga bulalak na nais niyang ipatanim sa kanilang hardin.
Alam ng kaniyang pamilya ang hilig niya sa bulaklak kaya naman hindi nag dududa ang mga ito sa tuwing sila ay aalis. Magaling mag-alaga ng halaman si Protacio kaya naman mas lumalago ang mga bulaklak sa Hardin ng mga Angeles. Nag bebenta ang pamilya ni Froserfina mga sariwang bulaklak, at ahil sa pagiging maalaga nina Protacio at Froserfina sa mga halaman ay mas lalong dumarami ang gustong bumili ng mga bulaklak sa hardin. Minana ni Froserfina sa kaniyang ina na si Donya Fidela ang kahiligan sa mga bulaklak kaya naman bukod kay Protacio, madalas ding mag-alaga ng mga bulaklak ang mag-ina.
Sa hardin nagsimulang umusbong ang pag mamahalan nina Froserfina at Protacio. Saksi ang hardin sa kanilang wagas na pangako kasama ang malamig na simoy ng hangin sa gabi at ang halimuyak ng Dama de Noche.
Lingid sa kanilang kaalamang napupusuan din ng kapatid niyang si Anastasia si Protacio. Madalas mag pahaging si Anastasia kay Protacio ngunit bulag ito sa pag-ibig kay Froserfina. Inggit at selos ang siyang nag udyok upang isumbong sa kanilang ama na may namamagitan kay Froserfina at Protacio.
"Tila masaya ka aking irog, marahil ay may napili kanang ibang bulaklak bukod sa Dama de Noche."
Nakangiting bati ni Protacio kay Froserfina na nakatitig sa isang bulaklak."Nais kong bilhin ang bulaklak ng Camia, sapagkat gusto kong isunod dito sa ngalan ng ating magiging anak."
Nakangiting sagot ni Froserfina at tumingin sa lalaking laging nag papabilis ng tibok ng kaniyang puso."A-anong... tinuran mo? A-anak?"
Hindi mahagilap ng lalaki ang sasabihin dahil sa pagkabigla.Lumapit si Froserfina kay Protacio at hinaplos ang mukha nito.
"Oo, irog ko, tayo'y mag kakaroon na ng supling. Tatlong buwan na akong nag dadalang tao sa ating unang anak."
Nangingilid ang luha niya dahil sa galak.
BINABASA MO ANG
Back to Your Future (On Going)
Ficción históricaIsang aksidente ang naglapit kay Francine at sa misteryosang babaeng kamukhang kamukha niya. Paano niya haharapin ang mga susunod na mangyayari kasama ang babaing ito. Handa ba niyang isaalang-alang ang kanyang buhay sa babaing bumago sa kanyang pan...