IKA-APAT NA KABANATA
Year 2019
SOBRANG BIGAT ng mga mata ko pero heto pinipilit ko pa ring dumilat. Para kasing may nag tutulak saking idilat ang mga mata ko. Kaya kahit ang hirap, ginawa ko.
Halos masilaw ako dahil sa sobrang liwanag na nakikita ko. Napakurap ako bigla dahil parang may lazer sa mata ko.
‘Ang sakit!’
Napapikit ako.
“The patient is responding.”
Mahina man pero dinig ko pa ring sinabi ng tiyak kong doctor.Tinigil niya ang ginagawa sa mata ko. Idinilat ko ang mga mata ko at pinilit kong mag-adjust sa liwanag na sumasalubong sa mga mata ko. Luminaw ang paningin ko at narealized kong nasa hospital ako pero nagulat ako dahil nakita ko siya. Para akong naparalyzed eh. Katabi niya ang doctor na sumusuri sakin.
“S-sino ka”
Nanghihinang tanong ko sa babaing katabi ng doctor. Nakatitig lang siya sakin na may blangkong mukha.“I’m a doctor. Miss? Are you alright? Did something hurts?”
Tuloy tuloy na tanong ng doctor. Napakunot naman ang noo ko at unti-unti kong inayos ang pag kakahiga ko.“Doc, hindi ako banlag, OK? Hindi naman ikaw ang tinatanong ko eh, yung katabi mo. Desisyon ka rin eh.”
Kahit na medyo mahina yung sagot ko may halo pa ring sarkastiko. Asar eh.Sa halip na mapikon siya, tumawa pa siya na parang kinikiliti at umiling-iling pa. eto dapat ang ginagamot eh, parang may sira ang ulo.
“Oh, sorry. Akala ko kasi ako.”
Nakangiting sabi nung doctor.‘Akala mo lang.’
“By the way, akala ko lang dahil hindi ko namalayang gising na rin pala ang pasyenteng kasama mo… you look so the same…”
Daldal ng doctor.Masyado siyang masiyahin. Saksakin ko ‘to ng injection ng tranquilizer ng matigil eh.
“K-kamsuta ka?”
Hindi ko alam pero nung nagsalita siya, pakiramdam ko hihimatayin ako.
"Binibini?"Napalunok ako at sa takot ko... Naparamdaman ko nanaman ang pagkahilo at pagdilim ng paningin ko.
Taong 1896
"Hindi pa rin siya nagigising."
Mabigat ang katawan at hinang hina pa si Froserfina ngunit alam nyang nasa realidad sya at gising sya. Mahinang boses lamang ang kanyang naririnig ngunit habang patuloy ang pag-uusap ng dalawang tao na sa palagay nya ay nasa magkabilang gilid nya lang, ay unti-unting lumakas nang kanilang mga boses.
"Ganito talaga ang epekto ng labis na pagod at sakit."
Malungkot na boses ng sa tingin nya ay matandang babae."Kaawa-awa ang binibining ito... Tiyak na sobrang pag hihinagpis ang kaniyang mararamdaman oras na--"
Malungkot na sagot ng isang boses na sa tingin naman nya ay dalagita lamang."Itikom mo ang iyong bibig Liway."
Maagap na putol ng matanda."Ngunit--"
"Huwag mo nang dagdagan ang hinagpis na nadarama ng binibining ito."
Para bang pinapagalitan ito ng matandang babae."Masusunod po."
Paghingi nito ng paumanhin.Naramdaman ni Froserfina ang pag-alis ng mga ito sa tabi nya. Kaya naman dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mata at labis na takot ang kanyang nadama ng makakita sya ng mga bungong naka sabit sa may taas ng pintuan. Inilibot nya ang kanyang paningin at saka nya napagtantong nasa isa siyang bahay kubo. Maraming mga bato na nakalagay sa isang mahabang mesa at may pigura ng isang anito.
BINABASA MO ANG
Back to Your Future (On Going)
Historical FictionIsang aksidente ang naglapit kay Francine at sa misteryosang babaeng kamukhang kamukha niya. Paano niya haharapin ang mga susunod na mangyayari kasama ang babaing ito. Handa ba niyang isaalang-alang ang kanyang buhay sa babaing bumago sa kanyang pan...