KABANATA 6

44 4 0
                                    

Year 2019

Para kaming tangang nag tititigan ngayon sa loob ng condo ko. Ilang beses pa akong napairap dahil napaka OA talaga ni Levi. Eto namang si Froserfina ay nakayuko lang. Malamang ilang na ilang na to sa nanlalaking mata ni Levi.

Kaninang alas sais ng umaga kami nakauwi dahil plakda pa rin ang gaga kong kaibigan. Hilo pa rin si bakla dahil nga nakainom din siya nung nasa bar kami. Nagtagal pa raw sila bar nung umalis ako, pinilit pa nilang makahabol sakin kaso lang bigla raw nagwala si Lhouraine. Dahil sa pagkaka depress nito sa akala niyang big opportunity niya. Nag basag pa ito ng mga bote ng alak na iniinom namin kaninang madaling araw kaya naman inawat siya ng ng boyfriend niyang si Thaniel at ng kapatid na si Elleane, habang si Levi ay kinakausap ng maayos yung bar owner na pinsan niya. Pinaliwanag kung anong nangyari at binayaran ang lahat ng sinira ng gaga. Muntik na kaming ma-ban sa bar ng pinsan ni Levi pero buti nalang napakiusapan niya. Last na raw yun at pag naulit pa, kahit magpinsan sila, business is business; hindi na kami makakapasok kahit di naman kami kasama sa nagbasag ng mga bote sa bar. Ni hindi rin daw nila napansin ang kaguluhan sa labas ng bar, which is yung muntik na ngang masagasaan 'tong si Froserfina at sinagip ko. Nung paglabas nila ng bar para ihatid na pauwi si Lhouraine nakarinig pa sila ng bulungan about sa may muntik na masagasaang dalawang babae pero wala na yung mga involve dun dahil dinala na raw sa ospital. Di na nila masyadong binigyan ng pansin dahil nga sa kalagayan ni Lhouraine. Hinatid ni Thaniel ang kambal sa bahay ng mga ito. Hindi nito napansing nakapark pa ang kotse ko dahil nasa dulo ito, napapagitnaan ng kotse ko at ni Thaniel ang sasakyan ni Levi. Habang napansin naman ni Levi na katabi pa rin ng sasakyan niya yung sasakyan ko. Nagtaka raw siya dahil ang alam nya nakauwi na ako. Tinawagan niya raw ako pero out of coverage raw ang phone ko kaya tinawagan niya si Elleane para malaman kung alam ba nitong hindi pa ako umuuwi kaya naman ang sagot ni Elleane ay sa kamamadali nila ay hindi nila napansing nakapark pa pala ang kotse ko at isa pa madilim sa pwesto ng kotse ko. Malakas na rin ang ulan kaya nagmadali na silang umalis.

Nahihilo na raw siya nun kaya balak niya na ring umuwi ang kaso lang pagsakay niya sa kotse saktong nag ring ang phone niya at ako raw ang caller. Nung sinagot niya ay tatalakan niya na sana ako kaso lang nagpakilala ang may hawak ng cellphone ko na nurse ito at napagkamalan pa raw siyang boyfriend ko dahil nasa speed dial ko raw siya kaya kahit hilong hilo raw siya ay nagmadali siyang pumunta sa ospital kung asan ako. Pagdating niya sa ospital napagkamalan niyang ako si Froserfina kaya dun sya kay Froserfina dumertso kaso lang nung nakita niya ako nung batuhin ko siya ng unan, nawindang daw siya at dun niya naramdaman ang tama ng alak pati ang pagkakagulat at lito kaya ayun, ang ending dalawang kaming nasa emergency room. Halos apat na oras kaming nandun kaya naman nakatulog na rin ako habang hindi ko na napansin kung anong nangyari kay Froserfina. Mga alas cinco ng madaling araw ako nagising kanina at nagulat ako dahil nakaupo lang si Froserfina sa isang monoblock sa tabi ko at nakatitig sakin. Kakausapin ko pa sana siya kaso nagising na si Levi. Shock pa rin siya kasi akala niya nananaginip lang siya pero totoo raw pala. Nakausap niya na rin ng maayos si Froserfina at nag sorry siya dahil sa pagiging OA niya kanina. Puro ngiti lang sagot sa kanya ni Froserfina. Si Levi na ang naghatid samin pauwi rito sa condo ko dahil naiwan sa bar ang kotse ko. Isinama na rin namin si Froserfina dahil ang sabi niya ay hindi niya alam ang lugar kung nasan kami. At ngayon nandito na nga kami sa condo ko.

Napalingon ako kay Levi nang marinig ko ang malakas nyang pag buntong hininga at pag tap nya sa glass table ng living room ko.

"Umamin ka nga sakin, Maria Francine Ariella De Leon Angeles! Ka-ano-ano mo talaga sya?!"
Nag hihisterikal na tanong ni Levi. Napalingon naman ang nasa single sofa na si Froserfina kay Levi. Gulat ang mukha nito dahil sa biglang pag sigaw ng OA kong kaibigan.

"Alam mo, kanina ka pa OA."
Kalmadong sabi ko pero gusto ko nang ibato sa kanya yung center piece na galing pang France.

"Panong di ako magiging OA?! Una, magugulat nalang akong nasa ospital ka at ako ang kinontak ng ospital! Pangalawa, hindi mo sinabing may kakambal ka! Pangatlo, kanina pa ako tanong ng tanong ni hindi ka sumasagot--"

Back to Your Future (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon