KABANATA 1

68 6 0
                                    

UNANG KABANATA

Taong 1896

"WALANGHIYA! Wala kang utang na loob!"
Isang sampal ang nagpabagsak sa dalagang halos halikan na ang paa ng Don na nag-aapoy sa galit dahil sa nalaman nito ukol sa bunsong anak na babae.

"Papa, patawad po!"
Halos hindi na siya makahinga dahil sa sobrang pag-iyak. Hilam na rin ng luha at pawis ang kanyang mukha. Halos mamaos na siya kahihingi ng tawad kanyang malupit na ama.

"Isa kang kahihiyan sa ating pamilya! Nararapat kang parusahan!"
Mas lalong lumakas ang pag-iyak ng anak na babae nang sabunutan siya ng kanyang ama at bigyan muli ng malutong na sampal.

Napabaling ang kanyang mukha sa kanang parte ng kanyang kwarto kung saan tahimik na umiiyak ang kanyang ina na walang magawa dahil takot ito sa Don na siyang asawa nito. Pilit niyang hinuhuli ang tingin ng ina ngunit mailap ang mga mata nito at pinilit na ibaling sa isa pang dalaga ang kanyang paningin. Sa kanyang ate na nakangisi habang pinag mamasdan siyang bugbugin ng kanilang ama.

Napapikit siya ng makatanggap muli ng sampal.

"Ama huwag po! Maawa kayo sakin!"
Kahit alam niyang imposibleng pakinggan siya nito, pinilit niya pa ring mag makaawa.

"Maawa? Ang kapal ng iyong mukha! Isa kang ingrata! Wala kang delikadesa at pumatol isang taga silbi! Sa isang hardinero! Punyeta!"
Halos iuntog na siya ng ama sa kanyang kahoy na sahig. Gigil na gigil ito at nararamdaman niyang gusto na siyang patayin, ngunit nanindigan siya sa gusto niyang isagot. Gusto niyang may ipaglaban.

"P-papa, m-mahal ko po si P-protacio ..."
Halos pabulong niyang sabi dahil sa hapdi ng labi dulot ng malalakas na sampal na tinamo sa sariling ama.

"Mierda! Iyang pagmamahal na iyan ang magdadala sa kaniya sa hukay, Froserfina!"
Itinulak siya ng malakas nito palayo na parang isa siyang kaaway. Isang taksil ng lipunan.

"A-anong hukay? Anong pinag sasabi ninyo..."
Naalarmang tanong ni Froserfina sa kaniyang ama ngunit hindi manlang siya tinapunan nito ng tingin at tinawag ang kanang kamay nito na nag babantay sa labas ng pintuan ng silid ng dalagang umiiyak.

"Carding!"
Kakikitaan ng awtoridad ang boses ng Don na tila isang haring kailangang sundin ng maagap.

"Senior."
Yumuko sa harap ng kaniyang ama ang kanang kamay nito ng makapasok ito sa silid. Tumingin ang dalaga sa kanang kamay ng ama na si Carding ngunit hindi siya nito tinapunan ng tingin. Maagap itong nakatingin sa kanyang ama kaya naman napatingin siya rito. Nakatalikod ang kanyang ama sa kanya at kinabahan siya ng tinanguan nito si Carding.

"Masusunod ho, Senior."
seryosong sabi ng lalaki sa kanyang ama at pagkatapos ay nag bigay galang sa Don, sa Donya at sa ate niya. Bago ito tumalikod ay tinignan siya nito at saka tuluyang lumabas at isinara ang kanyang pinto.

Nang makaalis ang kanang kamay ng kanyang ama, agad na tumayo kahit nahihirapan ang dalaga.

"P-papa... anong-"
Hindi niya natapos ang kanyang katanungan sapagkat agad na nilapitan siya ng ama at hinawakan ng mahigpit ang kanyang panga na para bang gusto nitong pipiin ang kanyang mukha. Nag-aapoy ang mga mata nito sa galit habang nakatitig sa anak.

"Hindi mo na ako ituturing ama ngayon! Hindi na kita anak! Isa kang sumpa sa pamilyang ito! Lumayas ka! Wala kang ititirang gamit. Ni yang mga suot mo, ultimo ang damit ay hubarin mo at lumayas ka rito! "
Tila isang dagundong ng malakas na kulog ang nagpanginig sa katawan ng dalaga dahil sa sinabi ng kanyang ama. Itinatakwil na siya nito. Sumikip lalo ang kanyang dibdib at napahagulgol.

Back to Your Future (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon