KABANATA 2

55 4 0
                                    

KABANATA DALAWA

Year 2019

SMOKE. DRUNK people and wild animals. This how world works all the years that I exist.

Tsk. This is not my thing. I don't know why I suddenly got in here and stare at them.

"Francine, drink this."
Napalingon ako sa babaing nagdala sakin sa lugar na ito.

"Nah."
Tinabig ko ang basong nay lamang Tequilla na nasa harap ko.

"KJ mo girl."
Umiirap na sabi niya at tinungga yung laman ng shot glass na binibigay niya sakin kanina atsaka nakipag landian sa boyfriend niya.

'Tsk. Bakit nga ba kasi ako sumama rito?'

Ah! Naalala ko na. Birthday niya nga pala nila ng kakambal nya. Matagal na kaming magkaibigan nitong si Lhouraine, grade school pa lang. Nung dumating na sa tamang edad si gaga, ayun laman na lagi ng club. YOLO daw kasi.

'You Only Live Once' ang motto niya kaya sinusulit ang buhay dalaga.

"Tss.. pag nalaman ng Daddy ko na sumama ako sa inyo sa lugar na 'to, goodbye friendship na talaga tayo."
Napapairap na sabi ko sa kaniya dahil ang harot harot nila ng boyfriend niya. Sa harap ko pa talaga.

"Your Dad is so strict!"
Narinig ko naman ang boses ni Levi na isa rin sa mga kaibigan ko. He's a gay na sobrang arte pero di nag bibihis babae.

"Pain in the ass."
Yun nalang ang nasabi ko at tinungga ang lemon juice na kanina ko pa hawak.

"Accurate!"
Pag sang-ayon naman ni Lhouraine na naka patong na kay Thaniel. Tuwang tuwa ang lalaki dahil gumigiling na sa lap niya si Lhouraine na masasabi mong lasing na.

"Eeewww... get a room nga! Ang baboy na ha!"
Binato ni Levi sina Lhouraine at Thaniel ng crumpled tissue.

Napailing nalang ako. Nasa VIP room kami kaya kahit mag honeymoon pa ang dalawa, kami lang ang makakakita. Wild animal talaga tong si Lhouraine pag nalalasing. Tsk.

"hahaha! Inggit ka lang bakla! Wala ka kasing V hahaha!"
Groggy na magsalita si Lhouraine dahil lasing na. Nag peace sign ito na parang pinapakita ang letter V. Natawa lang kami kasi alam naming wala talaga nun si Levi.

"At least may M!"
Banat ni bakla na nakataas ang kilay.

"M?"
Takang tanong ni Lhouraine.

"Manners, tanga! Di mo alam, puro ka kasi landi! Hahaha!"
Banat ni Levi.

"Anong manners? Malas ka kamo hahaha!"
Sanay na ang dalawa sa asaran kaya naman alam naming walang pikunang magaganap.

"Francine, he's just worry about you."
Napalingon naman ako kay Elleane na pinaka mahinhin saming lahat.

Ate niya si Lhouraine. Fraternal twins kasi sila. Hawig lang pero di magkamukhang magkamukha. Kung anong kina wild ng ate, yun naming kina demure ng bunso. Walang boyfriend. Muntik na kasing mawala ang pagkababae niya nung nagkaroon ng first boyfriend at dahil demure nga, ayaw ng ganun. Simula nun, di na nag boyfriend. Puro pusa ang kasama niyan.

Mas una kong naging kaibigan si Lhouraine dahil napaka friendly niya, magkaklase kami at sa ibang section naman si Elleane. Nung dinala ako ni Lhouraine sa bahay nila, dun ko nakilala si Elleane. Si Levi naman kaaway niyan dati si Lhouraine nung grade 6 kami, kaklase naman ni Elleane si Levi. Pero nung naging mag kakaklase na kami nung high school, naging barkada na kaming apat. Ako, si Lhouraine, si Elleane at si Levi. Hanggang ngayong college ang samahan naming kahit iba ang kurso ni Elleane at Lhouraine samin ni Levi. Business Administration kami ni Levi. Si Lhouraine Interior Designing at Culinary Arts naman si Elleane. Buti nalang sa iisang campus lang kami. Graduating na rin kami.

Back to Your Future (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon